โMahal mo ba ako?โ
Yan ang tanong mo sa akin,
at sinagot kitaโฆ
โMahal na mahal kita.โ
Sinalo ko ang mga luha mo
sabay tanong saโyoโฆ
โAko? Mahal mo pa ba ako?โ
Sampung segundo.
Sampung segundong katahimikan.
Sampung segundong huminto ang mundo ko.
Hanggang sa unti-unting dinala sa tenga ko ang sagot moโฆ
โMahal pa ba kita? Kahit masakit na?โ
Pwede mo naman sanang sagutin ng โooโ o โhindiโ pero pinili mong idaan sa tanong na ikaw lang ang makakasagot.
Pwedeng hindi mo na ako mahal, dahil may mga tanong ka na sa isip mo.
Paano ko ba paghahandaan ang panahong sasabihin mo nalang sa akin naโฆ
โHanggang dito nalangโฆโ
Ang totoo, may mga bagay kang tinatakasan.
May lungkot pa rin talaga sa'yong puso na hindi maibsan.
Mga problemang walang katapusanโ
Mga gunita ng nakaraan.
Sa pamamagitan ng ngiti tumatakas ka sa sakit.
Kahit hindi naman maipagkakaila sa mata kinakaya na lang talaga nang pilit.
Ang pinakamabigat mong pag-iyakโ
Idadaan na lang sa mga halakhak.
Tumatakbo ka sa reyalidad,
May mga pagkakataon na minamadali mo ang pag-usad,
Upang hindi na maramdaman ang pagodโ
Kahit ang totoo, hindi mo naman matagpuan ang pahinga.
Tumatakas ka sa anino ng iyong sarili.
Sa mga hindi na maitatamang pagkakamali.
Sa mga alaalaโ
Sa mga bagay na tapos na.
Madalas,
Kung ano pa ang gusto mong takasan.
Kung ano pa ang ayaw mong maranasanโ
Ito pa ang madalas mong maramdaman