Chapter 2

2528 Words
Kinabukasan, tulog pa ang kanilang ama nang umalis silang magkapatid pero nag-iwan naman siya ng pagkain bago sila umalis. Hindi niya alam kung ano'ng oras ito umuwi kagabi dahil maaga rin silang nagpahinga kagabi. Pagdating niya sa karinderya, nakangiting bumungad sa kanya si Aling Perla. Wala pa roon sina Maris at Jenny kaya nagtaka siya kung bakit ito nakangiti. “Stella, may magandang balita ako sa ’yo,” sambit nito sa kanya. Isinabit muna niya ang kanyang sling bag bago lumapit sa ginang. “Ano po ’yon, Aling Perla?” tanong nito. “Hindi ba at kailangan mo ng trabaho na mas malaking sahod?” tanong nito sa kanya kaya tumango siya. “Opo, bakit po?” “Tamang-tama, ang pamilya Del Frado ay naghahanap ng bagong katulong. May kasamabahay naman doon pero kailangan nila ng maraming katulong. Fifty thousands daw ang sahod sa isang buwan pero hindi pa ako sigurado. Pumunta ka na roon ngayon dahil ang dami na raw nag-aapply, subukan mo dahil wala naman masyadong requirements,” sambit ni Aling Perla sa kanya. Nang marinig niya kung magkano amg sahod ay na siya nagdalawang-isip dahil malaking tulong iyon sa kanila, lalo na kay Sky. “Salamat po, Aling Perla. Babawi po ako sa inyo sa susunod,” sambit niya nang kuhain ang bag na nakasabit. “Sige, ayos lang. Ito ang pamasahe, oh. Bilisan mo na at baka maunahan ka. Good luck, Stella!” wika nito pagkabigay sa kanya ng dalawang daan. Ngumiti pa siya at tumango saka naglakad palabas ng karinderya at tumigil sa b****a para lingunin si Aling Perla. “Maraming salamat po, Aling Perla, sa lahat,” sambit niya at ngumiti. Tumango lang ito habang nakangiti kaya nagpatuloy na siya sa paglakad para magtungo sa bahay ng mga Del Frado. Alam niya ang bahay ng Del Frado, malapit sa plaza ng bayang Sta. Ana at kitang-kita iyon dahil sa laki nito. Kilala rin ang pamilya nila dahil sa kanilang yaman pagdating sa negosyo. Sa mga restaurant pa lang ay nagkalat na sa iba't ibang lugar, may mga flower shop din at ang Del Frado's Company pa na iba’t ibang negosyo ang hinahandle ng tatlong anak. Sumakay na siya ng trysicle at nagpahatid sa bahay ng mga Del Frado. Nagkalat sa mga tabloids ang pangalan at mukha nila, pati ang mga anak nila ay hindi rin papahuli kaya mas nakilala lalo ang pamilya nila. Malapit lang naman iyon sa karinderya, mga forty five minutes na byahe ng trysicle pero dahil nagmamadali siya kaya nagsakay na siya, binigyan din naman pati siya ni Aling Perla ng pamasahe kaya hindi niya kailangan magtipid. Pagdating doon ay bumaba agad siya at nagbayad. Nakita niyang marami nang tao at karamihan ay bata pa’t magaganda ang nag-aapply. “Grabe, bakit naman ang gaganda nila para magkatulong?” bulong niya habang naglalakad papasok sa loob. Bukas ang gate kaya malaya niyang napasok ang loob pero bago niya marating ang mismong pinto ng bahay nila ay may mahabang pathway pang dadaanan habang sa magkabilang tabi ay may bermuda grass. Pabilog din ang style ng bakod nila na bumabalot sa buong bahay. May mga puno rin ng mangga, lansones, kalamansi at iba pa sa bandang likod. Sa kaliwa rin ay may fountain. Binilisan niya ang lakad para makarating agad siya. Nakapila ang mga mag-a-apply kaya lumapit siya doon at pumila. Pagpila niya sa dulong hanay ay mas malapit na siya sa bahay ng mga Del Frado kaya mas napagmasdan niya ito. Black and white ang theme ng bahay at two story house ang stylenito. Ang veranda ay mahaba rin na nakaharap sa gate, sa ibaba no’n ay parking ng iba't ibang sasakayan ng pamilyang Del Frado. “Ang taba niya naman, bakit kaya siya nag-apply?” “Baka aakitin si Sir Matthew.” “Eww. Hindi siya papatulan