(((Danreve))) Ilang minuto kong pinagmamasdan ang likod ni Charmaine. Matapos niya kasing ilabas ang sama ng loob kanina ay hindi niya na ako muling kinausap. Hindi niya na ako pinansin at tahimik na lang na umiiyak. Gusto ko sanang mag-sorry, but I don't know how. Maski ang e-comfort siya ay hindi ko magawa. Kahit ano kasing sasabihin ko, hindi na siya nag-react. She completely ignored me. “Charmaine, tama na ang arte!” Napangiti na lamang ako ng mapait. Pisil-pisil ko na rin ang noo ko. Sakit siya sa ulo. Ang tigas kasi ng ulo niya. Talagang kaya niyang magmaktol sa taong magpapasweldo sa kanya. Tama si Lolo ang yabang niya! Porket kailangan ko ang tulong niya—ang serbisyo niya, feeling mighty na. “Bumangon ka na, Charmaine. Kanina pa dumating ang result mo. Pwede na raw tayon

