“Si Nanay… Nanay ko…” Kapos at hindi na halos maintindihan ang mga sinasabi ko habang tanaw ang mga doctor at nurses na um-attend kay Nanay. “I’m sorry, Sir Danreve, Ms. Charmaine, hindi ko po talaga naisip na hindi na pala maayos ang pakiramdam ni Ma’am,” umiiyak na sabi ng caregiver. Kanina pa siya humihingi ng tawad habang nagpapaliwanag sa kung ano ba talaga ang nangyari na hindi man lang niya napansin na masama na pala ang pakiramdam ni Nanay. Siya ang caregiver na assign kay Nanay sa umaga. Ang sabi niya, mula raw kanina pagdating niya ay matamlay na ito. Pero kumain naman daw. After mag-breakfast, panay na raw ang tulog. Sa lunch naman ay kumain pa raw si Nanay, pero kaunti na lang at humiga na rin agad. Kinakausap pa nga raw niya at sumasagot naman daw kahit tiim ang mg

