Kabanata 39

1307 Words

((Danreve)) “Picca, bakit gano’n si Mommy? Ano ang pumasok sa utak niya?” Ilang oras na ang dumaan mula nang umalis sina Mommy at Charmaine. Pero ang simpleng bilin ni Mommy na magpahinga ako ay hindi ko magawa. Kanina pa nga ako rito sa pool area. Hindi ako mapakali. Kaya pati si Picca ay kinakausap ko na. Hindi ko naman kasi pwedeng kausapin si Manang Goding, sigurado kasing makararating kay Lolo Clam ang pinag-usapan namin. Si Onse naman, ewan at bakit hindi sinagot ang tawag ko. Umasta lang kasi ako na ayos lang umalis sina Mommy at Charmaine na hindi ako kasama, pero ang totoo, nag-aalala ako. Nag-aalala ako para sa asawa ko. Nagtataka nga kasi ako kung bakit biglang bumait si Mommy sa asawa ko. Pakiramdam ko may mali. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili na kabahan. Hindi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD