The Uninvited Guest

2508 Words
FELIZA'S POV "May naghatid daw sa'yo pauwi?" Basag ni Daddy sa katahimikan. Kasalukuyang nagkakape kami sa gazebo. At sa kasamaang palad ay kasama si Ugok na walang humpay ang ngisi. "Yes, Dad. Boyfriend ko." Maagap kong sagot. Buwisit talaga oh. Pati 'yon isinumbong. Kalalakeng tao pero sumbungero. "Kailan pa?" "6 months na kaming mag-on, Dad." "Sa dami ng boyfriend mong nababalitaan ko, wala ka pa'ng ipinapakilala sa akin. Why is that, Ma. Feliza?" Eh paano naman. Fling lang kasi mga 'yon. Tumatagal lang ng ilang araw. Masuwerte na nga sila kung umabot ng 2 weeks. Pero siyempre hindi ko 'yon sinabi kay Daddy. Katakot kasi siyang magalit. "Baka kasi mukhang bisugo ang mga nobyo niya, Tito kaya nahihiya siyang dalhin dito." Tatawa-tawang sabi ni Ugok. "Excuse me! Mataas ang standard ko pagdating sa lalaki! Sa sobrang taas, hindi qualified ang hilatsa ng pagmumukha mo!" "Aw, really? That hurts." Kunwari ay hinihilot-hilot nito ang dibdib. Kaya pala nagustuhan mo ang halik k----" "Lumayas ka na, animal ka! Wala kang kwuentang kausap! Mamatay ka na sana!" "Ma. Feliza! Stop being rude! Hindi kita pinalaking bastos!" Sigaw sa akin ni Daddy. Natahimik ako bigla. For the first time in my life, nasigawan ako ng aking ama. And worst, dahil lang sa Ugok na ito. Sobra ang pagngingitngit ko sa loob-loob ko. "Ganyan naman kayo, Dad eh. Lagi niyo na lang kinakampihan ang lalaking 'yan! Ako ang anak niyo hindi ang kumag na 'yan. Next time na tayo mag-usap. 'Pag wala na ang panggulong Ugok na 'yan. " Tumayo na ako. Makauwi na nga lang sa condo ko. Kukulo lang ang dugo ko dito. "Sit. Down. Feliza." Matigas na sabi ni Daddy. Nagbabanta ang mga mata niya. Kaya no choice kundi umupo uli ako sa single sofa na katapat ni Ugok. Ayuko namang mag-away kami ni Daddy. "I want to meet your boyfriend. Dalhin mo siya dito tomorrow. Hindi ko gusto ang nakakarating sa akin na pinaggagagawa mo. Nagkakaintindihan ba tayo, Feliza?" "Yes Daddy." Mahinang sagot ko sabay irap kay Ugok na nakangiti. Lupa bumuka ka sana at higupin ang walang hiyang lalaking 'yan. For sure pumapalakpak na ngayon ang buwisit na lalaki. "How about you, Iho? Kumusta naman kayo ng girlfriend mo?" Narinig kong tanong ni Daddy. Ayuko ngang sumali sa usapan nila. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-f*******:. "Sino sa kanila, Tito? Sa dami nila hindi ko na nga matandaan ang amoy ng bawat isa. Maliban yata sa taga-Middle East. Kakaiba ang amoy ng babaeng 'yon kaya 'di ko makalimutan. Amoy camel ba naman." "Ikaw talagang bata ka. Mabiro ka pa rin. Seryuso, Iho. Kailan kayo lalagay sa tahimik ni Fritz?" "Wala pa sa isip ko, Tito Ninong. Ang sarap maging single. Saka nag-eenjoy pa akong mambabae." Iiling-iling na tumatawa si Daddy. Nakaramdam ako ng selos. Dati sobrang close kami. Dumating lang ang Ugok na 'yan, hindi na ako masyadong pinapansin. Sila na ang parang mag-ama! Nakalimutan na yata ni Daddy na kaharap nila ako. Fùcking shìt talaga! "Are you staying here for good?" "Maybe, Tito. Nag-invest ako sa kompanya ni Danreb Figuerres at sa Azurin Corporation. In fact may ini-offer na position sa akin si Lolo Ruben. Pero pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko o hindi. Plano ko rin kasing magpatayo ng sarili kong negosyo." Bigla akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pangalan ng Lolo Ruben ko. Ano naman ang ibibigay na posisyon kay Ugok, janitor? Wala sa loob na napahalakhak ako ng malakas dahil sa naisip ko. Na-imagine ko kasi ang hitsura nitong nagma-mop ng sahig. "What's funny Feliza?" Nagtatakang tanong ni Daddy. "Sorry, Dad. 'Yong joke na nabasa ko sa tumbler, sobrang nakakatawa. Go ahead. Magkuwentohan lang kayo tutal may sariling mundo naman ako." Palusot ko. "Paano ang Merkel-Labrador Group of Companies, hijo? Sino na ngayon ang mamamahala kung hindi ka na babalik sa Germany?" "Si Kuya Anthony at Daddy na ang bahala doon, Tito. Mas gusto kong mag-stay sa Pinas. Alam niyo na mas masikip ang kuwan ng mga babaë dito kaya mas masarap." Nagtawanan sila ni Daddy. Grabe ah! 'Pag ako, sobrang istrikto ni Dad. Pero 'pag si Ugok ang nagkukuwento ng pambababae nito parang kinukunsunti pa ni Daddy. It's so unfair! DANILO ' S POV "Sige na naman na pumayag ka na. Nasa Cebu si Emerson. Wala akong maipapakilala kay Daddy." Ungot ni Feliza sa akin. Imagine sinadya pa niya talaga ako sa office ko. Mahigit isang oras na niya akong kinukumbinsi hehe . Eh ganoon talaga. Kailangang magpakipot. Yung magic words lang naman kasi ang hinihintay ko eh. "Feliza Lola, ang issue dito ay magiging substitute ako ng boyfriend mong lampa. Substitute Feliza. Substitute." "Oo nga. Substitute nga ang hanap ko. Naka-oo na ako kay Daddy, Danilo. Malilintikan ako nito 'pag hindi ako nagpunta kasama ang boyfriend ko." "Iyon na nga, eh. Hindi ko matanggap na itong kaguwapuhan kong ito eh magiging substitute lang. Higit na may asim ako sa jowa mo. Mahal ang talent fee ko." Ayun nasabi ko na ang clue. "Ok, fine! 1 month na supply ng whisky! Buwisit ka. Mukha kang suhol!" "Ahehe. Okay lang 'yon, Lola. Hindi ka naman lugi, eh. Pang-FAMAS kaya ang acting ko." "Basta ah, sigurohin mo lang na hindi tayo papalpak. Iba si Daddy, Danilo. Malakas ang pang-amoy nito." "Ah, may lahi palang aso ang Daddy mo. Regaluhan ko kaya ng buto." "Sira! Kahit ganoon si Daddy, love ko 'yon. Kung may aso man, si Manjoe Labrador iyon." "Ang pangit naman ng pangalan ng Manjoe Labrador na 'yan. Pang-aso nga. Siguro pati mukha, mukhang aso rin." Natawa ako sa sinabi ni Danilo. "Oo mukhang aso na may galis. Ang pangit sobra!" "Ewww! Pero ang suwerte natin ano kasi maganda ang genes natin. Kaya magpapamisa tayo, Lola. You know thanks giving dahil nabiyayaan tayo ng magandang lahi. Hindi lahing aso." "Sige-sige sa linggo. Magtirik pa tayo ng maraming kandila." Baliw na kung baliw. Ganoon talaga kapag nagkasama kami ni Lola. Ewan ko ba, lahat na lang ng kapritso niya sinusunod ko. Hay buhay kung alam niya lang sana. Pero mabuti na 'yong ganito. Kaysa magtapat ako sa kanya tapos lalayuan niya ako. Makuntento na lang ako sa kung ano ang meron kami. Masaya na ligtas pa ang puso ko sa pagkakabasag. FELIZA'S POV Dahil maaga pa, nag-practice muna kami ni Danilo. Siyempre kailangang kumbinsido ang dialogue namin. Pagkatapos ay nag-grocery kami. Ako ang magluluto ng dinner sa mansion mamaya. Ipaghahanda ko si Daddy ng mga paborito niyang ulam. Mabuti na lang at nandiyan si Danilo na puwede kong hilain kapag may emergency na katulad nito. Alas singco ng hapon ng makarating kami sa mansion. Mabuti na lang at may dalang damit na pamalit si Danilo. Boy scout talaga ang loko. "Ayan, tapos na. May kulang pa ba?" Tanong ni Danilo matapos magtadtad ng ingredients. "Wala na. Sige mag-start na tayong magluto. Ikaw ang adobo at kaldereta ako ang bahala sa kare-kare, sinigang na baboy, crispy pata at dessert." "Iyon lang pala, my love. Hehe. Ang sarap pakinggan, ano? My love." "Oo nga, sweetheart. Nakakakilig." Siyempre start na kami. Iyon ang endearment na napili namin. Sa totoo lang ang baduy pero kailangan eh. Saktong alas otso nang maihanda namin ang mga pagkain. Agad kaming nagbihis at hinintay na dumating si Daddy. Nagkuwentuhan muna kami sa sala ng kung ano-anu. Siyempre puro kalokohan. 8:20 nang makauwi ang ama ko. "Good evening, Dad!" Bati ko sabay halik sa pisngi ng ama ko. "Good evening too, anak. Ready na ba ang dinner?" "Opo. Ahm Dad, meet my boyfriend, Danilo Reberros." Dumako ang tingin ni Daddy kay Danilo. Lumapit si Danilo at nakipagkamay kay Dad. Nagsimula na rin akong kabahan. " I'm so glad to finally meet you, Sir. Bukambibig po kayo ni Feliza. She said you're the best Dad in the world. Now I know kung kanino namana ng girlfriend ko ang kagandahan niya. Nakaka-insecure po ang tindig niyo." Talak agad ni Danilo. Ang pormal na mukha ni Daddy ay biglang nagliwanag. "I like your honesty, man. Now I know kung bakit na-inlove ang anak ko sa'yo." "Thank you, sir. May gift po pala ako sa inyo." Tinanggap ni Dad ang ibinigay ni Danilo. Ako nga rin hindi ko alam kung ano 'yon. Nag-effort pa. Maaasahan talaga ang mokong. "Blueprint po 'yan ng 2-storey resthouse. Nabanggit po sa akin ni my love na balak niyong magpagawa ng resthouse sa Tagaytay. I know hindi niyo kailangan 'yan kasi may sarili kayong real estate business. Pero naisipan kong gawin kagabi. While doing that blueprint, pinaplano ko na rin po ang future namin ng anak niyo." "It's. .. It's amazing! I like it. Nakuha mo ang gusto kong plano ng resthouse. You're a very good architect! Thank you for this, Iho." Sabi ni Dad kay Danilo na ikinatuwa ko. Malulusutan namin ang dinner na ito for sure. "Saang firm ka nagtatrabaho, iho? Isa kang asset ng company na 'yon." "I have my own architectural firm po. Ang ODB Architectural Firm." "That's good. Magaling kang pumili ng boyfriend, Feliza." Nakangiting baling ni Dad sa akin. Medyo na-guilty nga ako eh. "Thank you, Dad. Mag-dinner na po tayo baka lumamig po ang pagkain." Alok ko sa kanila. Bale ang puwesto namin, si Dad ang nakaupo sa kabisera, ako sa kanan ni Dad at umupo sa tabi ko si Danilo. "Good evening, everyone! Am I late?" Nanigas ako sa kinauupuan ko nang biglang sumulpot si Ugok sa komedor. Nag-iinit na rin ang ulo ko. Okay na sana eh pero may asungot pa. "Manjoe, Hijo. Mabuti at napadalaw ka ulit." Masayang sabi ni Daddy at sinenyasan si Ugok na maupo sa kaliwa niya na katapat ko naman. "Makikikain ako, Ninong. Hmmm, mukhang masarap ah." Sabi nito sabay lagay ng kanin at ulam sa plato. Ang kapal-kapal talaga ng mukha. "Danilo hijo, siya si Manjoe, inaanak ko. Manjoe, meet Danilo Reberros, Feliza's boyfriend." "So, ikaw 'yong naghatid kay Izang kahapon?" Seryusong tanong ni Ugok. "May iba pa ba, pare? Its nice to meet you too." - Danilo "Ang galing mo, Izang. Transformer ang boyfriend mo." Sarkastikong sabi ni Ugok. Namula naman ako. Lalo na't nakatingin si Dad sa akin. "Kumain ka na, my love. I know gutom ka na." Pag-iiba ni Danilo sa usapan. Naglagay ito ng ulam at kanin sa pinggan ko. "Thank you, sweetheart. Masyado mo naman akong bine-baby." "Oo nga. Hindi na siya baby. Ang tanda na nga niya, eh. Maliban na lang kung nakakaihi pa rin siya sa short niya." Grabe, talagang sinisira niya ang dinner namin! Grrrrrrr. "Oo, pare. Nakakaihi pa rin ang girlfriend ko sa short niya pero ibang ihi 'yon. You know habang nagme-make-ōut kami." Biglang nagdilim ang mukha ni Ugok. Kung tuso siya hindi padadaig si Danilo. "So gaano na kayo katagal magkarelasyon ng anak ko, hijo?" Tanong ni Dad. "6 months na po. Away bati kami ng anak niyo, Papsie. Selosa kasi. Pati work ko pinagseselosan niya. Pero sadyang mahal ko talaga siya kaya walang sawa ko siyang sinusuyo." "Papsie? Ano yun papsikel? Ang sagwa." Sabad ni Ugok. "Papsie ang pinaka-cool na tawag sa Tatay. Outdated ka pala, pare. I-add mo ako sa f*******:, follow mo ako sa twitter para matuto ka naman ng kaunti." "Ano ako aso para i-follow-follow ka? Asa ka naman!" "Eh 'di ba ang Labrador ay aso?" Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Danilo. At si Ugok grabe mukhang pikon na pikon na. Buti nga sa kanya! "Kids, nasa harap tayo ng pagkain. Behave." Awat ni Daddy. "My love, tikman mo itong adobo, ang sarap." Alok ni Danilo. Ngumanga ako at kinain ang isinubo sa akin. "Masarap nga." Sabi ko. "Mahilig ka pa rin pala sa exotic foods, Izang. Sarap na sarap ka sa adobong daga ng bukid at kalderetang sawa." "Oo. Ang sarap nga, eh." Sagot ko. "Taste this, sweetheart, specialty ko ito." Sinubuan ko si Danilo ng sinigang na baboy. "Hmmm, yummy." Sabi ni Danilo at sārap na sārap na nginuya ang isinubo ko. "Nasarapan ka sa sinigang na bayawak?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ugok kay Danilo. "Walang daga, walang bayawak pare. Kami mismo ni My love ang nag-grocery. Lahat ng putaheng nakahain, kami ni Feliza ang nagluto kaya makakaasa kang malinis at masarap ang mga 'yan." Gusto kong maglulundag dahil namula si Ugok. Siya ang napahiya ngayon. "You know how to cook, hijo?" Namamanghang tanong ni Daddy. "Opo, papsie. Kailangan ko po'ng matutunan para maipagluto ko ang anak niyo. Ang hilig pa namang magpalipas ng gutom lalo na 'pag sinumpong ng katamaran." "I really like you for my daughter, hijio." "I like you too, papsie. Thank you for inviting me for dinner." Natuwa naman ako dahil tahimik na na kumain si Ugok. Hindi na rin nanggulo sa usapan. Nagsasalita lang kapag kinakausap ni Daddy. So far, maganda ang kinalabasan ng dinner. Niyaya pa ni Daddy si Danilo na mag-stay hanggang 11pm pero sinabi kong hindi puwedeng magpuyat ang nobyo ko kuno dahil maaga ang pasok niya sa work kinabukasan. Naintindihan naman ni Daddy. "Thank you, Danilo! Napaniwala natin si Daddy na mag-jowa tayo! Ang galing mo. Best actor ka talaga." Natutuwang sabi ko nang ihatid ko siya sa labas ng gate. "Gagi. Tuwang-tuwa ka diyan. Ako naman nako-konsensya. Ang bait pala ng Daddy mo tapos nagsinungaling lang tayo sa kanya." "Eh, ako naman din na-g-guilty. 'Di bale, hindi na mauulit 'yon." "Oh siya, pumasok ka na sa loob. Basta 'yong supply ko ng whisky huwag mong kalilimutan." "Oo. Bukas na ako magsisimulang magpa-deliver. Sige na. Ingat sa pagda-drive." Pinanood ko munang makaalis ang kotse niya bago ko isinara ang gate. "Pati Daddy mo niloloko mo, anong klase kang anak Ma. Feliza Azurin!" Halos mapalundag ako sa sobrang pagkakagulat nang biglang sumulpot si Ugok. I thought nakalusot na ako. Napahiyaw ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng gate. "M-manjoe, bitaw! Nasasaktan ako. .. Manjoe. Please lang, huwag ka nang makialam. Please." Bigla niya akong binitawan at mahigpit na hinawakan ang mga balikat ko. Para niya akong pinipisa sa higpit ng pagkakahawak niya. For the first time ay nakaramdam ako ng takot sa kanya. Feeling ko ibang Manjoe ang nasa harap ko ngayon. Pero bakit siya galit na galit? Ganoon na lang ba ang malasakit niya kay Daddy? Biglang nanlambot ang mga tuhod ko nang dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha. Nakapikit ako. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang mapanghusga at puno ng galit. *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD