Chapter 13

2185 Words
** Buong lakas niyang itinulak si Matthew at saka kumaripas ng takbo palabas ng silid nito. Bumalik siya sa kwarto nila na habol ang hininga. Napahawak siya sa kanyang dibdib habang nakasandal sa pintong sarado. Pinawi niya ang kaba niya bago naglakad sa kanyang higaan. Umupo siya roon at napahawak siya sa kanyang labi. Ramdam na ramdam niya ang malambot na labi ni Matthew roon. Kinapa niya ulit ang dibdib niya at talagang may nararamdaman na siya sa binata pero alam niyang mali iyon. Bawal at mali dahil hindi katanggap-tanggap. Kaya iiwas na lang siya rito upang hindi na lalong lumalim ang kanyang nararamdaman. Umiling siya at bumuntonghininga saka humiga. Simula bukas, iiwasan niya si Matthew at maglalagay siya ng pader sa pagitan nila kung iyon lang ang kailangan. Pumikit siya at pinilit makatulog kahit ramdam pa rin niya ang kalabog ng dibdib niya. – Kinaumagahan, nagpasya siyang kausapin si Mira na ito muna ang maglinis sa silid ni Matthew dahil nga sa ayaw niyang mas maging malapit sila. Sinabi na lang niyang mamamalengke siya which is totoo naman dahil talagang pupunta siya ng palengke. Hindi pa nakakabalik ang driver nina Elvira kaya commute ulit siya papuntang palengke, mamimili rin siya ng groceries. Pero nang paalis na siya, bigla siyang tinawag ni Elvira. Lumapit siya rito na nakaupo sa sala. “Ma’am, bakit po?” tanong niya. “Isasabay ka na ni Elvin papuntang palengke dahil dadaan naman siya roon at dadaanan ka rin pauwi dahil sasaglit lang siya sa site. Hintayin mo na lang siya kapag tapos ka na mamili,” wika nito. Napatingin siya kay Elvin na bumaba ng hagdan bago ibalik ang tingin kay Elvira. "Sige po, ma'am,” sagot niya. Hindi na ito umimik kaya lumabas na siya at hinintay na si Elvin. Nang lumabas ito ng bahay at nagpunta sa garahe, sumunod lang siya rito at sumakay sa sasakyan nito. Hindi na siya naghintay na pagbuksan siya dahil katulong siya nito at hindi malapit na kaibigan. Sa backseat siya umupo. Nang sumakay ito ng sasakyan ay nilingon siya nito. “Lumipat ka rito sa unahan, hindi mo ako driver,” seryosong sambit nito. Kinabahan siya sa boses nito kaya agad siyang bumaba ng sasakyan at lumipat sa passenger seat. Nahirapan pa nga siya dahil sa bigat ng katawan niya kaya hinihingal siyang umupo roon. "Tss.” Reaksyon nito ng lumipat siya. Hindi na lang siya nagsalita dahil sa hiya. Pinaandar na rin nito ang sasakyan ng hindi siya nagsasalita. Natatakot siya rito dahil nakaka-intimidate itong tingnan lalo na kapag nagsasalita. Halos hindi siya huminga dahil pakiramdam niya ang sikip ng pwesto niya. First time niya kasi itong nakasama ng silang dalawa lang at iba ito kumpara kay Matthew na palaging nakangiti. “Relax, Stella. I am not mad,” wika nito. Naramdaman yata nito na kinakabahan siya. Hindi siya nagsalita pero sinunod niya ang sinabi nito. Sa buong byahe ay tahimik lang sila. Hanggang sa makarating siya sa palengke. Bumaba agad siya at isinarado ang pinto pero tinawag siya nito. “Dito rin kita susunduin mamaya kaya hintayin mo ako. Marami kang pamimilihin kaya nakiusap sa akin si Manang Divina na isabay ka,” wika nito. Tumango lang siya bilang tugon at tinalikuran na ito. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng makalayo siya rito. Napabuntonghininga siya bago nagpatuloy sa paglalakad upang makapag-grocery na siya. ** Samantala hindi pupunta ng office si Matthew ngayon at sa bahay lang siya magtatrabaho dahil may hang-over siya. Ipina-email na lang niya kay Rina ang mga kailangan niyang gawin sa laptop niya. Pero bago siya magtrabaho, bumaba muna siya para magkape habang iniisip ang nangyari kagabi. Tanda niya kung paano siya nakauwi pero hindi na niya maalala kung paano siya napunta sa kwarto niya. Hindi na nga siya nakapagpalit kagabi dahil nakatulog na siya. Napailing siya dahil hindi talaga niya maalala. Dumiretso siya sa kusina at hinanap agad ng mata niya si Stella para magpatimpla ng kape pero hindi niya makita. Lumabas siya ng kusina at nagpunta sa likod bahay pero wala rin doon. Umikot siya sa labas at nagpunta sa harapan pero wala rin doon. Nagpasya siyang bumalik sa kusina kung saan naroon si Manang Divina na nagbubuklat sa ref ng maaaring lutuin para sa almusal. “Manang, where's Stella?” tanong niya. Tiningnan siya nito. “Nasa palengke,” sagot nito at ibinalik ang tingin sa ref. Kumuha ito ng ham at itlog. “Sino pong kasama? Wala pa si Mang Jerry para maghatid sa kanya. Nag-commute siya?” tanong nito. "Ah, pinasabay siya ni Elvira kay Elvin dahil dadaan naman ito ng palengke. Isasabay na rin ito pauwi kaya hindi siya mahihirapan,” sagot nito. “Bakit hindi po ako ginising para nasamahan ko siya? Hindi naman ako busy,” sambit niya. “Si Elvin kasi nakita ko kaya nakiusap ako sa kanya na isabay na si Stella. Alam ko kasing mahihirapan siya dahil marami siyang bibilihin,” sagot nito ng hindi siya tinitingnan. “Ganoon ba po? Sa susunod po ako na lang po sabihan ninyo kapag ganito,” saad niya. Dahil hindi man niya masabi sa lahat pero Stella is not only a maid, she's also her close friend kaya ganun na lang siya ka-concerned dito. “Ano ba kailangan mo sa kanya at hinahanap mo siya? May iuutos ka ba?” tanong nito sa kanya. “Opo, magpapatimpla sana ako ng kape sa kanya. Pwede po bang sa inyo na lang ako magpatimpla?” tanong nito. “Oh, sige, maupo ka muna diyan at ititimpla kita. Masarap kasi si Stella magtimpla ng kape, ’no?” wika nito at kumuha ng tasa. “Hindi na ako magtataka kung bakit siya gusto mong magtimpla ng kape,” dagdag nito. Napangiti siya dahil hindi lang pala siya ang nasasarapan sa timpla nito. “Hindi ’to kasing sarap ng kay Stella, ah,” sabi nito at ngumiti lang siya maging ito ay napangiti rin sa sinabi. – Pagkatapos niyang magkape, umakyat na siya taas, saktong lumabas si Mira sa kwarto niya. Yumuko ito bago umalis. Ipinagtaka niya kung bakit iba ang naglinis ng kwarto niya kahit sinabi na niyang si Stella lang ang dapat maglilinis doon. Hinayaan na lang muna niya dahil may iba namang ginagawa si Stella. Pumasok siya sa loob at umupo sa upuan saka binuksan ang laptop upang simulan na ang kanyang trabaho. ** Alas nuebe na ng makabalik si Stella galing palengke kasama ni Elvin. Natagalan siya dahil sa paghihintay kay Elvin, natagalan kasi ito sa pagbalik. Tinulungan na siya nito at ni Mira habang bakas kay Clara na napipilitan lang ito. At habang nagpapasok sila sa kusina ng mga pinamili niya, napansin niya ang pagbaba ni Matthew mula sa second floor. Bagong ligo ito pero agad din siyang umiwas ng tingin nang tumingin ito sa kanya. “Manang, ito po ang sukli at total ng lahat nang nabili ko,” sambit niya at inilapag sa mesa ang pera at resibo. “Sige, mag-almusal ka na muna at ako na bahala mag-asikaso ng mga ’yan,” sambit nito. Tumango siya at nagtimpla na lang kape saka kumuha ng biscuits. Hindi naman siya gutom at gusto rin niyang magbawas sa pagkain dahil napapagod na siya kapag naglalakad siya ng malayo. Nahihirapan na siya dahil ang laki na talaga ng katawan niya. Nagpasya rin siyang sa labas na humigop ng kape, sa tabi ng halamanan para madiligan na rin iyon. Habang nagkakape siya sa labas napapangiti siyang pinagmamasdan ang mga tanim na halaman at bulaklak. Sumisibol na kasi ang mga ito kaya natutuwa siya. Pero nagulat siya nang makakita siya ng pares ng paa sa gilid niya. Nang mag-angat siya ng tingin nakita niya si Matthew. Ngumiti ito sa kanya na tila walang naaalala sa nangyari kagabi. “Bakit hindi ka nagpasama sa akin kanina?” tanong nito. Pasimple niyang sinilip ang kape niya at konti pa lang ang bawas kaya kinuha niya iyon at humigop. “Ah, t-tulog ka pa kasi at si Manang Divina naman ang nakiusap habang inutos naman ni Ma’am Elvira,” sagot niya ng hindi ito tinitingnan. Muli siyanh humigop ng kape hanggang sa maubos ito. Agad siyang tumayo ng maubos iyon. “Maiwan ko po muna kayo, sir. May trabaho pa po ako,” saad niya at umalis. Hindi na niya hinintay na magsalita ito at nilampasan na ito. Nagpasalamat siya ng hindi na ito nagtanong pa dahil iyon naman ang gusto niya. Mas mabuti na rin na mag-iwasan sila kaysa masisante siya. Pagpasok niya sa loob, hinugasan lang niya ang pinagkapehan niya bago muling lumabas. Kinuha niya ang walis tingting at basurahan saka nagpunta sa unahan ng bahay para magwalis. Napansin din niya na wala na roon si Matthew. “Sana doon na lang siya sa dati niyang hobbies para hindi na kami magkita. Ayokong mawalan ng trabaho,” bulong niya habang nagwawalis. Importante sa kanya ang trabaho dahil gusto niyang mapagtapos ng pag-aaral si Sky. Lalo na ngayon at bumabalik na sa dati ang papa niya, kaya mas lalo siyang sisipagin na magtrabaho dahil alam niyang mas worth it na ito ngayon. Hanggang sa magdilim ay hindi na siya lumapit kay Matthew. Kahit tinatawag siya nito sa tuwing may iuutos, gagawa siya ng ibang trabaho para iba ang utusan nito. Todo presinta naman si Clara at bakas kay Matthew na ayaw nito pero wala itong magawa. Nabalitaan na lang niya kay Mira na umalis ito ng bahay pagkatapos kumain. Inisip agad niyang pupunta ito sa kaibigan o bar katulad ng naikukuwento nito. Habang siya naman ay maagang magpapahinga dahil napuyat siya kagabi. ** Samantala, okupado ang isip ni Matthew habang nasa diamond club. Ilang babae na ang lumapit sa kanya pero paulit-ulit niyang tinatanggihan. “Bro, may problema ka ba? Kanina ka pa tulala. Nakasimangot na si Shiela dahil hindi mo pinapansin kaya ayun, umuwi na,” wika ni Kael. Lumagok siya ng alak at bago ito nilingon. “Wala. Iniisip ko lang kung bakit parang umiiwas sa akin si Stella?” sagot niya. “Stella? ’Yung maid ninyo? Ano ang meron sa kanya?” usisa nito. “We’re friends kaya nagtataka ako kung bakit siya umiiwas sa akin,” wika niya. Ngumisi ito at inakbayan siya. “Alam ko na kung bakit? Type ka niyan. Umiiwas ’yan kasi ayaw niyang lumalim nararamdaman niya dahil hindi kayo pwede,” sagot nito. “Tss. She's not like those girls who have been over heels with me, Kael. Mabait si Stella at mabuting tao kaya hanggang magkaibigan lang kami. Isa pa, she's not my type. Masaya lang ako na may kaibigan ako na hindi ako inaakit,” sagot niya. “Hmm. Bago ’yan para sa maid ninyo. Halos lahat ng naging kasamabahay ninyo naaakit sa ’yo. Maybe, she's really need a money,” sambit ni Kael at lumagok ng alak. Hindi siya sumagot at muling nagsalin ng alak. Nilagok niya iyon at napatingin siya sa kanyang relo. It's already 10:00 o’clock in the evening kaya tumayo na siya. Napatingin sa kanya si Kael. “Uuwi na ako, bro. Next time na lang ulit. Gusto ko na magpahinga,” sambit niya. “Galingan mo sa pangchi-chicks,” dagdag niya saka ito tinapik sa braso. Napatango na lang ito habang seryosong nakatingin sa kanya. * Naalimpungatan naman si Stella dahil nakaramdam siya na naiihi siya kaya bumangon siya. Paglabas niya, madilim sa sala pero dumiretso siya sa banyo na nasa kusina. Ngunit pagdating niya roon, nakita niya si Matthew na nakaupo. Hindi niya ito pinansin at pumasok siya sa banyo. Binilisan niya ang pag-ihi at lumabas agad. Aalis na sana ulit siya nang tawagin siya ni Matthew. “Stella.” “Po?” sagot niya ng hindi ito tinitingnan. Naramdaman niyang tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. “Are you mad at me?” tanong nito. “Hindi po,” sagot niya. Umismid ito at naglakad papunta sa harapan niya. “Really? Then why are you avoiding me?” matigas nitong tanong. “Opo,” matapang niyang sagot at tiningnan ito ng diretso sa mata. Ngumiti ito sa ginawa niya at namulsa. “Then, kung hindi ka umiiwas, samahan mo akong uminom,” hamon nito. Nahirapan siyang sumagot dahil nakorner siya nito. Pero dahil ayaw niyang isipin nito na talagang umiiwas siya at mukha namang hindi talaga nito naaalala ang nangyari kagabi kaya dahan-dahan siyang tumango. “Good. Let's go to my room. Doon tayo para tahimik. And let's have a deal,” wika nito. “Ano’ng deal?” tanong niya. “Kung malalasing mo ako, I will treat you in any restaurant you want and I'll buy the food everything you like. At kung ikaw ang malalasing ko, then you’ll treat me. Deal?” tanong nito. Naisip niyang medyo interesting iyon dahil hindi pa niya na-try kumain sa labas. Ngumiti siya at dahan-dahang tumango. “Deal.” “Great. Let's go. Kanina pa nakaparada ang alak, ikaw na lang ang hinihintay,” wika nito habang nakangiti. Napailing na lang siya dahil planado na talaga nito na ikorner siya pero hindi na siya nagreklamo at sumunod na lang kay Matthew patungo sa kwarto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD