Naka pair of short and shirt ako na kung hindi ka mag susuot ng cycling makikita ang kaluluwa mo kapag tumalon ka or akyat. Tinantiya ko muna ang taas ng pagtatalunan ko, ilalagay ko kasi ang cctv na to sa chandelier na nakasabit dito sa gitna ng bahay. Malaki ito at sakop lahat ng liwanag kaya clear dito ang camera kapag dito ko nilagay. Wala namang makakhalata nun. Pagdating sa taas kinuha ko sa aking kasamahan ang bag na pinahawak ko saka nagbilang ng tatlo bago tumalon. I know matibay ito dahil sa texture at sa unang tingin ko pa lang alam ko na agad. Nagulat si Benny at George sa ginawa ko. Hindi sila nakapagsalita agad, napamura pa nga si George sa gulat. "s**t s**t boss...Mala sa pusa ka talaga kahit kaylan, wala man lang paabiso sa aming dalawa," George said na ikina ngisi ko.

