Alam kong hindi na maibabalik ang dati naming relasyon, hindi na rin mababawi ang sakit na naibaon namin sa isat-isa. Ang tangi na lamang magagawa namin ngayon ay magpakatatag at hayaang maghilom ang sugat ng kahapon. Na patawarin ang mga nagkamali at itama ang mga maling nagawa. Hindi lang naman ako ang mag-isang nadudurog lalo na't kaming tatlo ay kapwa may sariling pinagdadaanan. Ayoko rin namang isipin na ako lamang ang nasasaktan dito, lalo na't alam kong mahirap din sa kanilang sitwasyon dahil namatayan sila ng anak. Tumunog ang aking cellphone at nakita ang tawag ni Vincent. Napatingin doon si Daniel. Iniwas ko ang tingin at tumayo para lumayo ng kaonti at sagutin 'yon. "Vincent..." halos buntonghininga ang pagkakabanggit ko sa kanyang pangalan habang pumipikit lalo na't alam

