Samantalang mag-uumaga na ng umuwi ako sa bahay, nauna na ding umuwi si ate kanina sa akin. Nag paiwan ako at namiss ko talaga si ate Karen, naging malapit ko siyang kaibigan simula nang nalipat sila dito. Mas matanda siya sa akin ng eight years kaya lagi siya ang takbuhan ko lalo na kung binubuli ako ng kapatid niya. She is very strict sa amin ni James at lagi niya akong tinuturuan sa mga dapat kong gagawin lalo na at laging busy ang mga kapatid ko kaya everytime na andiyan sila, nandun din ako. Nagbago lang lahat simula ng mag aral si ate Karen sa ibang bansa at tumira don. Kinuha siya ng kanyang magulang na mag aral sa Germany at siya ang mamahala din sa mga business nila doon. Doon n din siya naka-pangasawa at nagkaroon ng anak, nagbabakasyon lang sila dito at kung may kailangan sila

