“My heart, dahan-dahan lang,” sabi ko, habang inalalayan siya palabas ng kotse. Tinakpan ko pa ng palad ko ang sugat niya sa ulo. Ngiti naman ang sagot nito, pero ang tingin ay na kay Aka na ewan at ngising-ngisi rin . Maging si Manang Goding at ang ibang kasambahay ay nakangiti rin habang bitbit ang mga gamit namin. “Ano ba ang mayro’n at gano’n sila ka saya?” pabulong kong tanong habang inalalayan ko pa rin si Sir Danreve, paakyat ng hagdan. “Natutuwa lang ang mga ‘yon. Na miss tayo. tatlong araw din kaya tayong nanatili sa hospital,” sagot naman ni Sir Danreve na hindi pa rin nawala ang ngiti. “Sana nga po, hindi ka na muna lumabas ng hospital, sir, para lagi ko pa ring nakikita si Nanay,” malungkot kong sabi. “Pwede mo naman siyang dalawin, kahit araw-araw pa.” Biglang napa

