Nagsisimula nang maging marahas ang paghinga ko. Halos hindi ko na rin mahabol ang t***k ng puso ko. Ang dami na agad pumapasok sa utak ko. Mga posibleng komplikasyon. Mga maaring mangyari kay Nanay, habang isinasagawa ang dialysis. “Daisy, ano ba? Magsalita ka!” Niyugyog ko na si Daisy. Natahimik na lang kasi siya, hindi na rin maperme ang mga mata, at humigpit rin ang paghawak niya sa cellphone niya. “Bakit ka ba naglilihim, besty?! Ano ba ang kinatatakutan n’yo?” Hindi ko sila maintindihan, sa totoo lang. Kahit naman, hindi ako laging nagpupunta rito hospital, updated pa rin naman ako sa kalagayan ni Nanay. Nakakausap ko pa rin ang doctor. Kaya nga alam ko kung ano na ang mga naging komplikasyon niya. Ang wala akong alam ay kung ano ang nangyayari sa loob ng dialysis center. Ma

