“HEY, KANINA PA KITA hinihintay sa baba…” sabi ni Burn sa kaniya. Bridge just smiled to control her emotions. “Aalis na ba tayo?” tanong niya rito. “Kung ready ka na,” sabi ni Burn at nakita niya na ang atensyon nito ay nasa phone nito and keep on tapping his phone. He was obviously texting someone. That was Rebecca for sure! “I’m ready,” kapagkuwan ay sabi niya at nabaling na sa kaniya ang tingin nito at ngumiti. “Nakababa na nga ako kanina kaso may naiwan ako kaya binalikan ko muna,” dahilan niya at nakita niya na natigilan ito. Good! You need to feel guilty! Kanina nang marinig niya ito nagsabi ng ‘I love you’ sa kausap ay mabilis siyang bumalik agad sa taas. Mabuti na lang at naisip niya na huwag isuot ang heels niya kaya hindi nito narinig ang mga yabag niya. Sinadya niya iyo

