"Carry on," sabay pa nilang pahayag. Seryosong walang kangiti ngiting nakatingin sa amin si James. Mukhang bumalik na sa katinuan ang lalaking ito kaya kung umasta akala mo hari na naman sabi ko sa aking isipan. Sinipa ako ni Shadow kaya napatingin ako dito. Masamang tingin ang pinukol nito sa akin hindi ko ito pinansin at humarap na naman sa kanilang lahat sabay hingi ng paumanhin. "Pasensiya na po kayo ma'am at Sir mukhang nawala ata si Aling Edna sa kanyang sarili kaya niya ako inataki," palusot ko na nakayuko. Narinig ko ang malutong na mura ni Shadow sa aking likuran, hindi ako umimik at nagkunyaring parang kawawa. Bwisit kang impakta ka, mamaya ka lang sa akin sa isip isip ko. "Excuse me po...Inutusan lang naman ako ni Sir at Ma'am na gisingin siya pero bigla na lang akong inamba

