"Para kang Zombie ngayon." Puna ni Gela. Timing ang dating niya, tulog pa ang dalawang kaibigan niya. Mabuti at walang nakakita sa kanya pagdating niya kanina. Matinding paliwanagan pa sana ang kanyang kakaharapin. Ayaw niyang mag alala ang mga ito sa kanya, they also have so much on their own plates. Besides it's all her fault naman para mandamay pa siya ng iba. She won't drag her friends on her recklessness. "I can't sleep." Amin niya dito, sa part na iyon ay nagsasabi siya ng totoo. Tinangka niyang mahiga kanina pagdating niya, pero naging napaka ilap na ng tulog sa kanya. Paulit ulit na nag rereplay sa utak niya ang mga nangyari kanina. Magsisi man siya ay huli na, wala na ang pinakaiingatan niyang puri niya. Di na maibabalik pa sa dati ang lahat. Sa ngayon ay balak niyang ibal