no’n, may allergies iyon sa mga double size woman.” Naririnig niyang bulangan ng ibang nakapila roon. Hindi niya tuloy napigilan mapatingin sa sarili dahil sa mga bulungan ng mga ito pero hindi ko na lang niya pinatulan dahil hindi naman sila ang ipinunta niya sa bahay na ’yon. “Sa mga hindi pa nakakapagsulat ng pangalan dito, magsulat na dahil mayamaya lang ay magtatawag na si Ma'am Elvira. Lumapit na rito dahil ipapasok ko na ito kapag tumawag si ma'am,” wika ng isang lalaking nasa mid-thirty’s habang hawak ang isang papel. Napalunok siya at naisip na hindi pa pala siya nakakapagsulat doon. Siguro sa ganoong paraan na lang magtatawag dahil nga sa walang requirements na hiningi. Naglakas loob siyang humakbang palapit doon kaya muli na naman niyang naramdaman ang mapanuring tingin at ang mga mapanglait na boses ng mga kasama niya, ngunit kailangan ng pera kaya hindi siya magpapatinag sa kanila. Hindi naman siya mamatay sa panglalait nila kaya hindi niya na lang pinapansin. Nagbingi-bingihan siya hanggang sa makalapit siya sa lalaking may hawak ng listahan. “Kuya, ako po hindi nakakapagsulat,” sambit niya. Tiningnan muna siya nito bago iabot ang papel na may patungang card board. “Siya, isulat na at malapit na magtawag si ma'am. Naghihintay lang ng konting minuto,” sagot nito habang nagsusulat siya ng pangalan. “Salamat po,” sabi niya nang maisulat ang pangalan saka siya nagmadaling bumalik sa pila. Lumingon siya sa ibang kasama ko at nakangiwi silang nakatingin sa kanya habang may pag-irap pa. Muli, hindi niya na lang pinansin. Marami pang dumating at sumunod sa kanyang mag-a-apply. Nang mag-alas otso ay isinarado na ang gate ng mga guwardya meaning, wala nang papasok. Tinawag na rin iyong lalaking may hawak ng listahan at pinapasok silang lahat sa loob. Sa malawak na sala ay maraming naghilerang monoblock at doon sila umupong lahat. Mas maganda sa loob ng bahay ng mga Del Frado dahil ang ilang bahagi ng pader ay pininturahan ng light shade of green habang white ang mga furnitures. Ang pwesto nila ay nakatalikod sa pintuan at nakaharap sa dalawang hagdanan na paakyat sa second floor. Sa bandang itaas, kapag tumingala ka ay mataas na white chandilier ang makikita at may veranda rin sa taas paikot sa loob. Parang kung may show rito sa loob ay magandang pumwesto sa taas dahil mas kita ang nangyayari. Sa harapan nila ay may dalawang kwarto sa ilalim ng hagdan sa bandang gitna. “Maghanda na kayo, random ang pagtawag ni Ma'am Elvira kaya huwag magtaka kung mauuna sa inyo iyong nahuling dumating, ah,” wika ng isang ginang na sa tingin niya ay nasa fifty’s na mahigit. Hula rin niya ay ito ang pinagkakatiwalaan na kasambahay rito dahil sa suot niyang uniform na para sa mga kasambahay. Pagkatapos ay umalis ito sa veranda ng second floor. Umayos siya ng upo para makinig sa mangyayaring pagtawag. Mayamaya pa ay nakita na nilang bumababa ito ng hagdan hawak ang papel na pinagsulatan ng kanilang pangalan kanina. Nang makababa ito ay tiningnan nito ang papel. “Ana Marie, Michelle, Greta, at Dana. Sumunod kayo sa akin,” wika nito at muling umakyat sa taas. Sumunod ang limang babaeng tinawag nito kaya sumandal muna siya sa upuan habang naghihintay. * After thirty minutes, lima na lang silang natitira sa labas. Nasa trenta rin silang naroo at iyong mga naunang tinawag ay bakas ang lungkot sa mukha at bagsak ang balikat na bumaba mula sa second floor. Alam mong hindi sila tinanggap. Kinabahan tuloy siya dahil ang gaganda na ng mga ito at mukhang may mga tinapos pero hindi pa rin tinanggap, paano pa kaya siya na walang natapos? Napatingin siya sa taas nang marinig ang mga huling