Wee-Wee

1173 Words
"Daddy, sasama na lang ako sa'yo, please." Naka-pout na sabi ng 6 years old na si Feliza habang nakakapit sa hita ng kanyang amang si Adolfo. "As much as I want to, hindi talaga puwede, princess. Hindi safe para sayo ang sumama sa akin sa construction site. Hindi bale, babalik din ako after 3 hours. Magbehave ka kay Tita Ninang mo, alright?" "I'm a good girl po. Si Manjoe lang po ang bad, Daddy. Kasi lagi siyang binubulongan ni Taning para awayin po ako." "Sinong 'Taning' princess?" Pigil ang tawang tanong ni Adolfo. "Palayaw po ni Satanas, Daddy. Sabi po ng teacher ko, dalawang angels po ang nagga-guard sa mga kids. Isang good angel at isang bad angel. Si good angel po ang bumubulong ng good things. Si bad Angel naman po ang bumubulong ng bad things. Sa case po ni Manjoe Daddy, sobrang naughty po niya kaya yung boss po ni bad angel ang nakabantay sa kanya. Si Taning po." Bumunghalit ng tawa si Adolfo sa tinuran ng anak. "Since you're a good girl princess, huwag mo na lang patulan si Manjoe. Be nice to him. You two should be friends like me and his Daddy. Best of friends kami. Makipaglaro ka sa kanya, okay? No fights so that Daddy will give you a reward after." "Reward?" Nagningning ang bilugang mga mata ni Feliza. "Bibilhan mo ako ng toblerone, Daddy?" Excited na tanong ni Feliza sa ama. Paulit-ulit na tumango si Adolfo. "Yaaaay! I love toblerone! I love tobleron! I love toblerone! Thank you Daddy." Hinalikan niya ng malutong ang pisngi ng ama. "Anything for you princess. Let's go, kanina ka pa hinihintay ni Tita Ninang mo." Akay ni Adolfo sa anak. Mahigpit na kumapit si Feliza sa slacks ng kanyang ama. Ang lakas ng pagkakanta ng sintonadong boses na iyon sa gawa-gawang lyrics ng hindi malamang title ng napakapangit na kanta. "May isang bata akong nakita Mapayat, mabungi ang bata Ngunit ang tiyan kaylaki, parang butete Ang pangit na bata pag umiyak parang bibe Kwak kwak! Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak! Tayo na sa loob kasama ang batang lampa Na favorite toy niya yung manikang Dora! Kendeng kendeng! Halika Feliza Katawan mong palito Kay pangit mo Wanted ka sa diyaryo Dahil tumakaw ka ng bra sa inyo Eto ka na naman oh Ang tulad mo tinatapon sa disyerto Kwak! Kwak! Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak! May isang bata akong nakita Yung mukha sa pangit kay hirap ipinta Nandiyan na si Feliza Maputi dahil iniinom ay zonrox Wow lupet mukhang tangang ox Akala niya iisa ang x-ray at Xerox Pati puwet ay kanyang pinabotox Kwak kwak! Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak! Kwak kwak! "I'm not a duck, you retarded doggie! So don't kwak kwak me!" Asik ni Feliza sa batang taas-baba ang kilay at ngising-asong nang-aasar. "Pasok ka na raw sa loob palito. Nakahanda na ang tutuluyan mong kahon ng posporo." Sabay belat "Daddy, I don't want here. Uwi na po tayo." Nakangusong sabi niya sa ama at inirapan si Manjoe na tatawa-tawa pa rin. Yumuko si Adolfo at hinaplos ang mahabang buhok ng kanyang anak . "You're a good girl, right princess?" Marahang tumango si Feliza. "A good girl knows how to listen to his Daddy, right?" Tumango ulit siya. "That's my girl!" Hinawakan niya ang maliit na kamay ng anak at iginiya palapit kay Manjoe. "How are you, handsome boy? Your song is good. I didn't know that you're a composer now." Natatawang sabi ni Adolfo sa batang lalaki. "I'm good Ninong at pogi pa rin like Daddy and you." Nakangising sagot ni Manjoe. " Mom told me last night that 'payatot' errr.. I mean Feliza is coming today kaya ginawan ko siya ng kanta ninong. Kwak kwak song hahaha!" "Manjoe! I told you to stop being so stubborn!" Saway ng isang magandang babaeng kalalabas lang ng malaking bahay. "It's okay, Meredith. Mga bata pa sila kaya playful." Sabi ni Adolfo. "Pasensya ka na sa kalokohan ng anak ko, Adolfo. Hi there, princess!" Nakangiting bati ng Ginang kay Feliza at pinanggigilang halikan ang pisngi. "Hello pretty Tita Ninang! I miss you po." "Ang sweet naman ng inaanak ko at hindi talaga marunong magsinungaling." Natutuwang pahayag ni Meredith "Sorry ulit sa abala, Edith. Pinag day-off ko kasi ang helper namin at out of the country ang parents ko kaya dito ko muna iiwan saglit ang anak ko." "It's okay Adolfo. I love Feliza. Alam mo namang pinangarap kong magkaroon ng babaeng anak kaya lang tatlong makukulit na lalaki ang ipinagkaloob sa amin ni Jonathan. Sobrang kukulit nila lalo na si Manjoe." "Okay lang yun. Masaya nga kasi ang bibibo nila. Nasaan nga pala ang dalawa mong anak?" "Isinama sila ni Jonathan sa rancho namin sa Tarlac. Bukas pa ang balik nila." "Ganun ba? I have to go now Edith, thank you again." "You're most welcome, Adolfo." "Kids." Baling ni Meredith sa dalawang bata na nagbebelatan. "Pasok na tayo sa loob. Kakain tayo ng chocolate cup cakes and ice cream!" Agad namang tumalima ang dalawang bata. "I hate Tinkerbell, Mommy. It's so gay! Power Ranger na lang!" Paghihimutok ni Manjoe sa ina. " No, Tita Ninang! Ang pangit po ng Power Ranger! Paulit-ulit lang naman po. Tsaka di po yun maganda. Ginagaya po ni Manjoe na nakikipaglaban ang mga characters. Tsaka po ang papangit po ng mga monster na kalaban. Baka po mahawa si Manjoe sa hitsura nila." Tutol ni Feliza. "Bahay namin ito, kalansay na kwak kwak! Next time magdala ka ng sarili mong TV at DVD player." Angil ni Manjoe "I'm not a duck. Don't call me kwak kwak! Hindi rin ako kalansay." "Ok then payatot." Sabi ni Manjoe sabay díla. "Hindi ako payatot. Daddy said I'm slim. Slim ako. 'Di ba Tita Ninang?", Baling ni Feliza kay Meredith. "Yes princess. Hindi ka payatot. Manjoe, tama na yan, anak. Please be good to Feliza. Huwag kayong mag-away. Ganito na lang, instead of watching a movie, mag-story telling na lang ako." Panghihikayat nito na sinang-ayunan naman ng dalawang bata. Manjoe and Feliza are all ears while Meredith is reading The Little Red Riding Hood. Feliza already heard the story many times pero hindi pa rin niya maiwasang matakot at mapahiyaw when it got to the point that the big bad wolf goobling up Grandma. Dahil sa sobrang takot, hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili. "Mommy, look!" Turo ni Manjoe sa baba ng plastic chair na kinauupuan ni Feliza. "Nakaihi si payatot, Mommy! Yucky! Hahaha! Naka wee-wee si Feliza bungi, wahahaha. Kwak kwak kwak! Hahahaha! Ang laki na naihian pa rin ang pants. She's sooo dugyot! Kwak kwak ! Hahahaha!" Feliza started crying and peed some more while Manjoe is still laughing at her so hard. She felt so embarassed!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD