"Any sëx position is possible anywhen, anyhow, anywhere." (Manjoe Merkel Labrador) FELIZA'S POV "Ano ang pinag-usapan niyo ni Robles?" Pang-limang beses nang tanong ni Ugok sa akin matapos kong gamutin ang sugat sa ulo niya. Hindi lang bukol ang natamo niya kundi dumugo talaga ang parte ng ulo niyang natamaan. Sobrang lakas kasi ng pagkakahaplit ko sa likod ng ulo niya. Nayanig din yata ang berde niyang utak. "Honestly, hindi lang kami nag-usap. May ginawa pa kaming iba." Pang-iinis ko. "Taksil!" Galit na bulyaw niya sa akin. "Thank you. Mabuti na lang at iniwan mo kami." Sabi ko. Pigil na pigil ko ang aking pagtawa. Hindi na kasi ma-describe ang porma ng mukha niya. "Ano nga?! Ano'ng ginawa niyo?!" "Huwag mo nang tanungin. Magngingitngit ka lang." "I am your

