Ilang oras na namalagi sa aking isip ang biglaang pagkaungkat ng issue at kung paano nahila lahat ng totoong nangyari sa buhay namin ni Daniel. Everyone’s hating him for cheating. At ang dami ring galit kay Aleli para baliktarin ang sitwasyon at ako ang pagmukhaing may kasalanan sa lahat lahat. Halo halo ang aking nararamdaman. Natutuwa ako ngunit may parte rin ang nalulungkot lalo na’t sigurado akong mararanasan na nila ang pinaranas nila sa akin. Mahirap husgahan at mahirap lumabas na parang tingin sa’yo ng lahat ay may mali sa’yo, na wala kanang karapatang mabuhay pa. Araw araw mong pagtitiisan ang gumuguhit na iritasyon sa kanyang mukha at makikita mo pa ang disgusto sa kanilang mga mata. Kung hindi gano’n katibay ang iyong loob ay mas mabuti nalang talagang huwag na munang lumab

