PAGPASOK ni Stella sa loob nang bahay ng mga Del Frado ay nadatnan niya sa sala ang mga kasama niya kahapon at lahat sila ay tanggap din sa trabaho. Ngumiti siya sa kanila bago naglakad palapit sa isang sofa. Napansin niyang malinis at malambot iyon kaya tila nahihiya siyang umupo roon.
“Hello sa inyo,” bati niya sa mga kasama niya. Tumingin ang mga ito sa kanya at maikli siyang sinuklian ng ngiti at kumaway hahang ang isang babaeng maganda at mukhang teenager pa ay inirapan siya. Maganda ito at mukhang bata pa kaya nagtataka siya kung bakit ito namasukan bilang katulong. Ngunit hindi siya nagtanong at hindi na lang din pinansin ang pag-irap nito. Tumabi naman sa kanya si Mira, ang unang natanggap sa kanila kahapon.
“Hi, ako si Mira!” sambit nito at inilahad ang kamay sa harapan niya. Masaya naman niyang tinanggap iyon.
“Stella,” maikling sagot niya. Nakipagkamay siya pagkatapos ay bumitaw rin siya.
“Naku, mabuti mabait ka. Iyong iba nating kasama parang masungit kaya sa ’yo ako lumapit. Kanina pa nga kita hinihintay kasi sabi ni Manang Divina ay natanggap ka rin daw,” kuwento nito sa kanya. Napangiti siya dahil sa kadaldalan nito, mukhang hindi na siya malulungkot dito at kahit paano ay maiibsan ang pagkamiss sa kanyang kapatid.
"Ramdam kita, pero iyong isang babae lang naman ang mukhang masungit. Siguro, kasi bata pa siya. Parang teenager pa lang. Masaya ako na nandito ka kasi may makakasundo pala ako,” sambit niya.
Hindi na nagawang sumagot nito dahil bumaba na mula sa second floor si Elvira, ang may-ari ng bahay na iyon. Nakasuot ito ng blue fitted dress habang nakapusod ang buhok. Maganda ito at maaliwalas tingnan ngunit tila masungit ang aura dahil sa hindi ito ngumingiti. Umayos sila ng upo nang maupo ito sa isang single sofa na kulay pula at tiningnan sila isa-isa.
“Good morning, ladies. Mabuti at maaga kayong lahat, meaning you really want this job. Okay, hndi na ako magpapaligoy-ligoy pa, didiretsohin ko na kayo. I’m always out of the country for business, usually si Matthew lang ang nandito kasama ni Manang Divi kaya ang gusto ko magtrabaho kayo ng maayos. Ayokong malalaman na pati si Matthew ay tinatrabaho ninyo dahil hindi ako magdadalawang-isip na sisantihin kayo. Marami pang iba sa labas na mas nangangailangan ng trabahong ito. Naiintindihan ninyo?” tanong nito sa kanilang lahat at tumango naman sila.
“Good. Sa sahod, hindi naman kami kuripot o madamot pagdating sa pera so I will give you thirty thousand pesos monthly. Starting pa lang ’yan. Kung magtagal kayo at hindi ninyo sinuway ang kaisa-isang utos ko tungkol sa anak ko, madadagdagan pa ’yan. May two days day off kayo sa loob ng isang buwan pero hindi kayo pwedeng magsabay-sabay, naintindihan?” tanong ulit nito Tumango siya at napangiti dahil hindi naman pala sila lugi rito dahil maluwag naman pala sa pera. Mabait din pala ang pamilyang ito sa katulong, siguro kailangan lang talagang iwasan si Matthew. Ang nasa isip ni Stella.
“Sa trabaho naman, si Vicky ang nagpresinta sa paglalaba, right?” tanong nito at tumingin sa isang kasama nila na nasa gitna. Mukhang mas may edad ito kumpara sa kanilang lahat. Tumango naman ito. “Hindi naman siya araw-araw maglalaba kaya inilagay ko rin siya sa kusina para tulungan si Manang Divi kapag wala siyang laba. The rest, kayong apat ang kikilos sa ibang gawain at trabaho rito. Alam ninyo naman siguro ang mga trabahong dapat gawin, hindi ko na—o ni Manang Divi pa dapat ituro sa inyo isa-isa,” paliwanag nito at nagsitanguan naman sila. Marunong naman siya sa gawaing bahay kaya hindi siya mahihirapan mag-adjust sa trabaho.
“Opo, ma'am. Pagbubutihan po namin,” sagot ni Mira habang nakangiti.
“Mabuti kung ganoon. Any questions?” tanong niya pero walang sumagot sa kanila. “Okay, I think wala na kayong tanong. I have to go. Manang Divi will guide you in your room. Siya na rin bahala magpaliwanag ng ibang mga bawal at dapat tandaan dito,” saad nito at tumayo na mula sa pagkakaupo. Tumayo rin sila at yumuko ng konti para magpaalam kay Elvira. Hindi na sila nito nilingon pa at saktong lumabas din si Manang Divi galing sa kusina.
“Halika kayo, dalhin ninyo muna ang mga gamit ninyo sa kwarto at nang makapag-almusal muna kayo,” wika nito sa kanila at dinala sila sa kwartong nasa ilalim ng hagdanan na nakita niya sa unang pasok niya sa loob ng bahay na ’yon.
“Stella, tama?” tanong ni Divina sa kanya kaya tumango siya. “Kayong tatlo sa kaliwa at dito na si Vicky at Aiza kasama ko,” sambit nito sa kanila at itinuro nito si Mira saka iyong babaeng masungit. Tumango na lang siya. Tuwang-tuwa naman si Mira habang iyong isa nilang kasama ay nakasimangot. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ito umasta gayong pumasok naman ito para maging katulong. Hinayaan na lang niya ito at hindi na pinansin pa. Basta masaya rin siya na magkasama sila ni Mira.
Pagpasok nila sa loob ng kwarto, may dalawang double deck na parehong nakadikit sa magkabilang pader at may maliit na dalawang cabinet sa bandang gitna. May nakapatong doon na alarm clock at sakto lang ang space sa kanila para makakilos. Sa bandang kaliwa naman pagpasok ng pinto ay doon nakalagay ang dalawang durabox, isang blue at green. Sa bandang kaliwa rin sila pumwesto ni Mira. Siya sa sa ibaba at si Mira sa itaas. Inilapag lang nila ang kanilang gamit sa kama bago nagpasyang lumabas. Mamaya na lang sila mag-aayos kapag tapos na ang gawain. Paglabas nila, naghihintay na rin sa kanila si Manang Divina at nang lumabas ang isang kasama nila ay sabay-sabay na silang nagtungo kusina.
Sa bandang kanan ang kusina kapag nakaharap sa pinto palabas pero kapag pumasok ka ay sa kaliwa siya. Dumiretso sila sa mesa at may mga pagkain nang nakahain doon para sa kanila. Umupo na sila upang masimulan na ang pag-aalmusal.
Nang matapos sila, pinagpahinga muna sila ni Manang Divina sa kanilang kwarto at para rin makapag-ayos ng kanilang gamit. Bukas na rin daw sila mag-umpisa sa trabaho kaya nakangiti siyang bumalik sa kwarto.
“Share na lang tayo sa durabox,” sambit ni Mira sa kanya. Napatingin siya sa durabox at naglalagay na roon ang kasama nila ng mga damit nito. Hindi nila alam kung ano ang pangalan nito dahil hindi ito nagpapakilala at hindi rin naman nila natatanong dahil nga sa masungit ito.
“Sige, doon na lang tayo sa green,” sagot niya at inilabas ang mga damit sa loob ng bag. Inilabas din niya ang family picture nila noong kumpleto pa sila at ipinatong iyon sa cabinet na nakadikit sa higaan niya.
“Isa lang kapatid mo?” tanong ni Mira sa kanya. Tumango siya at ngumiti. “Yup, siya rin dahilan kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto ko siyang mapagtapos sa pag-aaral,” sagot niya.
“Parehas pala tayo pero lima naman kaming magkakapatid. Si nanay labandera, si papa sa bukid nagtatrabaho kaya nagpasya akong mamasukan para matulungan sila. Gusto ko rin kasi mapagtapos ng pag-aaral mga kapatid ko dahil iyon na lang ang maipapamana ng magulang ko sa kanila. Saka na ako mag-aaral kapag ka medyo maginhawa na kami,” sambit nito. Napatango siya at napangiti na malaki pala ang pamilya nito.
“Ilan taon ka na ba?” tanong niya.
“Twenty five at hindi pa ako naka-graduate ng highschool pero ayos lang. Naiintindihan ko naman ang hirap ng buhay namin kaya hindi ko rin sinisisi sina nanay at tatay,” wika nito. Hinawakan niya ang kamay nito.
“Okay lang ’yan. Pwede ka pa rin naman mag-aral dahil hindi naman karera ang pag-aaral. Sabi nga ng dati kong guro, habangbuhay ang pag-aaral, hindi iyon natatapos kapag naka-graduate ka na kaya ayos lang ’yan,” sabi pa niya.
“Salamat, Stella. Kapag nakabalik na ako sa pag-aaral, babalitaan kita,” wika nito. At sasagot pa sana siya nang marinig nilang may malakas na lumagabog. “Pwede, manahimik kayong dalawa? Ang drama ninyo! Nakakairita!” sambit ng kasama nila kaya pareho silang natahimik at nagkatinginan pero hindi nagsalita. Mahina silang tumawa at hindi na lang ito pinatulan.
Nagpatuloy sila sa pag-aayos ng gamit hanggang sa maisalansan niya ang mga damit niya. Animan naman ang durabox kaya tigtatlo sila ni Mira ng lagayan. Pagkatapos nila, nagpasya si Mira na matulog muna dahil malayo pa pala ang pinanggalingan nito, sa probinsya pa kaya hinayaan niya muna. Siya naman ay nag-text kay Sky saka naisipan magbasa ng libro para magpalipas ng oras.
Samantala, hinilot ni Matthew sintido nito dahil sumasakit ito sapagkat may hang-over pa siya kagabi. Naparami ang inom nila ng kaibigan niyang si Kael pero dahil may kailangan siyang i-meet na bagong investors ng kanilang company ay pumasok pa rin siya. Ang kompanyang hawak niya ay nagsu-supply ng alak sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang store sa Pilipinas. Siya pinag-manage no’n dahil sa palagi rin naman siyang nasa bar para mag-inom. Alas onse na rin naman nang oras na iyon at tapos na rin siya sa kanyang trabaho kaya nagpapahinga muna siya.
Nakasandal siya sa swivel chair niya nang may kumatok. Napaayos agad siya ng upo nang makitang pumasok ang sexy niyang secretary. Thanks to his mom, dahil hindi pa nito pinapalitan ang secretary niya katulad ng ginawa nitosa mga kasamabahay nila. Ngumisi siya at sinuklian naman iyon nito ng pagkindat.
Sh*t! Kapag ganito palagi ang nakikita ko, ginaganahan ako magtrabaho. Sa isip niya habang nakatitig sa secretary.
“Hi, sir, papirma lang nito,” wika nito. Fit na fit sa katawan nito ang suot nitong blouse at skirt na tila ba inaakit siya nito. Pero hindi siya pwedeng gumawa ng milagro doon dahil baka makarating iyon sa kanyang ina. Tanaw na tanaw kasi ang loob ng kanyang office mula sa labas kaya hindi siya makadiskarte. Isa siguro ’yon sa dahilan kung bakit hindi pa mapalitan ng kanyang ina si Rina, ang secretary niya dahil sa hindi pa siya nito nahuhuli. Although, hindi pa naman siya umaabot na naikakama si Rina at tanging make out lang ang ginagawa nila. Ngunit ngayong gabi, bibinyagan niya na ito.
Pagkatapos niyang pirmahan ang dala nito, kumuha siya ng sticky note at nagsulat doon.
’Meet me at my condo later, 8:00 pm. I’ll be wait for you.’
Sulat niya saka iniabot ang papel kay Rina, tinanggap nito ang papel at kumindat saka binasa ang labi nito. Napangiti naman ito bago iniabot ang pinapirmahan sa kanya saka naglakad palabas. Tumayo siya at kinuha ang kanyang coat na nasa swivel chair niya saka naglakad palabas ng opisina nang nakangiti. Dahil mag-e-enjoy na naman siya ngayong gabi sa kama. Ngunit, uuwi muna siya sa kanila para makaligo bago makipagkita kay Rina.
Pagbaba niya ng company building nila, sumakay agad siya sa sports car niya. Inis-start niya ang engine nito saka pinaharurot ng mabilis pauwi. Nang dumating siya sa tapat ng gate nila, pinagbuksan siya ng guwardya na nagbabantay kaya dumiretso siya at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
Pagpasok niya, nanibago siya dahil wala nang magandang katulong ang sumasalubong sa kanya. Pero napatingin siya sa kaliwang bahagi ng kwarto bago siya umakyat ng hagdan, napansin niya ang isang bagong katulong na maganda ngunit masyado itong bata para sa kanya kaya umiling siya at nagpatuloy sa pag-akyat papunta sa kanyang kwarto. Nang pumasok siya, hinubad agad niya ang damit niya at pants saka pumasok sa sariling banyo.