Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising. “Danreve!” Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko, masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve. “Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito. Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito. “Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa Lolo mo! Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya!” Pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit. “Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve sa galit nitong ina. Sa totoo lang dobleng takot na ang nararamdaman ko. Takot dahil sa nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Sir Danre

