(((Danreve))) “Enjoy, my star,” malambing kong sabi matapos lasapin ang manipis at malambot na labi ni Charmaine. Pinahid ko pa ang kumalat na lipstick sa mamasa-masa niyang labi, at tinulungan kong isara ang bibig niya. Hindi na kasi niya magawang isara, katulad ng mga mata niya na dilat na dilat pa rin hanggang ngayon. “Breath, my star,” ngisi kong sabi, sabay ang yakap sa kanya.” Masyado kang napaghahalata na first time mo,” bulong ko pa na nagpabalik sa katinuan niya na sumabay naman sa pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse. “B-bakit mo ‘yon ginawa, Sir Danreve?” pabulong at pa-slow motion niyang tanong. “Anong pumasok sa utak mo?” Paulit-ulit niyang pinahid ang labi niya at itinulak pa ako. Kung hindi nga lang dahil kay Aka na lumabas ng kotse, at nagpatay malisya sa nakita niya

