Nag message ako sa kanila na on the way na ako, pagka baba ko ng taxi nakita ko agad ang isa kong tauhan na nag aantay na sa akin. Sinalubong ako agad at inabot ang isang paper bag. Kinuha ko yun binuksan, hindi nga ako nagkamali isang close shoes nga. Alam na alam talaga ng mga tauhan ko ang style na gusto ko. On vacation din sila sa tuwing nasa vacation din ako pero dahil kaylangan ko sila kaya salitan sila kapag. Dalawa daw ang nagpunta sina Benny at George lang kaya yung isa ang nakikipag deal at yung isa naman inantay ako. "Isuot niyo na ma'am at akin na ang tsinelas na gamit niyo," ani Benny. Huminto ako at sinuot ito maganda pala sa aking mga paa. Look good and elegant, galing talaga ng mga to...hmmmppp may bonus sila sa akin kung ganyan lang sila... "Thank you, maganda siya...si

