(((Charmaine))) “Hmmm...” ungol ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Ang sarap sa pakiramdam, hindi ko mapigil ang sarili na mapangiti, habang pikit ang mga mata at nag-uunat ng mga braso. Rinig ko kasi ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Nandito nga kasi ako sa mala-paraisong villa ni Sir Danreve. “Ang sarap ng tulog mo, ah!” Para akong naalimpungatan nang marinig ang boses ni Sir Danreve. Ang antok kong mga mata, ngayon ay dilat na dilat na. Dahan-dahan akong lumingon at bumangad nga sa akin ang gwapo niyang mukha at nakaka-asar na ngiti. Sinadya pa nitong pagsalubungin ang mga kilay. “A-anong ginagawa mo rito, sir?” tanong ko, at akmang uupo. Pero pinigil na naman ako ng masakit ko pa ring balakang. Ngumiti siya at inunan ang

