Kabanata 29

1223 Words

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto kong tawanan lang sana ang sinabi niya, pero kasi, mas nangibabaw ang galit ko. Gusto ko na nga siyang batukan. Gusto kong maalog ang utak niya nang matauhan. Abot-abot kasi ang kaba ko kanina. Ang sikip-sikip ng dibdib ko, hindi nga matigil ang iyak ko. Guilty ako. Sinisi ko ang sarili ko. Ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Tapos ngayon, nakuha niya pang magbiro. Ano bang utak mayro’n siya? “Wala ka talaga sa ayos, Sir Danreve! Nasaktan ka na nga, nakuha mo pang magbiro!” madiin kong sabi na nagpangiti naman sa kanya ng mapait. “Tingin mo ba nagbibiro ako?” nanghihina niyang tanong. Hindi ako sumagot. Sinubukan ko ring bawiin ang kamay kong hawak pa rin niya at nakalapat pa rin sa dibdib niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD