Noong una, naiisip ko pa kung paano na ang magiging relasyon ulit ni Vincent lalo na’t busy ako lagi at sunod sunod pa ang aking schedule araw araw. Minsan ay limang minuto lamang ang aking break, nakakapagpahinga ngunit balik ulit sa gagawin. Lalo na’t noong malaman ko na limang bansa ang nakapila na pupunta sa loob ng isang buwan ay parang ang hirap na talagang magbakante pa ng mga araw na kung saan ay mabibigyan kami ng quality time ni Vincent. Pinoproblema ko iyon sa gabi na natulog ako sa kanyang condo. Ngunit nang dumaan ang mga araw at nakikita ko kung paano ginagawan ng paraan ni Vincent ang mga ikinakabahala ko ay parang nabubura ang aking mga alalahanin. Kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming paraan. Tama talaga na pag gustong gusto mo ang isang bagay na mag-work ay tala

