Dumating siya sa bahay nila na umiiyak pa rin siya. Nadtan niyang bukas at makalat ang bahay, may mga bote ng alak na nagkalat. Napaupo siya sa upuan at inilapag ang bag. Tila sumakit ang ulo niya sa kanyang nakita. Iba ito sa inaasahan niyang kuwento ni Sky sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumayo, pinunasan niya ang kanyang mata at pisngi na basa ng luha saka siya nagsimulang maglinis. Niligpit niya ang mga bote ng alak at saka niya winalisan ang sala. Pagkatapos, pumasok siya sa kwarto nila para ilagay ang bag at magpalit ng damit. Hindi na niya nagawang magpalit at suot pa rin niya ang uniform na para sa mga katulong.
Nang matapos siya, nagluto na siya para sa tanghalian. Hindi niya alam kung may binaon ba si Sky dahil wala siyang nakitang kanin na tira. May mga groceries pa naman na natira sa pinamili niya kaya kumuha na lang siya ng itlog at de lata. Igigisa na lang niya para may pangsabaw sila. Habang nagluluto siya, naalala niya ang nangyari sa bahay ng mga Del Frado. Mali iyon at alam niyang hindi siya mananalo kahit i-defend niya ang sarili niya dahil mayama ito at maraming pera. Kaya hangga't maaari ay ililihim niya kahit kanino ang totoong nangyari sa kanya sa mga Del Frado.
**
Samantala, sa bahay ng mga Del Frado Alas onse na bumalik si Elvira galing sa flower shop, doon muna siya nagpalipas ng oras habang hinihintay na umalis Stella. Sa pagbalik niya, dumiretso agad siya sa office niya at doon naghihintay sina Myra at Matthew. Tinawagan na niya ang mga ito bago pa man siya umuwi. Pagpasok niya, nakayuko si Matthew habang nakatingin si Myra sa kanya. Dumiretso siya ng upo sa upuan na nandoon at humarap sa mga anak.
“Mabuti at umalis na siya. Tinanggap ba ang pera Myra?” tanong niya. Umiling ito at ipinatong sa mesa ang sobre na may lamang pera.
“She refused, mom,” sagot nito. Napangis siya.
“Sana dinagdagan mo, baka naliliitan sa fifty thousand. Make it—”
“Mom, please, she doesn't need it. Huwag naman sana natin husgahan ang isang tao dahil lang sa mahirap ito,” singit ni Myra.
“Stop that, Myra. Isa lang naman ang dahilan kaya siya pumatol kay Matt, it is because of money. They need money, our money!” sambit niya. Natahimik ito at hindi na umimik kaya bumaling siya kay Matthew.
“And you, Matthew,” tawag niya. Nagtaas ito ng tingin.
"How could you kiss and be with her in bed? It's ridiculous! Ano na lang sasabihin ng mga tao o kaibigan namin of they found out? Nakakahiya! I told you, if you want to settle down, just tell me!” sigaw niya.
“Mom, sinagot ko na ’yan. Ayoko pa. Isa pa, I don't remember what happened last night. Basta nagulat na lang ako dahil sa gising ninyo,” sagot nito. Napahawak siya sa kanyang sentido.
“Pero alam mong nasa kwarto mo siya, right?” tanong ni Myra. Tumingin dito si Matt. “What?”
“Don’t deny it, Matthew. Kasambahay natin siya, hindi siya papasok doon ng gabi kung walang permiso mula sa ’yo,” sambit nito.
“That's enough, Myra. She's gone so tapos na ’yan. Huwag lang natin hayaan na lumabas ito sa public dahil nakakahiya. Lalo na sa daddy ninyo,” singit niya. Ayaw niyang sisihin pa ni Myra si Matthew sa nangyari dahil may naisip na siyang gawin.
“Kakausapin ko ang ibang katulong na naiwan dito. And you,” wika niya at tinuro si Matthew. “From now on, you will follow what I want and what I ordered. Sa ayaw at sa gusto mo, ia-arrange marriage kita. And that's final!”
“What? No, mom! That's too much!” reklamo nito at napatayo pa.
“Then, what? Gusto mo tanggalan kita ng mana at alisin sa pangangalaga mo ang kompanya? I can do that easily, Matthew. I am still your mother! Sinabihan na kita, kung nakinig ka sana, hindi tayo aabot dito,” wika niya at sumandal sa upuan. “End of conversation. You can both leave now,” dagdag niya.
Walang nagawa si Matthew sa desisyon niya, dahil kung umaayaw naman ito. Talagang aalisan niya ito ng karapatan sa lahat. That's how she disciplined her children and it's worked.
Paglabas ng dalawa. Huminga lang siya ng malalim at inayos ang sarili bago tumayo. Aayusin niya na ang problema ngayon pa lang para hindi na malaman ni Marvin. Lumabas siya ng kanyang office at bumaba para puntahan sina Divina at ang ibang katulong. Nakita niya ang mga ito sa dining area na naghahain na.
“Everyone, stop what you're doing and give your eyes and ears to me. I have something to announce to all of you, especially to the maids.” Simula niya. Napatingin si Divina sa kanya na may pagtataka habang mataam naman na nakiniga ang mga maids.
“Alam kong hindi lihim sa inyo ang nangyari kaninang umaga, pero gusto kong hindi na lalabas ang nangyari na ’yon. Hindi ninyo alam ang kaya kong gawin. Naiintindihan ninyo ba?” tanong niya. Tumango ang mga ito.
“Manang, ikaw na ang bahala sa kanila. Ayoko nang mauulit ang nangyari. Last na sana si Stella na lalandi sa anak ko, dahil sa susunod na isa pa ulit ang lumandi sa anak ko, kayong tatlo na naiiwan, idadamay ko. I will fire you all! Kaya ayusin ninyo ang trabaho ninyo. Maliwanag?” tanong niya.
“Opo, ma'am,” sabay-sabay na sagot ng mga ito. Maging si Divina ay napatango na lang din.
Tinalikuran na niya ang mga ito at umupo sa upuan para sa pagkain. Bumalik na rin sa trabaho ang mga ito habang tinawag na ni Divina ang mga anak niya. Hinihintay na lang niya sina Myra at Matthew para makakain na sila.
*
Nakatulog naman si Stella pagkatapos niya kumain ng tanghalian. Nagising lang siya dahil sa pagyugyug ni Sky.
“Ate…gising na,” wika nito. Naalimpungatan siya at napatingin kay Sky. Bumangon siya at umupo. Kinusot din niya ang kanyang mga mata saka tumingin sa kapatid.
“Nandito ka na pala, kumain ka ba?” tanong niya. Umupo ito sa tabi niya. “Opo, sa school na po ako kumain. Ikaw po, bakit ka nandito? Wala po kayong trabaho?” tanong nito.
“Ah…ano…nagbawas muna si Ma'am Elvira ng katulong at ako ang natanggal,” sagot niya.
“Huh? Bakit naman po? Wala ka pa isang buwan doon tapos nagbawas agad?” tanong nito. Ngumiti siya at hinaplos ito sa buhok. “Pansamantala lang naman. Teka, hapon na pala, titimpla kita ng kape. Magbihis ka na at sumunod ka na lang doon,” sambit niya at lumabas. Napatingin na lang si Sky sa kanya at hindi na nagtanong. Nagsinungaling na siya dahil ayaw niyang mag-alala ito.
Dumiretso siya sa kusina upang magtimpla ng kape. Hindi na sila magluluto dahil marami naman siyang sinaing kanina. Sapat na iyon para sa kanila pati ang kanilang ama ay makakakain din. Nilapag niya sa mesa ang kape at umupo siya para hintayin si Sky. Hindi nagtagal ay lumabas ito.
“Magkape ka na,” wika niya nang umupo ito.
“Salamat po, ate,” sabi nito. Napansin niya ang lungkot sa boses nito kaya napakunot ang kanyang noo.
“Bakit ka ganyan? May problema ba?” tanong niya. Tumingin ito sa kanya.
“Ate, sorry po, nagsinungaling ako sa inyo,” wika nito. Lalo siyang nagtaka sa sinabi nito.
“Tungkol saan?”
“Kay papa po. Ate, hindi totoong nagbago si papa habang wala ka. Sinabi ko lang po ’yon dahil ayokong mag-alala ka. Ang totoo niyan, mas lumala si papa, ate, dahil wala ka,” sagot nito at napayuko.
Nahulaan na niya iyon ng dumating siya kanina. Pero hindi niya alam na ganun ang dahilan ni Sky kaya hindi ito nagsabi ng totoo.
“Naisip ko na ’yan dahil nakita kong makalat dito kanina pagdating ko. Pero sana sinabi mo na lang ang totoo, paano kung nasaktan ka niya?” tanong niya.
“Hindi naman niya ako masasaktan, ate, dahil hindi po ako nalabas ng kwarto. Hindi ko na po nagawang magbaon kanin at maglinis dahil maaga po akong umalis,” sagot nito.
“Mabuti kung ganun. Huwag mo na isipin ’yan, masasamahan na ulit kita,” wika niya. Pero hindi nawala ang lungkot nito. “Ate, may isa pa po akong hindi nasasabi,” saad nito.
"Ha? Ano naman ’yon?”
“Wala na po ang perang iniwan mo sa akin. Kinuha po lahat ni papa ng malaman niyang may iniwan ka sa akin. Hindi ko na siya nagawang pigilan, ate,” sabi nito. Napabuntonghininga siya pero ano pa ba ang magagawa niya?
“Hayaan mo na, pwede pa naman ’yon mabawi. Huwag ka na malungkot dahil hindi naman ako galit kaya huwag ka na magpaka-stress diyan,” wika niya at ngumiti. Tila gumaan ang pakiramdam ng kapatid niya dahil napangiti rin ito. Hindi niya pinagalitan ito dahil wala naman itong kasalanan. Isa pa, alam niyang ganun ang ama kaya hindi na siya nagugulat.
“Sige na, magkape—”
“Oh, may nagbabalik? May sahod ka ba kaya ka umuwi? Pahingi naman para makabawi ako, talo ako sa sugal.” Natigilan siya at napatingin sa nagsalita. Ang kanilang ama. Hindi ito mukhang lasing dahil sa sugalan galing.
“W-wala na po ako trabaho. Pansamantala po muna akong mapapatigil sa trabaho dahil nagbawas si Ma'am Elvira ng kasambahay,” sagot niya. Nakita niya ang pagbabago ng mood nito.
“Ano? Baka kasi tamad ka kaya natanggal ka! Bwisit talaga! Malas! Uutang ako sa tindahan ikaw magbayad do’n!” sigaw nito at tinalikuran sila. Hindi na siya umimik at hinayaan na lang ang ama na muling lumabas ng bahay. Tumingin siya kay Sky at ngumiti. “Hayaan mo, babalik ako sa karinderya para may panggastos ulit tayo. Basta, mag-aral ka lang ng mabuti,” wika niya. Napatango na lang ito at ngumiti.
“Kumain na rin pala tayo para maaga tayo makapahinga,” wika niya at tumayo para maghain. Napabuntonghininga siya.
Wala siyang ibang pupuntahan kundi kina Perla. Babalik na lang ulit siya roon dahil kung hindi niya gagawin ’yon ay wala silang panggastos sa araw-araw at kay Sky. Nanghinayang siya sa trabaho sa mga Del Frado pero kailangan niyang mag-move on dahil hindi naman hawak ng mga ito ang buhay at kapalaran niya. Basta, ibabaon na lang niya sa limot ang nangyari at kakalimutan ang kung ano man ang naging ugnayan nila ni Matthew.