Pasado ala una na ng madaling araw ng makauwi ako sa bahay. Inihatid ako si Xavier dahil medyo lasing din ako at kaya ko naman mag drive, pero ang sabi ni Xavier ay mas maganda na ang nag iingat.Nang makapasok ako ng gate may nakita akong sasakya na naka park sa garahe kaya naisip kong baka nakauwi or kakauwi palang nila mommy.
Pagpasok ko ng bahay dumiretso na agad ako sa kwarto to take a shower para mawala ang amoy ng alak sa katawan ko, and then I did my skin care routine, at pinatuyo ang buhok ko.
Isasarado ko n asana ang pintuan ng makaramdam ako ng uhaw, So I went to the kitchen to take get some water. Paakyat na ako ng kwarto ng mapansin kong bukas ang pinto ng office ni mommy at daddy dito sa bahay, hindi ko alam pero parang may tumulak sakin na pumunta don.
Nang malapit na ko sa pinto may mahinang boses akong naririnig.
"Alam mo hindi dapat nang yari to kung pinabayaan mo nalang" rinig kong sabi ni daddy.
"Kung pinabayaan ko edi sana hindi aabot sa ganito ang kompaniya natin, matagal na sana tayong naghihirap!" sagot ni mommy.
"Tignan mo maganda naman ang kinalabasan diba? Pwede bang hayaan mo nalang? Ang tagal tagal na non. It's more than a decade. Mahigit sampung taon!" rinig ko ulit na sabi ni mommy.
"Alam Leonor--" hindi na natuloy ni daddy ang sasabihin niya ng makita niya akong pumasok
"Anak anong ginagawa mo jan? Kanina ka pa ba jan?" gulat na tanong ni mommy sakin
"Ah hindi naman po. Ano pong pinag uusapan niyo? And why are you fighting" tanong ko kay mommy.
"Wala anak. It's nothing. Nagkaroon lang ng kunting problema sa kompanya." Sabi ni daddy kaya napalingon ako sa kaniya
"So why are you look so worried nong nakita niyo akong pumasok?" tanong ko ulit
"Ganito kasi yan anak. We don't want you to get worried" sabi naman ni mooy kaya nagtataka akong napabalik ang lingon ko sa kaniya.
"Bakit naman ako mag aalala?" kunot noo kong tanong sa kaniya
"Because we know na mahal mo din ang kompanya... that's why we don't want you to worry anak!" sabi ulit ni mommy at nginitian ako.
"Bakit ano po bang nangyayari? Nalulugi na po baa nag hotel?" tanong ko ulit
"No anak, our hotel is doing fine kaya wala ka dapat ipag alala... Now, go back to your room and take a rest dahil alam kong pagod ka" sabi ni dad
"Sige po." Lalabas n asana ako ng magsalita ulit si mommy
"By the way anak happy birthday. We have gift for you, magpahinga ka muna bukas na lang namin ibibigay."
"Talaga po? Thanks mom! Thanks dad" atsaka ko niyakap ko si mommy at si daddy. After that lumabas na ako sa at dumiretso sa kwarto ko.
Kinaumagahan pag-gising ko I did my morning routine bago bumababa para kumain ng almusal. Pagbaba ko dumiretso na ako ng kusina at naabutan ko si Manang Lusing na inaayos ang mga pagkain sa lamesa.
"Manang sila mommy gising na ba? or Kumain na ba?" tanong ko sa kaniya
"Ay nako iha kakaalis lang nila bago ka bumaba... magpapadala nalang daw ng pagkain sa secretary niya ang daddy mo at sa office na daw siya kakain, ang mommy mo naman ay may kikitain daw na client sa isang retuarant at doon nalang daw kakain" paliwanag ni manang nginitan ko nalang siya atsaka kumain. Pagkatapos ko kumain aalis na sana ako ng kusina ng tawagin ako ni Manang.
"Siya nga pala iha, bago ko makalimutan pinapasabi ng mommy at daddy mo na may iniwan daw silang regalo sayo kunin mo daw sa kwarto, naka patong sa higaan nila." Sabi ni manang at kinuha na ang mga plato sa lamesa.
"Sige po manang Salamat" nginitian niya lang ako atsaka na ako umalis. Pag dating ko sa kwarto nila mommy at agad kung kinuha ung regalo na sinasabi ni manang atsaka na ako lumabas. Pagpasok ko sa kwarto ko tinignan ko ang orasan, it's 9:33 a.m. Hindi ko alam pero naisipan kong dalawin ang puntod nila lolo at lola pati na rin ni kuya total sabado naman wala akong masyadong gagawin kaya tinext ko nalang si Xavier at mag pasama.
To: Love
"Hey love, goodmorning. Are you busy today? May gagawin ka ba sa office?"
Nag reply naman siya agad kakagising lang siguro o kaya naman off to work na.
From: Love
"Goodmorning my Queen.Actually I have a meeting today"
To: Love
"Ay ganon ba? Hanggang anong oras?"
From: Love
"Until 2 p.m. Why?"
To: Love
"Pwede mo ba akong samahan? Dadalawin ko sila kuya sa cementery"
From: Love
"Yeah sure,I'll pick you up later, maybe 2:30 p.m"
To: Love
"Okay thank you. I love you"
From: Love
"No problem. I love you"
Hindi ko na siya nireplyan at nag ayos nalang ako ng kwarto ko. Pagkatapos ay naipisan ko nalang manood ng movie sa laptop. I rewatch Harry Potter and the Half-Blood Prince. This is the series where Albus Dumbledore died. After a couple of hours naisipan kung bumababa. Pagkababa ko ng hagdan nakasalubong ko ulit si manang.
"Oh! iha nanjan ka na pala tatawagin sana kita, halika at kumain ka na ng tanghalian" aya sa akin ni manang kaya napatingin ako sa malaking orasan sa sala, alas dose na pala at mag aala una na.
"Sige po manang, pero pwede po bang sabayan niyo po akong kumain?" tanong ko sa kaniya
"Sige iha, tara na't kumain na tayo" sabi niya at sinabayan ko siya mag lakad papuntang kusina.
Pag katapos kumain ay bumalik na ko sa kwarto para maligo at ayusim ang isusuot ko mamaya. Mag a-alas tres na ng dumating si Xavier. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan, pagkapasok niya ng kotse ay umalis na agad kami napansin ko din na,he buy flowers and candles, kaya siguro mag aalas tres na niya ako nasundo.
Pag dating namin sa puntod nila lola ay hindi ko maiwasang mangulila sa kaniya, simula pagkabata ko ay sila ang kasa-kasama ko sa bahay pag wala sila mommy, they died 5 years ago because of car accident at kasama nila si kuya. Tumambay pa kami ng ilang oras doon atsaka naming naisipang umalis na... sasakay na sana ako ng sasakyan ng mapansin kong wala ung cellphone ko.
"Love I think I left my phone, babalikan ko lang"
"Samahan na kita" sabi niya pero umiling nalang ako sakaniya "No, wag na, ako nalang mapalit lang naman eh" tinanguan niya lang ako atsaka na ko umalis. Pagbalik ko kita ko ung phone ko sa ibabaw ng puntod ni kuya kaya nilapitan ko agad, pupulutin ko na sana ng may makita akong babae sa may puno na naka tayo. Tinitigan ko siya at napansing magkamukha kami ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay naglakad na siya paalis.
"Miss saglit lang, anong pangalan mo" sigaw ko sa kaniya pero hindi na niya ako nilingon.
Pagbalik ko sa sasakyan ay nakita kong nakasandal si Xavier at naghihitay sakin.
"Bakit ang tagal mo?" tanong niya sa akin
"May nakita ka bang babae na dumaan dito" balik na tanong ko sa kaniya
"Babae? Sinong babae? Wala naman akong napansing napadaan... bakit?" sabi niya na naka kunot ang noo.
Inilingan ko nalang siya "Wala wala, nevermind...wag mo nang pansinin" nagtatakang tinanguan lang niya ako.