Love Sick

1712 Words
FELIZA'S POV Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagkukuwento ko sa kakambal ko. Bagama't wala akong makuhang response mula sa kanya, tila nahugutan ako ng tinik sa dibdib. Gaya ng dati, inirecord ko iyon para paulit-ulit na i-play. I hope, sa lalong madaling panahon ay magigising na si Marife Lyn. Matapos akong magpaalam, lumabas na ako ng silid. Halos mapalundag ako sa sobrang gulat nang bumulaga si Ugok sa tapat ng pintuan. Buong akala ko'y nauna na siyang umuwi. Nilampasan ko lang siya. Hindi pa rin napapawi ang sama ng loob ko sa kanya. "Feliza." Tawag niya kasabay ng pagpigil niya sa isang braso ko. Walang lingon-likod na binaklas ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at pinagpatuloy ko ang paglalakad. I'm too exhausted to start another fight with him. Kaya mas maigi na lang na umiwas ako. Ramdam kong nakabuntot siya sa akin hanggang sa marating namin ang parking lot. Oo nga pala, iisa lang ang sasakyan namin kaya no choice. Makakasama ko siya sa kotse. Tahimik lang akong umupo sa backseat at isiniksik ko ang sarili ko sa may pintuan ng kotse. Tumabi si Ugok sa akin. May driver kasi. Pinasundo kami ni Mommy. "Feliza, I'm really sorry. I, I didn't mean to hurt you. It's just that... it's just that jealously grew within me upon seeing that Doctor. I... I got jealous! Kasi at ease ka sa kanya." Hindi pa rin ako kumibo. He got jealous, yeah but still, how he acted in the hospital is not justifiable. Sorry? Walang saysay ang paghingi ng sorry kung paulit-ulit din naman niyang gagawin ang isang bagay. Pumikit ako as a sign na ayuko siyang kausapin. Aware ako sa bawat galaw niya. Parang hindi mapakali at panay ang buntong-hininga niya. Pagkaraan ng ilang sandali, idinilat ko ang mga mata ko at tumutok sa view na nadadaanan namin. My mother and Marife Lyn live in an upscale neighborhood on Oahu. It is where old and new Hawaii money meet, with modern mansions that look as if they were transported whole from Beverly Hills alongside more modest-sized yet unmistakably upper class kamaaina houses, decades old, but eternal in their charms. But the most impressive thing to say is that Mommy's mansion is located on Kahala Avenue. It's oceanfront luxury homes probably the most expensive in Hawaii real estate, which is really saying something. Overall, the community is low-rise, but a few condo towers do exist that have beautiful views Masasabi ko na hindi lang ako ang nakakaranas ng marangyang buhay kundi pati ang kakambal ko dahil parehong may sinasabi sa buhay ang mga magulang namin. Isang ebidensya ang magarang mansion ni Mommy na minana niya sa mga namayapa niyang magulang. Nagpatiuna akong naglakad papasok sa bahay ni Mommy. Nawala ang pagkayamot ko nang sumalubong sa akin ang isang taong kinasabikan kong makita. "Tita Ninaaang!" Parang bata akong tumili nang pagkalakas-lakas at sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Ninang Meredith. It's been years kaya sobra-sobra ang pagka-mis ko dito. "Feliza! Ang ganda-ganda mo lalo, Iha." "I miss you so much Tita Ninang." "Sobrang na-mis din kita, anak. Tara na sa loob. Kanina pa namin kayo hinihintay." MANJOE'S POV Gusto kong matawa dahil biglang naglaho ang masamang aura ni Feliza pagkakita niya kay Mommy. Ang saya nilang panoorin. Parang totoo silang mag-ina. Kung noon, labis kong kinainisan si Izang dahil nagseselos ako sa attention na ibinibigay ni Mommy sa kanya noong bata pa kami pero ngayon sobrang natutuwa ako dahil hindi nagbago ang closeness nila. Now I know kung bakit wala ni isa sa mga naging girlfriends ko ang nagustuhan ni Mommy. Iisa lang ang parati niyang bukambibig.à Walang iba kundi si Feliza. FELIZA'S POV "May fiancé na siya !" Magkasabay na bulalas nina Mommy at Tita Ninang habang kumakain kami ng dinner. Nasabi kasi ni Daddy na engaged na rin ako. "Ano ang nakakapagtaka doon? Napakaganda ni Feliza, mabait at matalino. Saka kayo magtaka kung wala siyang nobyo " Sabi naman ni Tito Ninong Jonathan. "So, kailan naman ang kasal mo, anak?" Tanong ni Mommy. "Hindi pa po namin napapag-usapan ng fiancé ko. But most probably next year." Sagot ko. Pero ang totoo wala talaga ako'ng balak magpakasal pa. Sinabi ko lang para tigilan na nila akong i-interrogate. Napalingon kaming lahat kay Manjoe nang kumalansing ang kubyertos niya dahil sa lakas ng pagkakabitaw niya at sinabayan niya ng tayo. "Manjoe Iho, bakit tumayo ka na eh hindi ka pa tapos?" Tanong ni Daddy. "Hindi ko na po malulunok ang pagkain, Ninong. Excuse me." "Anong nangyari doon? Masama ba ang pakiramdam?" Rinig kong tanong ni Mommy kay Tita Ninang. "Baka in despair. Ang bagal kasi." Tumatawang sagot ni Tita Ninang saka ako kinindatan. Pagkatapos ng dinner, nakipagkuwentuhan ako saglit sa kanila saka ako nagpaalam na magpahinga na. Pagkapasok ko sa room ko, nagulat ako nang makita ko si Ugok na kampanteng nakahiga sa kama ko at sapo ng isang kamay niya ang kanyang noo. MANJOE'S POV Ang sama ng loob ko nang sabihin ni Feliza na ikakasal na siya next year. Oo nga't sinabi ko sa kanya na once na magkita kami ulit at single pa siya, aagawin ko siya kay Robles. 'Yon pa rin naman ang plano ko. Pero ang sakit pa rin pala talaga na marinig mula sa kanya na sa ibang lalaki siya magpapakasal. Parang gusto ko tuloy magkasakit. And speaking of sakit, a bright idea crossed my bright mind. Humiga ako sa kama ni Feliza Pagkapasok ko sa kuwarto niya. Paano ko nalaman na kuwarto niya ito? Of course I have my own source. Ang lakas ko kaya kay Tito Ninong. Plano ko pa nga sanang magdikdik ng bawang saka iipit sa kili-kili ko para tumaas ang temperature ko. 'Yon kasi ang sabi ni Yaya Ana kaninang ka-chat ko siya sa Viber. Oo, Viber. Kasi nagsawa na daw sa Skype. Kaya lang naisip ko na baka maturn-off si Izang sa akin kapag nangamoy bawang ako. Napakamaselan pa naman niya sa amoy. Sana sa gagawin kong ito, kikibuin na niya ako. Hindi ko kasi kayang hindi niya ako pansinin. Ang tagal naman niya! Kanina pa ako naka-ready. Bigla akong umayos ng higa nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto niya. "What are you doing here?! As far as I know, 'yong guest room ang in-offer ni Mommy na tutulogan mo. Puwede, lumabas ka na? Gusto ko nang magpahinga!" "Pa-pasensya na. Hindi ko mahanap ang guest rooms. I'm not feeling w-well. I'm having a headache and I feel di-dizzy. I-itong kuwarto na ito ang una kong nakita kaya dito muna ako humiga hangga't humupa ang pagkahilo ko. Pe-pero kung pinapaalis mo na ako kahit masama ang pakiramdam ko, okay lang. A-aalis ako." Sinadya kong hinaan at pinatamlay ang boses ko ganoon din ang facial expression ko. Unti-unti akong tumayo sa kama at sapo ko pa rin ang ulo ko. Mabuway ang tindig ko at nang makaisang hakbang ako ay matutumba kunyari ako. Agad naman akong nilapitan ni Izang. "Kaya mo ba'ng maglakad?" Nag-aalang tanong ni Izang. Inalalayan niya ako. "Na-nanghihina ako at tila u-umiikot ang paningin ko kapag tumayo ako. B-but it's okay Feliza, ka-kakayanin kong lumabas sa kuwarto mo ma-makapagpahinga ka lang." "Ahm, sige, dito ka na lang magpahinga. Mukhang hindi mo kayang maglakad." "H-hindi na, Izang. A-ayukong madistorbo kita." I acted really sick and Feliza look so worried. I'm kinda enjoying this somehow. "Manjoe, huwag matigas ang ulo mo. You're sick. You need to take a rest. Nasa third floor pa ang guestroom. Bukas ka na lilipat doon." Gusto kong pumalakpak sa sobrang tuwa dahil sa sinabi ni Izang. Imagine makakatabi ko na naman siyang magdamag. Ang galing ko talaga! FELIZA'S POV Manjoe is not feeling well. It really worries me because even when we were kids, he rarely gets sick and when he does, it takes a minimum of one week before he get well. Kahit masama ang loob ko sa kanya, hindi ko siya matitiis. Inalalayan ko siyang humiga uli sa kama saka ko siya kinumutan. I touched his forehead and neck. He's warm not hot. Pero malay ko baka hindi pa nakalalabas ang lagnat niya. "F-feliza, p-please, p-pakipatay ang AC. S-sobrang g-giniginaw a-ako." Sabi ni Manjoe. Nanginginig pati ang boses niya na mas lalo kong ikinabahala. "Manjoe, nakapatay ang AC. God, mukhang malala yata ang sakit mo. Dadalhin ka na lang namin sa hospital." Puno ng pag-aalala kong sabi. "Izang, no n-need. I..I just w-want to rest. ..but. .but. ..ang l-lamig Feliza. ...G-giniginaw a-ako." His voice is trembling. Dios ko, ano ang gagawin ko? Ayaw naman niyang isugod namin siya sa hospital. "Manjoe. Tinatakot mo naman ako. Baka malala na 'yang sakit mo. Please dalhin ka na namin sa hospital." Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala. "No, F-feliza. No. J-just s-stay. H-here." "Eh, ano ang gagawin ko? Alangan na tutunganga lang ako Manjoe." "Ang l-lamig. F-feliza. . s-sobrang ginaw. Pu-puede. Y-yakapin mo ako. I, I need bōdy hëat F-feliza. Please m-makë më warm." "Ha? Hoy Ugok, pinagloloko mo ba ako, ha? Gusto mo lang yatang maka-tsansìng!" Pinagmasdan ko siya. Mukhang hindi naman yata umaarte. Ginaw na ginaw ang hitsura. I'm not that bad naman. Hindi ko maaatim na panoorin na lang siyang ganyan. Humiga ako sa tabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nanginginig pa rin ang buo niyang kalamnan pero hindi nagtagal kumalma na siya. "Manjoe, please get well soon. I want you to feel better. Sana gumaling ka agad." Paulit-ulit kong sabi hanggang sa tangayin ako ng antok. MANJOE'S POV "Manjoe, please get well soon. I want you to feel better. Sana gumaling ka agad." Tila hinaplos ang puso ko pagkarinig sa sinabi niya. Nakakabakla man pero parang naiiyak ako. Yeah, the mighty playboy Manjoe Merkel Labrador ay nagiging emosyonal na dahil sa isang babae. Ang sarap pala ng pakiramdam kapag nag-aalala rin sa akin si Feliza. Hindi lang yata sakit-sakitan ito kundi love sick. Niyakap ko ng mahigpit si Feliza. I promise, I won't do naughty things tonight. Pati si king cōbra, magbe-behave din. It feels good to have her in my arms. So fūcking good! (1,723 words)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD