Matiim ko siyang tinitigan. Binabasa ko ang mukha niya kung totoo ba na nakalimutan niya ang sinabi ko kanina, o kung tama ba ang naisip ko na sinabi niya lang ‘yon para pigilan ang away namin ni Onse. “Anong sinabi ko?” naguguluhan niyang tanong na nagpabagsak sa balikat ko. Nahagod ko pa ang buhok ko. “ ‘Wag mo na lang itanong. Hindi nga siguro totoo ‘yong sinabi mo, kasi hindi mo na maalala, o baka, ayaw mo lang na masapak ko si Onse, kaya sinabi mo ‘yon.” “My heart, hindi ko nga maalala. Sabihin mo na lang kasi, para maalala ko,” sabi niya na sumimple naman ng sulyap sa rear-view mirror. Hindi ako imimik, tumitig lang ako sa kanya. “Hoy, ito naman, tampo agad. Bawal na ba makalimot ngayon?” sabi niya, at niyugyog-yugyog pa ako. “Ano ba kasi ‘yong sinabi ko kanina. Ang dami ko n

