Chapter 1

2148 Words
Chapter 1 Helleia Demetria’s POV “Good morning, young miss” bati ng isang pormal at malamig na boses sa akin nang pumasok ako sa kusina. Tahimik ang buong mansion at tanging tunog lamang ng sapatos ko ang aking naririnig. Tumingin ako sa nagsalits, isang tipid na tango lamang ang isinagot ko kay Percy, ang butler kong parang robot. Sa dinning hall naman ay naabutan ko sina Chef Jelly at ang mga maid na sina Lei at Kei na sabay-sabat yumukod at bumati sa akin ng good morning. I felt the familiar awkward feeling dahil sa ginawa nilang aksyon pero ipinilig ko nalang ng balikat ang nararamdaman ko. Sa dinning table naman ay nakaupo sa upuan ang isang lalakeng pinagmanahan ni Percy sa pagiging robot nya. Ang lalakeng malamig ang boses, malamig ang tingin at hindi ngumingiti, sya ang mafia reaper na protector ko, sya si Red Falcon. Ang nag-iisang lalakeng pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko. Bata palang ako ay kasama ko na sya, sila nina Percy “Have a breakfast, young miss” Tinanguan ko si Lei na syang humila ng isang upuan para doon ako umupo. Pinagmasdan ko sya, maingat ang ginawa nyang paghila sa isang upuan at kahit konting ingay ay wala akong narinig, tila ba sanay na siya sa ganoong kilos. Bumuntong-hinga nalang ako. Nang makaupo ako ay lumapit naman si Kei at naglagay ng plato at utensils sa harapan ko. Kasunod na lumapit ay si Jelly na inilagay sa mesa ang pagkaing niluto nya para sa almusal ko. Hindi sila sumasabay sa akin sa pag kain at hindi ko gusto ‘yon, nang minsan ay sinubukan ko sila, hindi ako kumain hangga’t hindi sila umuupo kasama ko at hindi kumakain pero inabot na kami ng isang oras sa ganoong sitwasyon ay hindi pa rin nila ako sinusunod. Ako nga pala si Helleia Demetria Vandross, isang 17 years old na babae. Kung inaakala nyo na isa lang akong typical na babae na may mala fairytale na kwento ng buhay, nagkakamali kayo. Hindi maganda ang takbo ng buhay ko. Ang parents ko ang founder ng Vandross Clan, isang mafia organization na pinamumuan ng daddy ko na sa takdang panahon ay pamumunuan ko. Sa oras tumuntong ako sa edad na 18 ay ipakikilala na ako ng pamilya ko bilang bagong mamumuno ng organisasyon. Hindi ako handa sa ganoong responsibilidad pero mulat ang mga mata ko tungkol sa sitwasyon na mayroon ang pamilyang pinagmulan ko. Walang kapatid ang ina’t-ama ko kaya wala akong mga pinsan, ang mga lolo’t-lola ko naman ay matagal nang namayapa. “You only have 20 minutes left to finish your breakfast” malamig ang boses ng nagsalita at tila niyelo rin ang pakiramdam ko dahil nagtaasan ang balahibo ko sa lamig ng boses na ‘yon. Saglit akong sumulyap kay Red pero nang mapansin ko ang mga walang emosyon nyang mata na nakatitig sa tasa ng kape na wala nang laman ay ibinalik ko rin ang tingin ko sa pagkain ko. Palaging ganyan si Red. Hindi nya rin ako madalas na kinakausap o tinitingnan. Ang palagi ko lang kausap ay sina Lei at Kei. Minsan ay sina Jelly o kaya si Percy. Close kasi kaming lahat dito maliban nalang kay Red. Masyado kasi syang untouchable. Si Percy naman na kahit parang robot at hindi ngumingiti ay medyo kaclose ko rin. Masyado lang talagang pornal sa akin ang tatlo kaya minsan ay naiilang na din ako. Itinuturing ko silang lahat na pamilya, kahit pa nga ay naiilang na ako dahil hindi nila ako tinatawag sa pangalan ko. Palaging 'Young Miss' ang tawag nila sakin at si Red lang talaga ang tumatawag sakin ng Helleia Nagpatuloy ako sa pag kain ng agahan. Wala nga pala ang parents ko dito sa bahay. Nasa South Korea sila, kaya ang kasama ko lang dito ay ang mga taong pinagkakatiwalaan nila. Hindi naman ako nagtatampo na wala sila dito, naiintindihan ko ang sitwasyon namin. And i'm not a brat to throw tantrums, nasa tamang pag-iisip na ako at hindi ako mangmang tungkol sa buhay na mayroon ako at ang pamilya ko “Helleia!” A cold voice calling out my name brought me back to my senses. Napatingin ako kay Red, wala pa ring emosyon ang mga mata nya habang kunot-noong nakatingin sa kanya “Finish your food. You're gonna be late” tinanguan ko lamang sya bilang sagot. Bumuntong-hininga