Chapter 17

1706 Words
Kinaumagahan, sa paglalakad ni Stella papuntang trabaho hindi mawala sa isip niya si Matt. Isang araw pa lang niya itong hindi nakikita pero tila isang linggo na. Wala namang namagitan sa kanila pero namimiss na niya ito. Hindi tuloy niya mapigilang isipin na paano kung pareho ang buhay niya sa buhay nito, may chance kaya sila? Pero agad din niyang iwinaksi ang pag-iisip na ’yon dahil may isang sasakyan ang sumasabay sa lakad niya hanggang sa tumigil ito, kaya binilisan niya ang lakad dahil akala niya ay nakaharang siya sa daan. Ngunit may biglang humawak sa kamay niya. “Stella, wait.” Lumingon siya sa tumawag sa kanya at nagulat ng makita si Matthew. Naka-coat at pants pa ito na tila papunta sa opisina. Nang makita niya ito sa kanyang harapan, tila umurong ang naiisip niya kanina. Mas gusto niyang maglaho sa harapan nito dahil naiilang siyang makaharap ito ng ganito. “Can we talk?” tanong nito. Natauhan siya roon kaya mabilis niyang binawi ang kamay niya at naglakad palayo. Pero muli siya nitong hinabol. “Stella, sandali lang. Mag-usap muna tayo. Please,” pakiusap nito sa kanya. Sinubukan niyang umiwas pero hinarang siya nito. “Please, hindi naman kita sasaktan or what. I just want to talk to you,” pakiusap nito. Napabuntonghininga siya at bago dahan-dahang tumango. Ayaw na sana niya na makipag-usap o mapag-usapan pa ang nangyari dahil para sa kanya kalilimutan na lang niya iyon kahit kanina lang ay namimiss niya ito. “I’m sorry for what happened to you. Hindi ko gustong matanggalan ka ng trabaho. Susubukan kong i-convince si mom na ibalik ka para makabawi ako,” wika nito. “Hindi na po kailangan, sir. May trabaho naman ako. Kung ginagawa ninyo lang ito dahil nagi-guilty kayo, then huwag na po. Ayos lang po ako. Kung ’yon lang po ang ipinunta ninyo pwede na kayo umalis,” sagot niya. Napansin niya ang pagdaan ng lungkot sa mata nito pero hindi niya iyon pinansin. “A part of it. But I’m also worried. Alam ko kung gaano mo kailangan ang trabahong ito para sa kapatid mo. At alam ko rin na tatanggihan mo ako, kaya bilang paghingi ko ng tawad, here, take this,” wika nito at naglabas ng pera na nasa maliit na envelope at inilahad sa harapan niya. Pakiramdam niya, umakyat lahat ng dugo sa ulo niya at nakaramdam ng galit para sa binata. Agad siyang lumingon sa paligid at nang mapansin na walang tao, mabilis niyang tinabig ang kamay nito at saka ito sinampal. Sa lakas no’n, nahulog ang pera sa kalsada at tumabingi ang mukha nito. “W-wala kayong karapatan na ganyanin ako! Mayaman kayo pero hindi ibig sabihin no’n na mababayaran ninyo na lahat,” wika niya. Nanikip din ang dibdib niya dahil sa galit at sama ng loob. “No, Stella. It's not like that. Bayad ’yan sa ilang araw—” “Hindi ho ako tanga! Wala pa akong isang buwan kaya bakit ninyo ako babayaran? Hindi po lahat ng tao mukhang pera na kaya niyong bayaran. Opo, mali ako na nagpadala ako sa alak pero hindi rin naman tama na gaganituhin ninyo ako!” sigaw niya rito. Natahimik ito at hindi na nagsalita. “Kaya kong kalimutan ang nangyari dahil akala ko magkaibigan tayo, dahil sabi ninyo magkaibigan tayo pero hindi ninyo ako nagawang i-defend sa magulang ninyo, hinayaan ko na lang. Pero sa ginawa ninyong ito, pasensya na, pero sana karmahin kayo!” sigaw niya at tinalikuran ito. Naglakad siya palayo na sumisikip ang dibdib at hindi na rin niya napigilan na mapaiyak habang naglalakad. Hindi niya inakala na gaganunin siya ni Matthew. Ang lalaking itinuring na niyang kaibigan at palihim na minahal. Nasasaktan siya sa hindi malamang dahilan. Dahil kung tutuusin, pwede na lang naman niya iyon kalimutan. Pero, siguro dahil umasa siya na kahit paano ay may naramdaman din ito para sa kanya. Umiiyak lang siyang naglalakad papunta sa karinderya. Pero nang makakita siya ng puno, sumilong siya roon at pansamantalang tumigil. Dahil ayaw rin naman niyang pumasok na nasa ganung sitwasyon. Magtatanong sigurado si Perla sa kanya at ayaw niyang mangyari ’yon dahil hindi niya rin alam kung ano ang isasagot. Nagpahinga siya roon hanggang sa humupa ang luha at paninikip ng dibdib niya. Nang maramdaman na magaan na ang paghinga niya, huminga siya ng malalim at pinunasan ang mukha. Ngumiti siya sa kawalan bago muling nagpatuloy sa paglalakad para magtrabaho. Hindi siya dapat magpaapekto sa nangyari dahil hindi naman worth it. ** Napabuntonghininga si Matthew ng umalis si Stella. Dinampot niya ang pera saka bumalik sa kanyang sasakyan. Akala niya ay matutuwa ito sa gagawin niya pero kabaliktaran pala. Wala naman siyang ibang intensyon kundi pagtulong lang pero mali pala ang ginawa niya. Hindi iyon alam ng kanyang ina dahil alam niyang magagalit ito kung malalaman. Ngunit, naisip niyang hayaan na lang ito. Hindi rin naman niya masisisi si Stella kung ganito ang naging reaksyon nito. Nalulungkot lang siya dahil kung kailan may kaibigan na siyang pwedeng maging sandalan, nawala din naman agad. