Napakalakas ng pitik nito, hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng t***k ng aking dibdib. Ngayon na lang ulit nangyari to sa akin, get a grip self ani ko sa aking sarili. Damn that man, kaylangan kong ibaling sa iba ang aking atensiyon para mawala siya sa aking systema sa isip isip ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. "Ma'am paalis na po sila Mr. Thompson," ani Benny na nasa labas ng aming gate. "Everything is ok naman po ma'am," ani naman ni George. "Copy then, make sure na nakaalis sila ng maayos," ani ko kay Benny. "Yes ma'am...check ko po hanggang sa makalayo sila," aniya. Magsasalita pa sana ako ng may makapa ako sa aking likuran. Tiningnan ko yun at napansin kong parang isang maliit na camera, kinuha ko ang aking cellphone at kunyari may ginagawa dito

