(((Charmaine))) “Congratulations, Mr. and Mrs. Abrazaldo,” bati sa amin ni Sir Onse, pagkalabas at pagkalabas namin ng kwarto. Sabay namin siyang nilingon at ginantihan ng matinding simangot na nagpailing naman sa kanya ng paulit-ulit. Oo, natuloy ang kasal namin. Isa na akong Abrazaldo. Dala-dala ko na ang apilyedo nitong boss ko. Wala kasing silbi ang mga sinabi namin kanina, hindi pa rin lumusot ang paliwanag at mga dahilan namin dahil sa biglang pagdating ng Daddy ni Sir Danreve. Kaya pala panay dotdot sa cellphone ang Mommy ni Sir Danreve kanina, tumawag pala ng backup. Pinarating nito sa asawa niya ang kalokohang pinaggagawa ng Anak nila. Kaya ayon, sumugod sa hospital; nagdala ng judge, isinama pa si Onse, bilang witness, at agad-agad nga kaming pinakasal. Napatingin din