pumasok at dismayado rin ang mga ito. Napalunok siya nang tumigin sa kanila ang ginang. “Kayong natitirang lima, akyat na kayo dahil last na rin naman kayo,” wika nito sa kanila. Tumayo naman sila at sumabay sila sa ginang sa paglalakad. “Sana matanggap na kayo para may katuwang na ako,” sambit nito sa kanila. “Sana nga po,” sagot ng isa sa kanila. “Tingin ko naman tatanggpin na kayo dahil kailangan talaga namin ng katulong,” sambit nito habang nakangiti. Pag-akyat nila ay may mga upuan rin doon kaya naman naupo muna sila. Isa-isa muna ang pagpasok sa loob kaya kailangan pa rin nilang maghintay pero hindi na ganoon katagal. Pagkatapos ay tumingin ang ginang sa papel na hawak nito. “Sino si Mira?” tanong nito. Tumayo ang isang babae na nakasimpleng jeans at blouse lang. “Ako po,” sagot nito sa ginang. “Siya, pasok na muna ikaw. Mamaya kayo, ah,” wika nito sa kanila at naglakad patungo sa nakasaradong pinto na kulay puti at may nakasulat na office. Pumasok doon si Mira at bumalik sa kanila ang ginang. Tumayo ito sa harapan nila. “Good luck sa inyong lahat. Ako pala si Manang Divina,” wika nito at ngumiti. Mukha naman itong mabait at approachable kaya medyo gumaan pakiramdam niya dahil alam niyang mabait ang makakasama niya kung sakaling matanggap siya. “Ilan po ba kukunin na katulong?” tanong ng isa sa kanilang apat na naiwan. “Lima yata o tatlo, hindi ko rin alam. Pero kailangan ng katulong dahil maraming trabaho rito na hindi ko na maasikaso dahil sa pagluluto ako nakatalaga. Wala kasing tumatagal na kasambahay rito dahil sa bunsong anak nila Elvira. Imbes na magtrabaho kasi ang mga dating katulong rito ay si Matthew ang inaatupag kaya palaging sisante. Ang gusto ni Elvira na kukunin sa trabaho ay trabaho talaga ang hanap,” sambit nito sa amin. Napatango ako at naalala ang pangalan na iyon. Minsan na niyang nakita at narinig ang pangalan ni Matthew. Isa ito sa magaling at youngest billionaire ng Del Frado's Group of company. Gwapo iyon sa tabloids at mukhang seryoso kaya baka masungit iyon sa personal. Pero sabi ni Manang Divina sa kanila ito ang tinatrabaho ng mga dating katulong, kaya nagtataka siya kung ano ang ibig sabihin nito room. Napatingin sila nang bumukas ang pinto ng office at lumabas si Mira ng nakangiti. “Tanggap po ako, magsisimula na po ako bukas,” wika nito. Napangiti si Manang Divina at tumango. “Uwi na po ako, babalik po ako bukas. Salamat po. Uy, good luck sa inyo!” sambit nito sa kanila bago naglakad pababa ng hagdan. Lalo siyang kinabahan kaya napasulyap siya sa suot niya. Nakasuot siya ng floral na blouse at maong na paldang lampas sa tuhod niya saka nakatali lang ang mahabang buhok niya. Iniisip niyang hindi naman siguro suot ang basehan sa pagpili kasi may mas maayos na suot sa kanya ang nauna kaninang ma-interview hindi mga natanggap. Muling nagbasa si Manang Divina ng pangalan na tatawagin. “Stella Cuevas?” tanong nito kaya napatayo agad siya. “A-ako po,” kinakahaban niyang sagot. Ngumiti ito sa kanya kaya medyo nabawasan ang kaba niya. “Siya, pasok ka na lang sa pintong ’yan,” wika nito sa kanya at tumango siya saka naglakad papasok sa pintuang itinuro nito. Pagtapat niya roon, huminga muna siya ng malalim bago hawakan ang doorknob at pumasok sa loob. Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang isang babaeng nasa mid-fifty’s na ang edad pero maganda pa rin ito, nakaupo ito sa swivel chair at diretsong nakatingin sa kanya. “G-good morning po,” bati niya. Hindi ito ngumiti pero pansin niya ang pagsulyap nito sa kanyang suot. “Take a sit,” saad nito kaya sumunod siya. “Introduce yourself,” wika nito at may kinuhang papel. Napalunok siya at huminga muna ng malalim bago magsalita. “I’m Stella Cuevas po. Twenty five years old. Nagtatrabaho po ako sa isang karinderya. Hindi rin po ako nakatapos ng pag-aaral at tanging primary school lang po ang naabot ko,” sagot niya. Hindi siya nagdalawang-isip sabihin ang totong background niya dahil baka makatulong iyon para matanggap siya rito. Hindi ito sumagot at may isinusulat sa papel. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at muling tiningnan ang suot niya kaya umayos ulit siya ng upo. “Marunong ka ba sa gawaing bahay?” tanong nito. “Opo. Marunong at kaya ko po lahat ng gawaing bahay. Gagawin ko po lahat at magsisipag din po ako basta tanggapin ninyo lang po ako, ma'am,” sambit niya. Hindi ito umimik at sumandal lang sa swivel chair. “Alright. Do you know my youngest son?” tanong nito. Tumango naman siya dahil wala namang hindi nakakakilala sa bunsong anak nito. “Okay. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, hija. Tatanggapin kita kasi kailangan mo ng trabaho pero hindi kasama roon ang anak ko. He’s a jerk and…well a playboy kaya kayo na lang ang dumistanya sa kanya. Ayoko ng mga babaeng malandi at papasok lang dito para sa anak ko. I want a decent girl who really needs a job. Kung anak ko lang din naman ang ipinunta mo rito, pwede ka nang umalis,” direstong wika nito sa kanya. Hindi ito ngumingiti at ramdam mo ang seryoso sa boses nito pero tinatagan niya ang loob niya para sa trabahong kailangan niya. “Hindi po ako interesado sa anak ninyo, ma’am. Trabaho lang po talaga ang kailangan ko dahil may pinag-aaral po akong kapatid. Pangako po na sisipagan ko basta po tanggapin ninyo lang ako,” sambit niya habang ramdam ang kaba sa kanyang dibdib. “Mabuti kung ganoon then you can start tomorrow. Here's your bonus payment for accepting this job. Bukas ko ipaliliwanag ang magiging sahod ninyo para sabay-sabay na lang kayo,” wika nito at inilahad ang cheque. Tinanggap niya iyon at tumayo. “Salamat po, ma'am,” sagot niya at yumuko pa bago tuluyang lumabas. Paglabas niy, napangiti siya at nawala ang kabang nararamdaman at napalitan ng saya. “Mukhang pasok ka rin, ah,” sambit ni Manang Divina sa kanya kaya tumango siya. “Opo, start na raw po ako bukas,” sagot niya ng nakangiti. “Mabuti naman,” sagot nito. “Aalis na po ako. Salamat po sa inyo. Good luck sa inyo,” sambit niya at nilingon pa ang ibang naiwan. Tumango ang mga ito at ngumiti kaya nagpasya na siyang maglakad pababa ng hagdan para umuwi. Masayang siyang lumabas ng gate ng mga Del Frado at napatingin sa cheque na hawak niya. Sa sobrang yaman ng pamilya Del Frado, nagbibigay ang mga ito ng bonus payment kahit hindi pa nagsisimula. Twenty thousand din iyon kaya malaking tulong talaga ang trabaho na iyon sa kanilang magkapatid. Mapapag-ipunan na niya ang pag-aaral nito sa senior high at kolehiyo. Maingat niya iyong itinabi sa pitaka niya dahil mamaya kukunin niya na rin iyon upang ipang-grocery para may stock na pagkain siyang iiwan kay Sky bukas bago siya umalis. Habang abala siya sa paglalagay ng cheque ay napatalon siya sa gulat nang may malakas na busina siyang narinig. Napatingin siya sa harapan niya at may isang pulang sports car ang nandoon. Alam niya ang sasakyan na ito dahil nakikita niya ito sa social media kapag nahahawakan ang touchscreen na cellphone ng kapatid. Nakaharang pala siya sa b****a ng gate kaya agad siyang gumilid. Tiningnan niya kung sino ang sakay no’n pero hindi niya nakita dahil sa tinted ang salamin no’n kaya inalis niya na lang ang tingin niya at nag-abang na ng trysicle para umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD