(((Danreve))) “Picca, no!” sigaw ko na sumabay sa pagtiim ng mga mata ko at pagtalon ni Picca papunta kay Charmaine! Hindi agad ako nakakilos. Hindi nakapagsalita. Ngayon ko lang kasi nakita si Picca na gano’n ka agresibo. Pero mamaya ay napadilat ako. Imbes na atungal, walang humpay na hagikhik kasi ang naririnig ko mula kay Charmaine. “Picca...” masayang sabi pa nito sa alaga ko. ‘Yong kaba at takot na nararamdaman ko kanina habang nakikita ang mabilis na pagtakbo at pagtalon ni Picca na parang gustong lapain si Charmaine ay napalitan ng pagkagulat. “Are you okay?” Maya maya ay tanong ko kay Charmaine na tumango-tango lang at humahagikhik pa rin. Umupo na rin ako. I patted Picca’s head. “Picca, stop it,” sita ko naman sa alaga ko na ayaw lubayan ng pagdila ang mukha ni Charmain