ako. Hindi rin naman ako komportableng kausap si Red. Nakakaya kong makasama sya ng matagal, pero hindi ang makausap sya. Sobrang lalim kaya ng boses nya at ang cold pa. Kadalasan ay kinikilabutan ako kapag binabanggit nya ang pangalan ko lalo na kapag nagtataas na sya ng boses na hindi naman nya ginagawa ng madalas. “Percy, ikaw ba ulit maghahatid sakin?” Tanong ko kay Percy na kasalukuyang nakatayo sa tabi ni Red. “No young miss, Red will send and fetch you starting today” pormal na sagot naman ni Percy. Tumango nalang ako. Nang matapos akong kumain ay agad kong kinuha ang bag ko. Sumakay ako sa kotse kung nasaan din si Red na nauna na kaninang lumabas. Naupo ako sa passenger seat at sya naman ang driver. Nag-aaral pa ko. Yes, kahit naman hindi ordinaryo ang pamumuhay na mayroon ako ay kailangan ko ring mag-aral. Pagraduate na ko ng senior highschool. Mga ilang buwan nalang at aakyat na ko sa stage para tanggapin ang diploma ko at mukhang sina Red nanaman ang kasama ko sa espesyal na araw na 'yon sa buhay ko. Si Red, wala akong alam tungkol sa kanya hindi ko nga alam kung ilang taon na sya, kung nag-aaral pa ba sya o ano. Basta pangalan nya lang ang alam ko sa kanya. Hindi na rin ako nagtatanong, as long as pinoprotektahan nya ko, ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa kanya katulad ng pagtitiwala ng mga magulang ko sa kanya Nang itinigil nya ang kotse sa harapan ng gate ay agad kong kinuha ang bag ko mula sa likod na upuan “Beep me if something happen. I'll fetch you later” Sinulyapan ko lang sya. Palagi syang ganyan. Tipid magsalita at walang emosyon ang mukha. Bumaba sya ng kotse at umikot sa gilid kung saan ako nakaupo. Binuksan nya ang pinto ng kotse para sakin at agad naman akong bumaba “Thanks” mahinang bulong ko. Hindi sya sumagot. Nanatili lamang sya na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko sya lubusang kilala, pero ang tiwala ko sa kanya ay sobra-sobra na Mali ba? Sa tingin ko hindi. Dahil kung hindi sya dapat na pagkatiwalaan ay matagal na akong nakabaon sa ilalim ng lupa at pinagpipiyestahan ng mga uod. Hinawakan ko ang strap ng bag ko habang nakatingin pa rin sa kanya. His pair of emotionless black orbs sends million unknown feeling in my veins. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing tinititigan nya ako ay para akong kinikiliti Matapos ang ilang sandali ay humakbang ako palayo at sya naman ay muling sumakay sa kotse. Walang lingon syang nagdrive paalis habang habol ng tingin ko ang papalayong sasakyan. Gusto ko pa syang makilala. Gusto ko syang makaclose, katulad ng closeness namin nina Kei, Lei at Jelly. Sa totoo lang close na close kami ng tatlong yon, sadyang masyado lang silang pormal kapag kausap ako Bumuntong-hininga ako saka pumasok sa loob ng campus. Ngumiti ako sa nagbabantay na guwardiya na mukhang binuwiset nanaman ng ibang estudyante dahil lukot nanaman ang mukha at hindi ako nginitian pabalik "Dem!" Napalingon ako sa gilid. Kumakaway sakin si Drianna, ang nag-iisang kaibigan ko na babae dito sa school. Hindi nya alam na isa akong mafia princess, hindi ko rin naman yun pwedeng ipagsabi dahil manganganib ang buhay ko "Good morning" nakangiting bati ko sa kanya "Good morning din. Uy nakita ko yun ha! Ang gwapo talaga ng driver mo. Pwedeng akin nalang sya?" Natatawang sabi nya. Napangiwi ako. Type na type nya talaga si Red. E kung isama ko rin kaya si Percy dito sa school? Baka mahimatay na ang babaeng to dahil sa gwapo ng dalawang yon. Tinitigan ko si Drianna. May kung anong emosyon na pumitik sa puso ko nang makita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Drianna matapos banggitin si Red Ipinilig ko ang ulo ko at iwinaksi ang hindi pamilyar na emosyong nararamdaman ko. “Sira! Taong yelo yon. Hindi ka papansinin” natatawang sagot ko nalang. Umismid naman sya dahil doon. Alam na kasi nya na parang yelo talaga yon si Red. Minsan na nyang nakausap yon, kaso ni 'Hi' hindi sya pinagbigyan. Tiningnan lamang sya noon ni Red saka sya iniwanan Hmm. Ganoon kasungit si Red. “Alam ko. Hay naku. Sana magkaroon din ako ng gwapong driver. Yung driver kasi namin, gurang na” sabay kaming napatawa dahil doon. Agad din naman kaming naglakad papasok sa campus. Baka malate pa kami sa first subject “Hi Dem” nginitian ko si Jayson. Pinsan sya ni Drianna at kaibigan ko rin sya. At silang dalawa ni Drianna lang ang kaibigan ko dito. Bukod kasi sa umiiwas talaga akong makipagkaibigan ay nag-iingat lang ako. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon Ngumiti ako. “Hi, Jayson” bati ko pabalik saka ako naupo sa upuan ko. Magkakatabi kaming tatlo at nasa gitna nila ako nakapwesto. It’s like their protecting me and i love being protected kaya hindi na ako kumontra nang panggitanaan nila akong dalawa "Dem, sama ka samin mamaya. Gagala kami ni Dri" pag-aaya sakin ni Jayson. Gala? Napaisip ako. Gusto ko sana kaso ay hindi naman ako papayagan ni Red. Ni hindi nga ako hinahayaan non na lumabas ng bahay lalo na kung hindi sya o Percy ang kasama ko. He’s over protective of me at wala naman akong problema doon. Hindi rin naman nakakasakal ang pagiging over protective nya. “Oo nga, Dem. Hindi naman tayo magtatagal e” pagsang-ayon naman ni Drianna. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. “Hindi kasi pwede” nanghihinayang na sagot ko. Sumimangot si Drianna at nalukot naman ang mukha ni Jayson. Napakamot naman ako ng batok. Ilang beses na nila akong niyaya tungkol sa ganitong bagay at marami beses na rin akong tumanggi. Hindi kasi talaga pwede “Ihhh pwede yan. Isama mo nalang yung pogi mong driver” pagpupumilit pa ni Drianna What should i do? Baka magtaka na sila dahil sa paulit-ulit na pagtanggi ko. Wala na rin akong maisip na ibang dahilan. “Wag mong sabihing padating ulit ang parents mo. O baka naman makakatulog ka nanaman mamaya kaya hindi ka makakarating” nagtatampong saad ni Jayson. Ngumiwi ako. “E san ba tayo pupunta?” tanong ko nalang. Ngumisi si Drianna at swear, kinilabutan ako. Alam ko ang ibig sabihin ng ngisi na yon “Dri, under age pa tayo. Hindi tayo pwede sa bar” mahinang bulong ko sa kanya. Mahinang natawa naman si Jayson, palibhasa kasi ay nasa legal age na sya. Amp! Drianna loves bar at alam kong party girl sya. Si Jayson naman ay kunsintidor na pinsan kaya sya ang naglulusot kay Drianna tuwing naghahang out sila sa bar “Si Jay na ang bahala don. Saka hindi naman halata na under age tayo e” pagpupumilit pa rin ni Drianna. Bumuntong-hininga ako. “I'm sorry guys, hindi talaga ako papayagan ni Red” malungkot na sabi ko. Gusto ko! Gusto kong sumama sa kanila. Gusto ko kasi talagang maranasan ang mamuhay ng normal. Katulad ng buhay nina Drianna at Jayson, gusto ko ring maglakwatsa minsan, pero hindi naman kasi ako papayagan ni Red “Hay naku! Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong jowa mo yung yelong pula na yon” naiilang na sabi ni Drianna Ngumiwi ako. Hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa kakaibang kiliti na naramdaman ko sa puso ko nang sabihin ni Drianna ang mga salitang ‘yon. “Bakit nga ba sya ang nagdedesisyon para sayo? E driver mo lang naman sya” tanong ni Jayson na may inis sa mukha Bakit nga ba? Napayuko ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na mafia reaper si Red at sya ang nagpoprotekta sakin dahil nanganganib ang buhay ko. Sa totoo lang ay gusto kong sabihin sa kanila ang sikreto ko pero iniisip ko rin ang kaligtasan nila. Baka madamay sila kapag nalaman nila ang tungkol sa pagkatao ko “Oo nga. That’s strange” komento pa ni Drianna. Ngumiti ako. “Hindi lang kasi sya basta driver. Bodyguard ko rin sya at sya ang pinagkakatiwalaan ng parents ko pagdating sa kaligtasan ko“ sagot ko saka tiningnan silang dalawa sa mga mata “Sobra-sobra naman yata ang tiwala ng parents mo sa taong yon” kunot-noong litanya ni Jayson. So am i. I trust him so much. He’s like a family. He’s not just my driver, bodyguard or protector but my life. My life is on his hands. “Kasi mapagkakatiwalaan sya” sagot ko nalang at nanahimik na Hindi na rin muling umimik sina Jayson at Drianna. Maya-maya naman ay dumating na ang teacher namin sa first subject kaya tahimik na akong nakinig sa mga lesson nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD