"Hindi masama ang mabigo.
Ang masama ay sumuko kahit na alam mong kaya pa ng iyong puso...."
'Sobrang sakit pala no? Yung tipong akala mo okay na. Yung tipong masaya na kayo at kala mo talaga na hindi ka na niya iiwan . Sobrang sakit pa lang itago. Yung buo mong puso. Unti unti nang nawawasak. Akala mo salamin na unti unting sinisira. Akala mo ice cream na nakalimutang ilagay sa ref kaya natunaw. Akala mo ikaw na, pero bigla bigla na lang iniwan. Hindi mo alam ang nararamdaman mo, kasi sobrang sakit na. Yung tipong hindi mo na makaya yung sakit. Akala mo kasi pinapatay ka. Pero hindi, buhay ka, humihinga. Mahal mo kasi eh. Nakkakainis. Nakakairita. Bakit? Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko masagot sagot at hindi ko matanong tanong kasi natatakot ako. Bakit moko tinakasan? Bakit hindi mo sinabi na mas priority mong pamilya mo kesa sakin? Ang sakit mo naman mang iwan. Pinaramdam mo talaga kung gaano ako nawawala sa mundong ito.
I was lost. I even can't find my true self sometimes. Sometimes I hate you for leaving me like this. I hate you for hurting me, but it was a part of loving you. The consequence of loving someone is being hurt, dapat handa kang sumugal, masaktan. Pero kahit ganun, masakit pa rin talaga.'
"Sweetheart, alam ko na kung san ngayon si Meran."
Napahinto sa paglalakad patungong hotel si Axel ng maring ang sinabi ng kanyang bayaw na si Prince.
"Talaga!" Nagagalak namang sagot ng kapatid nyang si Mia.
"Yes, kaya pupuntahan na namin nila Keros ngayon."
"Teka lang sasama ako sa inyo ako ang kakausap kay Meran. Mahirap na pag kayong humarap sa kanya baka matakot tumakas na naman. Hintayin moko dito magbibihis lang ako."
Napapihit paharap kay Mia si Axel, sinalubong nya ito saka niyakap na ipinagtaka naman ng kanyang kapatid.
"Narinig kong nahanap nyo na si Meran, salamat Mia, maraming salamat sa tulong mo."
"Syempre naman Kuya, di naman pwedeng ako lang ang happy diba? Dapat pareho tayo... Kaya mag ayos kana, magpa pogi ka ha! Sunduin na natin si Meran sa Singapore."
Bumitaw sa pagkakayakap si Mia saka masuyong hinila ang kapatid papasok ng hotel.. Nakikita nyang maaliwalas na ang mukha nito... Nangingiti syang kumapit sa braso ng kapatid. Nakikinita na nyang happiness nito sa piling ng babaeng pinakamamahal nito.
SINGAPORE
Pagkalabas pa lang nila Axel sa Changi Airport, kaagad na may sumalubong sa kanilang isang puting van, napabaling sya kaagad ng tingin sa kapatid na malapad ang pagkakangiti sa kanya.
"Kuya, si Keros lahat ang nag asikaso hindi ako, kaya sa kanya ka magpasalamat."
Bumaling ang tingin nya sa kaibigan ng bayaw nyang si Prince. Sa pagkakaalam nya isang ma impluwensyang tao si Keros, isa itong Boss ng Asia ng Hainsha Organization. At ang bayaw nyang si Prince ay isang secret assassin agent din dun. Hindi maipagkakaila na sa tindig pa lang ng dalawang lalaki maiilang ng mga makakasalubong dito. At yun ang obserbasyon nya habang kasabay nyang naglalakad ang mga ito. Kusang nahahawi sa tabi ang mga taong nakakasalubong nila. Lalo na ng may mga sumalubong sa kanilang mga naka amerikanong mga kalalakihan na gumagabay at umaalalay sa kanila, hanggang isa isa na silang makasakay sa Van na naghihintay sa kanila.
"You know where to go Tiger?" Boses ni Keros.
"Yes Boss, Leon and Leopard is in position already, they're just waiting for your signal to move closer."
"Good, just tell them to watch the subject and don't let her disappear, understood?"
"Yes Boss K. Copy that loud and clear."
Hindi man mawari ni Axel kung anong pinag uusapan ng kanyang mga kasamahan, nagpapasalamat na lang sya't mabilis ang mga pangyayari. Nasasabik na talaga syang makita si Meran. At ng sa wakas huminto ng Van na sinasakyan nila at bumaba ng kanyang mga kasama napasunod na lang sya sa mga ito. Nakita nyang may kinakausap na dalawang lalaki pa si Keros at may itinuro ang mga ito sa isang dereksyon ng medyo may kadilimang bahagi ng kalsada. Sumunod ang tingin nya dun at sa pamamagitan ng ilaw na tumatanglaw galing sa poste nakita nya ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng daan. Umiiyak ito, hindi lang pala umiiyak kundi humahagolgol talaga ito ng iyak.
"Meran!"
Tawag nya dito. Bigla naman itong tumayo saka tumingin sa dereksyon nila. Hilam ng luha ang mga mata nito. At kahit hirap ito sa pagsasalita malinaw pa rin nyang narinig ang kanyang pangalan ng bigkasin nito sa namamaos nitong boses.
"Axel?"
Napangiti sya bigla ng magsalita ang kanyang kapatid.
"Ayan na Kuya, lapitan mo ng ka forever mo, aalis na kami para magkaroon kayo ng privacy na dalawa... At Kuya, please lang umayos kana ha! Tawagan mo na lang ako kapag okay na kayo para makauwi na tayo ng Pinas."
"Syanga naman bayaw.. Magha honeymoon pa kami ng sweetheart ko eh."
Nakangising sabat ni Prince sa usapan ng magkapatid.
"Thanks Bayaw, ikaw ng bahala sa kapatid ko ha! Paligayahin mo sya!"
Bumaling sya kay Keros na may pilyong ngiti sa labi.
"Thank you so much Keros, I owe you one... If ever you need anything just let me know, I'll help you the best I can."
"Your welcome my friend." Sumaludo pa ito sa kanya bago naglakad pabalik sa nakaparadang Van kung saan nakasakay na dun ang mag asawa at mga kasamahan ni Keros. Dalawa na lang sila ni Meran ang natira dun. Bumaling na sya sa dalaga na nakatulala pa ring nakatingin sa kanya.
"Hi Meran, My Bebeko... Sa wakas nahanap din kita."
Parang nanghihinang napabalik sa pagkakaupo sa gilid ng kalsada si Meran. Lumapit sya dito at umupo sa tabi nito. Sobrang pagpipigil ang ginagawa nya para wag lang itong yakapin ng mahigpit. Tumingin sya sa malayo saka nag umpisang magsalita, gusto nyang ipaalam kay Meran ang lahat ng kinikimkim nyang hinanakit at tampo dito sa tuwing pinagtatabuyan sya nito.
'Wag mo kong iyakan, hindi ako worth it. You deserve someone better'. Sinasabi mo yan parati kapag naguusap tayo at ipinapaalam ko sayo kung gaano ka kaimportante. Yan ang laging tumatakbo sa isip mo kapag gusto mong layuan na kita. Ipinaparamdam mo pa sa akin na wala kang pakelam sa mga sinasabi ko. Hindi mo naisip na ang sinasabi ng puso ko ay worth it ka. Sinasabi ng puso ko na ikaw ay mahalaga. Sinasabi ng puso ko na deserving ka sa lahat ng bagay na makapagpapasaya sayo. Deserving kang matanggap kung ano yung nararapat sayo. Deserving kang maenjoy ang buhay kasama ng mga taong nagpapasaya sayo. Gusto ko ay palagi kang masaya. Kaya dikit ako ng dikit para ako ang kasama mo kapag masaya ka. O kaya ako ang makapagbigay sayo ng saya."
Narinig ni Axel ang impit na pag iyak ni Meran, alam nyang nahihirapan ito ngayon kaya inabot nyang kamay nito saka pinagsiklop sa kamay nya.
"Gusto ko ay parati kitang nakakasama. Masyado nga lang akong makulit pero sana ay pagpasensyahan mo ako. Ikaw din kasi ang nagbibigay ngiti sa akin at napapasaya mo ako. Napapasaya mo ako kapag pinupuntahan mo ko kung nasaan man akong hospital. Tanaw palang kita papunta nakangiti na ako, Lalapit kang nakangiti at sobra na ngiti ko iniisip mo baliw na ako. Nandito talaga siguro tayo para sa isat isa. Nandito siguro ako para ipaalam ang halaga mo. Iniisip mo kasi parati na nag iisa ka lang sa laban ng buhay mo."
Sinikap ni Meran na makapagsalita, Gusto rin kasi nyang malaman ng binata ang kanyang saloobin.
"Nandyan ka siguro para iparealize sa aking may taong tulad mong hinahanap ko. Palagi kasi akong bigo sa paghanap ng taong ganito. Yung may kabaliwan na hindi maintindihan. Yung may inarteng hindi makuha ng iba. Yung may kakaibang takbo ng pag iisip. Yung masaya kasama. Yung laging handa anuman at san man ang inuman, kainan at kantahan. Dinamayan pa ako sa sayawan. Yung naiintindihan ko kasi baliw sya. Yung iniintindi ako dahil OA ako. Yung kasakasama mo kahit ano mang mangyari sa mundo. Yung iniisip kung bakit umiikot ang mundo sa araw kahit na matagal na panahon ng napatunayan ang problemang to. Yung ikaw... Yung ikaw na nandyan parati. Yung ikaw na masaya kasama. Yung ikaw na kapag may problema ay magkukwento ka. Yung ikaw na hindi nila maintindihan. Yung ikaw na iniisip nilang ganyan talaga. Yung ikaw na kasabay kong maglakad pagkatapos ng inuman. Yung ikaw na kasama ko magkape. Yung ikaw na kasama ko kumanta sa videoke. Yung ikaw naka duet ko sa karaoke at kinakanta lahat ng nakakanta na sa videoke. Yung ikaw na gusto kong kasama parati. Yung ikaw na hanggang ngayon iniisip ko parati. Yung ikaw na sa lahat ng mga napuntahan at naranasan may parte ka. Yung ikaw na laging pinagtyatyagaan ang mga kalokohan at kaartehan ko."
Kahit anong pigil ni Axel na wag lumabas ang tawa nya humulagpos pa rin ang pagtitimpi nya dahil sa mga sinabi ni Meran na nagpapataba ng kanyang puso. Napabunghalit sya ng tawa na ikinabaling ng tingin ni Meran sa kanya.
"Hahaha..." 'True, maarte ka talaga.'
Napahinto sa pagsasalita si Meran ng marinig ang tawa ni Axel. At may ibinulong pa ito na siguro akala nito di nya narinig. Pero imbes na mainis sya ay napangiti na lang sya dito.. Ihinilig nyang sumasakit na ulo sa balikat nito saka ipinikit ang mahapdi at namamagang mga mata. Ilang saglit ding katahimikan bago narinig nya ulit ang boses ni Axel.
"Ako na inis na inis ka...Ako na palaging kinukulit ka. Ako na kapag wala pang kain sa umaga kukulitin kang tara na.. Ako na kaladkarin kahit san man pumunta. Ako na handang magkwento ng lahat sa iyo. Kahit tipong ikakasama ko at ikasasama ng tingin mo sa akin. Ako na kasama mo nung nalaglag tayo sa pusali at nangamoy mabahong kanal pero tinatawanan pa rin ang nangyari. Ako na palaging nandito para sa'yo. Ako na hindi ka iniwan kahit ipagtabuyan mo ako. Ako na lalayo lang ng bahagya para makahinga ka pero nandun pa rin nakaabang kapag kailangan ng higitin kita."
Nakikinig lang si Meran sa bawat salitang binibigkas ni Axel, hindi nya akalain na ganun kalalim ang pagtatangi ng binata sa kanya, at napaka swerte nya dahil sya ang minahal nito kahit pa nga na maraming beses nya na itong iniwan at tinalikuran.
"Hanggang ngayon ikaw pa rin yan. Hanggang ngayon ako pa rin 'to. Pero ang pinaka aasam ko ay ang tayo... Hinihiling ko sa lahat ng mga santo na sana isang araw maging ikaw at ako...muli. Hindi kita minamadali. Hindi kita pinipilit. Hindi ko rin naman sinasabing wag mong pansinin ang binabanggit ko. Alam kong sinabi mo ng wag akong umasa pero anong magagawa ko kung gusto talaga kita. Kung Mahal na mahal kita."
Napangiti na lang si Meran, Masaya sya... Masayang masaya, dahil ngayon pwede ng maging sila ulit...
"Hindi ko mapigilan ang puso at isip ko sa pag iisip ng tayo. Kasi sa lahat ng ginawa, ginagawa at gagawin ko, magkasama tayo. Sa lahat ng ininom, iniinom at iinumin, magkasama tayo. Sa lahat ng kinain, kinakain at kakainin, magkasama tayo. Sa lahat ng kinanta, kinakanta at kakantahin, magkasama tayo. Sa lahat ng mga bagay dito sa ginagalawan nating mundo na iniisip mo kung bakit ganun ang pag ikot, may tayo. Hindi nga lang yung tayo na inaasam asam ko. Sa mundong hindi maging atin kasi umiikot ka pa sa ibang mundo. Naiintindihan ko. Hindi kita minamadali. Hindi kita pinipilit. Umaasa ako. Ngunit wag kang magalit. Pero sana pagdating ng tamang panahon, May ikaw at ako ulit... May Tayo ulit.... Meran!"
Naghintay si Axel ng sagot ni Meran, pero tahimik pa rin ito at panay lang ang pagbuntong hininga nito.
"Meran, naririnig mo bako?
"Hmmm..."
"Kahit ilang problema pa yung dumating sayo. Kahit ilang beses kang magkamali. Kahit ilang beses kang mabigo. Kahit ilang beses kang hilahin pababa. Kahit ilang beses kang masaktan.... Wala namang permanente sa mundo eh. Hindi laging puro lungkot na lang. Pero hindi rin laging puro saya. Sa lahat ng pagkakataon, ang mahalaga lang eh maging matatag ka. Huwag kang padadala sa agos. Kung napapagod ka na sa gantong routine, kung nagsasawa ka na, magpahinga ka. Huwag mo munang damdamin. Huwag mong isipin. Give it a break nandito ako sasamahan at dadamayan kita Meran." Niyakap na nyang dalaga. "Mahal na mahal kita Meran, tandaan mo yan!"
"Oo na, dami pang satsat, buhatin mo na lang kaya ako at iuwi. Para makapag second honeymoon na tayo hmmm."
Napamulagat si Axel sa sinabi ng dalaga.
"Anong sinabi mo Meran? Pakiulit nga!"
Napairap si Meran sa hangin. Saka nakasimangot na sinulyapan ang binatang kakamot kamot sa batok nito. "Hindi ko na uulitin, sorry ka, kasi may pagkabingi ka rin pala."
Napapalatak na lang si Axel inalalayan nyang makatayo si Meran saka binuhat ito.
"Baka kala mo diko narinig ang sinabi mo ha! Humanda ka sakin mamaya di kita patutulugin, uubusin kong lahat ng katas mo, este lakas mo pala kaya maghanda kana."
"Ay bet na bet ko yan... Sige mamya walang tulugan hihihi.
?❤
Ang Pangarap ni Meran...
Ay natupad na...
Para sa kanyang pamilya....
At higit sa lahat para sa sarili nya...
Dina sya kelangang mamili ngayon kung...
LOVE OR CAREER
nga ba, dahil ngayon ay pareho na nyang naabot yun...
Pareho na nyang nakamit ang tagumpay.
Meran & Axel ❤ Love Story
- THE END -
❤?
If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back. Ganun naman talaga eh, kung ang dalawang tao ay para talaga sa isa't-isa, makakahanap at makakahanap sila ng paraan upang maging sila ulit. Upang matuloy ang naputol nilang relasyon.
Ang pagmamahal kasi, may kaakibat na sakit yan. Ang pagmamahal, merong kasamang sakripisyo, pagpaparaya, luha, sakit at kung anu-ano pang ikalulumo ng pagkatao mo. At syempre, kapag nasasaktan ka, mapapagod ka. At magpapahinga. Pero hindi naman ibig sabihin non, eh, sumuko ka na. Nagpahinga ka lang. Binigyan mo lang ang sarili mo ng tsansang magmahal ulit. Na mahalin siya ulit ng walang sama ng loob.
Mas mainam kasing magpahinga habang napapagod ka, kesa pilitin ang mga bagay na mas lalong ikapapagod mo pa. Isang daan kasi para hindi sumuko ay yung pagpapahinga. Ipaintindi mo sa ibang tao na, hindi mo lang kaya ngayon... pero makakayanan mo rin pagdating ng panahon.
Ang tunay na pagmamahalan, naghahanap ng paraan para bumalik. Maging sila ulit at mag-umpisa ulit. Sabi nga sa isang kanta... Palayain ang isa't-isa. Kung kayo, kayo talaga.
?MahikaNiAyana