Chapter 11

2027 Words
** PAGKATAPOS niyang huminga ng ilang minuto, nagpasya na siyang tumayo at lumabas ng conference room. Sinalubong pa siya ni Rina. “Sir, may iuutos po ba kayo?” tanong nito. Ngunit umiling siya. “Uuwi muna ako. Just call me if you encounter any problems related to the company,” sambit niya at tumango lang ito. Napabuntonghininga siya bago ito talikuran. Naglakad siya palayo hanggang sa makalabas siya ng atcompany building. Pagbaba niya, sumakay agad siya sa sasakyan niya at muling napabuntonghininga. Nakailang buntonghininga siya s araw na iyon. Kagabi, pinaligaya siya pero sobra namang problema ang kapalit. Siguro, hindi muna siya magpupunta sa diamond hangga't hindi naayos at natatapos ang problema niya. Pinaandar niya ang sasakyan niya pauwi ng bahay nila. – Pagtapat niya sa kanilang gate, pinagbuksan siya ng guard pero ang tingin niya ay na kay Stella na naglilinis sa halaman ng ina. Tila nagsasalita ito kaya binagala niya ang andar ng sasakyan para mapagmasdan ito. Nakaupo ito sa isang bangkito at habang palapit siya sa garahe ay natatago ng malapad nitong katawan ang mukha nito. Nang tumayo ito ay agad niyang pinaandar ng ayos ang sasakyan papunta sa garahe. Bumaba siya at dumiretso kung nasaan si Stella. “Ayan, malinis na ulit kayo at may dilig na rin. Binungkalan ko na rin kayo ng lupa para mas maganda ang paglago ninyo.” Narinig niyang sabi nito sa mga bulaklak at halaman. Hindi siya nagsalita at nanatili lang sa likuran nito dahil baka magulat na naman ito. Hindi niya alam pero magaan ang loob niya rito. Siguro dahil sa nakita niyang totoo ito at maituturing na mabuting kaibigan. Iba kasi ito sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Marami na rin katulad ni Stella ang nagkagusto sa kanya kaya naman humanga siya rito. “Ay palaka!” sigaw nito nang mapansin siya. “Mukha ba akong palaka?” tanong niya habang nakangiti ngunit umiling ito. “Pasensya na po. Nagulat lang ako,” sagot nito at umatras ng konti palayo sa kanya. “Ayos lang. Anyway, akala ko ba ikaw ang maglilinis ng kwarto ko kanina. Bakit bigla kang nawala?” tanong niya. “May biglaan po akong ginawa kaya po si Clara na lang ang naglinis doon,” sagot nito habang nakayuko. Napatango siya at medyo nagtataka sa kilos nito pero pinabayaan na lang niya. “Ganoon ba? Okay. Pero sa susunod, pwedeng ikaw na lang ang maglinis ng kwarto ko?” tanong niya. “Po? Si Clara na po ang nakatoka sa kwarto ninyo, sir,” sagot nito. "Pwede naman siguro kayo magpalit, 'di ba? I just want you to clean my room. We're now friends, right? At gusto ko, malapit na kaibigan lang ang papasok sa kwarto ko,” saad niya. “Pe—” “Kakausapin ko si Clara tungkol diyan. Thanks. I have to go.” Pinutol nito ang sinasabi nito saka siya ngumiti at iniwan si Stella na nakaabang pa ang bibig sa pagsasalita. Pumasok siya sa loob at nakita niya ang kanyang ina na nag-aayos ng mga bulaklak. Lumapit siya rito at bumeso. “Mom, nasaan si ate?” tanong niya. “Nag-shopping lang. Ang aga mo yata ngayon or you're not that busy?” tanong nito. “I am not busy, mom, so I decided to go home and take a rest,” sagot niya. “Hmm. That's good. Uuwi ngayon ang daddy mo at kuya mo so we can lunch together.” Nakangiti ito pero hindi sa kanya nakatingin. “That's great, mom. Anyway, I’ll just change my clothes,” sambit niya at umakyat na sa second floor. Pagdating niya sa taas, saktong bumukas ang kwarto niya at iniluwa si Clara. Nang makita siya nito ay nagkagat labi ito. Pero hindi niya iyon pinansin. Wala siyang oras para mga kalandian. “Clara, right?” tanong niya. Ibinaba nito ang panglinis na hawak nito at tumango sa kanya habang malawak ang ngiti. “Yes, sir, ano po ang kailangan ninyo?” tanong nito na may pang-aakit. “Nothing. I just want to say that from now on, si Stella na ang lang ang maglilinis ng kwarto ko. Do you understand?” tanong niya. Naglaho ang ngiti nito at dahan-dahang napatango. “Good,” wika niya at iniwan na ito. Pumasok siya sa kwarto niya isinarado iyon. Naiwan sa labas si Clara na nagpupuyos sa galit at inggit kay Stella. “That chubby girl is getting on my nerves. Ang kapal ng mukha niya na kausapin si Matthew para makipagpalit,” bulong niya at napakuyom ang kamay. “At makukuha rin kita, Matthew. Konting pagtitiis na lang ang gagawin ko dahil alam kong tinatablan ka rin sa pang-aakit ko,” dagdag niya bago huminga ng malalim. Pumikit siya sandali at sa pagmulat ng kanyang mata ay padabog niyang kinuha ang panglinis at bumaba ng second floor. ** Samantala, napatikom naman ang bibig ni Stella nang iwanan siya ni Matthew. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito na magkaibigan sila. Wala siyang inaasahan na ganoon dito dahil sa physical na anyo niya. Akala niya ay hindi ito lalapit sa kanya dahil halos lahat ay inaayawan ang katabaan niya. Kaya naman nagulat siya sa sinabi nito dahil ito pa lang din ang nagiging ganoon sa kanya. Napahinga siya ng malalim. "Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kami. At least, hindi ako pag-iisipan na nilalandi ang isa Del Frado,” wika niya sa sarili bago iligpit ang ginamit sa pagbungkal ng lupa. Naghugas na rin siya ng kamay bago bumalik sa loob. Alas dose na rin kasi at sabay-sabay kakain ang pamilya kaya kailangan na nilang maghain. Pagpasok niya, saktong mag-uumpisa na ang mga kasama niya kaya tumulong na siya. Wala ngayon si Rissa dahil bigla itong nilagnat kaya nasa kwarto lang ito. Narinig din niya kay Mira na baka uuwi na muna ito para magpahinga kaya baka mabawasan pa sila. Siya ang nagsalin ng tubig sa mga baso kaya muli niyang nakita ang mga anak ni Elvira. Nakita niya ulit kung gaano ito mga kadisiplinado pagdating sa hapag, halatang may takot pa rin sa magulang kahit mga nasa tamang edad na. Naisip niya tuloy na kaya ganoon makitungo si Matthew sa kanya dahil sa naturuan ito ng maayos, babaero nga lang talaga. Pagkatapos niya maglagay ng tubig ay bumalik na siya sa dirty kitchen. — Pagkatapos kumain ng mga ito ay niligpit na nila ang mesa para sila naman ang susunod na kakain. Sabay-sabay silang kumain nila Divina ng tahimik. Nang matapos sila, siya na ang nagpresintang maghugas ng mga plato na hindi naman tinutulan ni Divina. Dahil tapos na rin naman ang trabaho nila at pahinga sila ng ganoong oras, siya na lang naiwan sa kusina. Pero habang naghuhugas siya, may bumunggo sa kanya, nang lumingon siya ay nakita niya si Clara. Naghugas lang ito ng kamay pagkatapos ay inirapan siya bago umalis. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy na sa paghuhugas. Tumambay siya sa kubo sa bandang likod bahay ng mga Del Frado. Mahangin kasi roon at malilim dahil sa mga puno kaya doon siya nagpasyang magpalipas ng oras. Nagdala siya ng malamig na tubig at chips saka libro. Pero hindi pa man nagtatagal ang pagtambay niya roon ay sumulpot si Matthew sa harapan niya. Nakasimpleng v-neck shirt na royal blue ito at black shorts saka tsinelas. Simpleng tingnan. Hindi mo aakalain na mayaman ito. Napaayos siya ng upo at iginilid ang chips na dala niya. “S-sir, bakit po?” tanong niya. Ngumiti ito at umupo sa kabilang upuan. Ang kubo kasi roon ay nipa hut na nabibili na gawa sa kawayan kaya maganda talaga na pagtambayan iyon. “Kaya pala wala ka sa bahay, nandito ka pala. And you like chips, huh?” sambit nito. