Pagkalabas ko ng kanyang closet room pinasadahan niya lang ako ng tingin pero wala naman siyang sinabi. Maganda naman ang suot ko ah, long legs nga ako at walang kapeklat peklat. Isa yun sa asset ko kaya maraming mga nanliligaw sa akin pero hindi ko pinapansin dahil wala akong mahanap sa kanila na kagaya ni James. Simula bata siya na ang laman ng puso’t isip ko lalo na ngayon na may nangyari sa amin hindi ko na yata kayang mawalay pa sa kanya. “Let’s go…maikli niyang sagot at nauna ng lumabas. Hinintay niya ako sa labas at siya na ang nagsara sa kanyang kwarto. Sabay kaming naglakad pababa kaya kinikilig ako ng sobra sobra. Deretso lang siyang naglalakad habang seryosong nakatingin sa harapan. Napaka perfect niya talaga kahit saang anggulo siya tingnan. Nabaling ang tingin ko sa harapa