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan habang tumatakbo sa isip na hahayaan na lang niya si Stella kung galit man ito sa kanya. Hihintayin na lang niya ang araw na mapapatawad siya nito. Dahil kahit magsisi siya, hindi na niya maibabalik ang mga bagay na nangyari na. Itanggi man niya ang nangyari ay wala rin mangyayari o magbabago. Dumiretso siya sa kompanya niya upang magtrabaho. Magbababad na naman siya sa trabaho ngayong maghapon dahil mamaya ay pupunta siya ng club. Gusto niya lang magliwaliw at mag-alis ng lungkot. — Mabilis na lumipas ang oras. Hindi niya namalayan dahil siguro sa pagtatrabaho niya. Pero nang matapos siya ay napangiti siya. “I’m exhausted but I want to go to the club,” bulong niya bago tumayo. Pasado alasais na rin kaya pupunta na siya sa club. Kinuha na niya ang kanyang cellphone para sana mag-text kay Kael ng biglang mag-text ang kanyang ina. Napakunot ang noo niya bago ito binasa. From: Mommy Go home early after work. We have something to talk about. I’ll wait for you. Napakamot siya sa kanyang ulo sa nabasa. Hindi pa nga siya nagsisimulang magsaya ay natutulan agad ng kanyang ina. No choice siya kundi ang umuwi muna. Pwede naman siyang mag-club pagkatapos ng pag-uusap nila. Lumabas siya ng kanyang office at naglakad. Nakita pa niya si Rina na nag-aasikaso na rin sa pag-uwi. May iilang empleyado rin na naiwan pa at may mga balak mag-overtime. Napailing siyang pumasok sa loob ng elevator. Sa paglabas niya sa parking, dumiretso agad siya sa kanyang sasakyan at pinaandar na iyon pauwi sa kanila. Pagdating niya roon, nasa sala ang kanyang ina, nang makita siya nito ay tumayo ito at umakyat sa taas. Bagsak ang balikat niyang sumunod dito. Pumasok sila sa office nito at umupo ito. Sumunod lang siya at umupo sa isang upuan. “Mom, ano ang pag-uusapan natin? Ito ba ’yung kagabi?” tanong niya. “Yes. This is important,” sagot nito. "Important? Bakit tayo lang dalawa ang mag-uusap?” tanong ulit niya. "Hindi pa final kaya ikaw muna ang kakausapin ko, although alam na ni Myra at Elvin ang plano kong ito. Meaning, daddy mo na lang ang hindi pa nakakaalam. But, soon, ipapaalam ko rin,” wika nito. Napabuntonghininga siya. “Then, what is it?” “I have a plan for our company. I want you and the daughter of Nieves to collide,” pahayag nito. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. “What do you mean, mom?” “Fix marriage with Sofia Nieves,” sagot nito. Napatayo siya sa gulat. “What? No, mom. Ayoko. I don't want to end my single life, I’m enjoying my life.” “Sit down and lower down your voice, Matthew. Hindi ikaw ang magdidikta sa akin, I am your mother.” “But, mom? This is too much. Kaligayahan ko na ang dinidiktahan ninyo.” “No. Future mo ang iniisip ko, anak. Kaysa makadisgrasya ka ng kung sinong babae, doon ka na lang sa sopistikada at may pinag-aralan. Isa pa, kilala mo siya since you were a child so it's easy for you to accept it. Alam kong matutu—” “Mom, naririnig ninyo ba ang sarili ninyo? Ayoko po. May sarili akong desisyon—” Napatigil siya ng hampasin nito ang mesa at galit siyang tiningnan. “Bakit? Nakinig ka ba? Kung hindi ka sana pumatol sa katulong na ’yon hindi sana tayo aabot sa ganito! Now, you're questioning my decision?” “It was an accident, mom. Nakainom kami parehas. Hindi namin alam ang ginagawa namin,” depensa niya. “Pero ginawa mo pa rin. If you just follow my order, hindi ka mapupunta sa sitwasyon na ito. Hihintayin ko lang silang makauwi para mapag-usapan namin ang plano,” wika nito. Tumayo siya at tiningnan ang ina. “No, mommy. I have my own decisions. I can make—” “I can control the company. Hindi pa totally nakapangalan sa ’yo ang kompanyang hawak mo, pwede ko pang ibigay iyon kay Myra o Elvin. Your choice,” wika nito ng putulin ang pagsasalita niya. Napatigil siya at naipit sa sitwasyon. He can't agree with that marriage pero hindi rin niya kayang sa iba mapupunta ang kompanya na pinaghihirapan niya. Pero paano naman ang kaligayahan niya kung pati ito ina niya ang magdidikta. “End of conversation. Pwede ka ng umalis. I’ll update you again once we talk about it,” wika nito. Hindi na siya umimik at bagsak ang balikat na lumabas na office nito. Sa sobrang sama ng loob niya, lumabas siya at sumakay ng sasakyan. Mabilis niya iyong pinaandar papuntang club. Hindi pa man tapos ang isang problema niya, may kasunod na agad. How can he disagree with her mother's decision? Gusto niya pang mag-enjoy sa buhay niya kaya gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang balak ng ina. Walang pwedeng magdikta sa kanya kundi siya lang. Dumiretso siya sa club at bago siya pumasok sa loob, tinawagan muna niya ang kaibigan niyang si Kael. Dahil hindi lang kainuman ang kailangan niya, kundi taong mapaglalabasan ng sama ng loob. Dahil wala na si Stella para pakinggan ang mga rants niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD