MADILIM NA AT WALA pa rin si Burn at hindi na mapakali si Bridgette. Ang isip niya ay naglalakbay kung saan na naman ito pumunta. Maaring kina Lace. Napatingin siya sa srili sa salamin. Napangiti ng malungkot. Maaring kay Rebecca. Nasa salas siya at nasa couch nakaunat ang mga paa habang hawak ang isang paperback at nagbabasa kahit wala naman doon ang isip niya. She just wanted to busy herself para lang hindi siya mainis sa nararamdaman. She should focus. Kapag wala siya sa focus ay nagkakamali siya. She was trying to make everything alright. Simula nakabalik siya kahapon ay puro paglalambing na lang ang ginawa niya rito. HIndi na rin siya nagtaka na hindi man lang siya nito sinundan noong nandoon siya at nagtatago sa bahay nila Anna. Hindi man lang siya sinilip nito. Sinamantala pa yat