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang sinabi nito dahil tila hinahanap siya nito. "Nagpapahangin lang po,” wika niya. Tumango ito at muling ngumiti. "Anyway, nainom ka ba ng alak?” marahang tanong nito. Humangin ng malakas kaya nilipad ang buhok niya kahit pa nakatali iyon. Tiningnan niya si Matthew bago sumagot. “Opo, pero madalang. Mas kailangan ko po magtrabaho kaysa unahin ang mga ganyang bagay.” “Nice. Hindi ko na pala kailangan lumayo kapag gusto kong uminom. May makakaharap na pala ako rito,” wika nito. “Naku, baka mapagalitan tayo ni Ma'am Elvira. Kasambahay po ako rito at trabaho kong magtrabaho sa inyo hindi makipag-inuman,” saad niya. "Minsan lang naman at kapag tapos na ang trabaho mo para hindi ako makaabal. Hindi naman kita lalasingin, kumbaga maglalabas lang ng problema,” wika nito at tumawa. Napangiti rin siya dahil ang daldal nito. “Ang dami ninyo naman pong problema, sir,” komento niya. “Aba! Sino ba ang taong walang problema? Lahat nagkakaproblema,” sagot nito. Napatango siya. “Sabagay, magkakaiba nga lang ng problema. Kaming mahirap, pera problema. Kayong mayayaman, trabaho,” ngiti niyang sagot. Tumawa ito habang tumatanago. At nagkuwentuhan lang silang dalawa roon na parang hindi sila mag-amo at tila magkaibigan talaga sila. Kaya naman tinatanggap na niya na magkaibigan na sila ng isang Matthew Del Frado. Kuntento na siya roon dahil kung hihiling pa siya ng higit doon ay alam niyang malabo ng mangyari. – Pagpatak ng alas kuwatro, bumalik na siya sa bahay para muling magtrabaho. Iniwan niya si Matthew na mahimbing ang tulog. Pero nag-alarm naman ito dahil akala nito ay matutulog din siya kaya alam niyang magigising din ito mamaya. Muli siyang bumalik sa halaman para diligan iyon. Sunod niyang ginawa ay pumasok siya sa loob ng bahay at doon naman naglinis. Nagwalis siya sa sala para makapag-mop. Alasais na siya nang matapos sa paglilinis doon dahil nagpunas pa siya ng mga divider at bintana kaya natagalan siya. Saktong pagkuha niya ng mga panglinis ay pumasok si Matthew. Pupungas-pungas pa ito nang magkasalubong sila. “Napasarap tulog ko kaya iniwan mo ako,” wika nito. Tumingin muna siya sa paligid bago ito muling tiningnan. Iniangat niya ang hawak niya para ipaalam na may trabaho siya kaya kailangan niyang gawin ’yon. “Ohh!” reaksyon nito. Sumensyas siyang aalis na siya at tumango lang ito. Pero ng paalis na siya ay pinigilan siya nito. “Wait, can you make me coffee again? Masarap kasi magtimpla,” sambit nito. Lumingon siya rito at tumango lang siya. Binitiwan na siya nito kaya nagpatuloy na siya sa pag-alis. Naghugas lang siya ng kamay bago kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. Kasalukuyang nagluluto si Divina ng ulam. “Magkakape ka?” tanong nito sa kanya. Umiling siya. “Para po kay Sir Matthew, nagpatimpla po,” sagot niya. Napatango ito kaya umalis na rin siya pagkatapos niyang magtimpla. Nasa sa ito at nakaupo habang hawak ang cellphone kaya inilapag na lang niya roon ang kape at umalis na. Bumalik na siya sa kusina upang maghain na ulit dahil nakapagluto na ng ulam si Divina at kakain na sila Elvira. Pero dahil hindi pa nababa ang mga ito ay nagpasya muna siyang pumasok sa kwarto nila at hindi nagtagal ay kasunod na niya si Clara. Itatabi niya sana ang cellphone niya nang marahas nitong hablutin ang braso niya. “Aray, Clara! Bakit ka nananakit?” tanong niya. "Because you're a flirt. You're flirting with Sir Matthew. Talagang kinausap mo siya para ikaw ang maglinis ng kwarto niya. Bakit? Para maakit mo siya? But sorry, hindi siya maaakit sa mga double size na katulad mo!” wika nito at binitiwan ang braso niya. “Ano bang sinasabi mo? Hindi ko siya nilalandi, Clara. Ano ka ba? Amo natin siya. At wala akong sinabi sa kanya na ako ang paglinisin niya. Pareho lang tayong katulong kaya huwag kang mainggit. Nagtatrabaho lang ako, Clara,” wika niya pero umirap ito. “Whatever you say. And please lang, hindi tayo magka-level. B*tch!” sambit nito bago siya iniwan. Napailing na lang siya bago naglakad palapit sa higaan niya para ilapag ang cellphone doon. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto at hindi nagpahalata na may nangyari dahil nakatingin sa kanya si Mira. Ngumiti siya rito para hindi ito mag-isip ng kung ano. Palalampasin na lang niya ang nangyari dahil wala naman siyang balak makipagkumpitensya kay Clara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD