Tinulak niya ako ng dahan-dahan mula doon dahil may mga tao palang gustong dumaan sa likuran namin matapos kong matutop ng ilang segundo mula sa aking kinatatayuan. Nang makaayos na kami ng pwesto ay tinanggal na rin niya kaagad ang kanyang kamay mula sa aking baywang. Nakahinga na rin ako ng maluwag pagkatapos ng ilang sandali at muli ko na ring ibinalik ang aking atensyon sa tatlong bata na nasa harapan pa rin namin hanggang ngayon. "Hindi kami mag-asawa. Magkapatid kami," nakangiting paliwanag ko sa batang lalaki. Kitang-kita ko kung paano dahan-dahang nangunot ang kanyang noo matapos kong magsalita habang nagpapabalik-balik ang kanyang mga mata mula sa akin papunta kay Kian na para bang nagtataka siya sa nalaman. "Magkapatid po kayo? E, bakit hindi po kayo magkamukha?" inosente at n

