Sa ikalawang araw na ang graduation namin pero bakit parang hindi ako masaya ngayon. Wala din akong ganang kumain, inaaya akong lumabas ng mga classmate ko pero tinanggihan ko sila. Gusto ko ng umuwi at matulog na lang, nagpaalam din ako sa dalawa na bukas na lang kami magkita ulit. Sinabi ko na lang na kaylangan naming mag beauty rest para fresh kami sa aming graduation. Paglabas ko sa gate ng aming paaralan nakita ko agad si kuya Berto. Kumaway siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. “Kumusta ang practice ninyo Jeyjey,” bungad niya. “Ok lang naman po Kuya nakakapagod lang lalo na’t napakarami namin. Sa play ground pa kami nag practice, ang init kaya dun. Kaya ang labas nito pagod na pagod kami,” paliwanag ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan. Pumikit ako dahil gusto kong ipahinga ang

