Tinapos ko lamang ang photoshoot sa oras na iyon habang si Vincent ay si Mama at Dira na muli ang kausap. Napanatag ako sa aming pag-uusap. Para na akong dinuduyan sa hangin at sa tuwing nagkakabanggaan ang aming tingin ni Vincent ay para akong nakukuryente. “Is that him?” makahulugang tanong ni Ma’am Lauren sa akin nang lapitan ako. Pumaskil agad ang makahulugang ngiti sa kanyang labi at ninakawan pa ng tingin si Vincent na namulsa at tila hinihintay lamang ako na matapos lalo na’t napapalingon din siya rito. Namula agad ako noong sa akin naman itinuon ang tingin ni Ma’am Lauren. Malawak na agad ang kanyang ngiti. “He’s so inlove… His eyes scream it all…” ani Ma’am Lauren. Kinagat ko ang aking labi, hindi maka deny at wala ring masabi. Wala pa kaming napapag-usapan na kahit ano

