Pagkatapos kong kumain pinahatid niya ako sa kanyang driver kaya wala na akong nagawa kundi umuwi na lang. Hindi na ako nakapag paalam pa sa kanya ng maayos at pumasok na siya sa kanyang study room. Kapag ganyan daw hind imo na daw siya mapapalabas pa kaya hindi na rin nagpumilit pa at baka mapahiya na naman ako nito. Pagdating sa bahay may pinuntahan daw saglit si ate sabi nila sa akin dito kaya dumiretso ako sa aking kwarto at natulog ulit. Medyo hindi pa ako gaano gumaling at kailangan ko pa ng mas mahabang pahinga kaya ng paghiga ko nakatulog agada ko. Binilin ko sila Nana Encar na huwag akong gisingin at gusto kong matulog maghapon. Gusto kong fresh ako pag punta kila ate Karen mamaya, makikipagkwentuhan ako sa kanila at kung papalarin di matutulog na naman ako sa kwarto ni James kaus

