Chapter 2
Emcee POV
Masaya ako sa kinahinatnan ng mga anak ko.Nagbunga lahat ng sakripisyo at pagod ko sa kanila.Hindi biro ang maging single mom.Ipinagpalit at iniwan kami ng magaling kong asawa,sumama sa kabit ang pinabayaan ang mga anak namin.
Pero kinaya ko ang lahat.
Mahirap din ang maging mahirap....nasaksihan ko ang mga pinagdaanan ng mga anak ko at ayaw kong habang buhay nilang maranasan ang maliitin at apihin ng iba.
Tulad ng ginawa ko sa bruhang babaeng umapi sa babae ko sumalangit nawa ang kaluluwa niya!
Ang panganay ko isang ng magaling at sikat na chef samantalang doktor na ang bunso ko.
Nagpapasalamat ako sa Maylikha at hindi niya ako pinabayaan.Binigyan niya ako ng mga responsableng anak bagama't may pagkapilyo ang mga ito....lalo na ang panganay ko haha.
Heto ako ngayon at pinatigil na sa paghahanap-buhay.
Pero pag naiinip ako ay pumupunta ako sa shop ko para asikasuhin ang mga espesyal na kakaning siyempre sariling recipe ko.Pasimuno ang panganay ko.
Sabi niya hindi na ako mapapagod sa paglalako sa mga kalsada at tama naman siya.
Ang kawawa kong anak....alam kong sa likod ng mga matatamis na ngiti ay ang matinding kalungkutan at pangingulila sa lalaking una at huli na atang nagpatibok at magpapatibok ng puso niya.
Pag narito ako sa bahay ang mga plantita ko ang inasikaso ko.Tumutulong din ako sa pagluluto ng pagkain ng mga anak ko...Gusto ko ako pa rin ang naghahanda ng mga pagkain nila.
Napangiti ako ng makita ko si Shin ang bunso sa kambal ko.
Hi nay goodmorning .....humalik ito sa aking pisngi.
Ang napakasuper guwapong anak ko.
Goodmorning hijo.....buti naman at natao ka ngayon sa bahay?wika ko.
Hmmm....Sabihin na nating miss kong makipagkulitan sa inyo ni Ellie.....
Asus .....kelan niyo ba kasi balak ng kapatid mo na bigyan ako ng mga apo?
Nay naman!napakamot sa ulo ang binata ko.
Bagama't may kapilyuhan din ito pero nasa loob ang kulo.Kung maingay ang babae ko tahimik naman at suplado ang lalaki ko.
Oo na ...siya sasabihin nio nanaman na hindi pa dumarating ang right one niyo hay naku ....
O siya sige maupo ka na at ipapahanda ko na kay Zhanon ang almusal mo....
Kumunot ang noo ng binata ko pagkabanggit ko sa batang kasambahay namin.
Pamangkin ito ni Bianang ang mayodorma namin.Nag-aaral ito sa Gabi at nagtratrabaho sa umaga.Kami ang sumasagot sa lahat ng pangangailangan niya sa pag-aaral.
Napakabait,masipag mag-aral,matalino at matulungin sa magulang ang batang iyon.
Sa totoo lang gusto ko ang mga tulad niya.
Umaasa akong siya ang mapangasawa ng binata ko.
Ngumiti ako ng makahulugan sa anak kong masama na ang tingin sa'kin.
Napailing na lang ang binata ko sa kalokohan ko.
Bago pa ito makapagsalita natatawa na lamang ako tinungo ang kusina.
Naabutan ko doon ang dalagitang si Zhanon.Mukhang kakatapos magluto ng isa pa naming kasambahay na si Norry.
Ay kayo po pala senyora magandang umaga po....magalang na bati nito.
Sabay pa silang bumati sa akin.
Magandang umaga din.Ihanda mo na ang almusal ni Shin Zhanon wika ko.
Po....?o-opo.Atubili itong kumilos.
Ang lokong anak ko ano nanaman kayang pagsisungit ang ginawa nito sa batang to?
Hay ..napailing at napangiti na lamang ako at tinulungan ito sa paghahanda.
Sinundan ko si Zhanon at lihim na nagmasid sa dalawa.
Zhanon POV
Naiilang ako dahil ako nanaman ang inutusan ni Senyora Emcee sa paghahatid ng almusal ng masungit niyang anak.
Isa pa may kasalanan ako sa lalaking to.
Hindi ko naman sinadya....nagkataon lang na nakarinig ako noon ng mga kaluskos at ungol ng nagdaang tatlong buwan.
At doon sa dirty kitchen nakakita ako ng di ko dapat makita!first time kong nakakita ng kabastusan sa buong buhay ko!
Nakita ko ang senyorito na may kaharutang babae na walang ng pang-itaas!
Sa pagkabigla ko nabitiwan ko ang basong lalagyan ko sana ng malamig na tubig!Ayon nahuli ako haha at dahil nabigla ako tumalilis ako ng takbo.
Di ko makakalimutan ang araw na yon!
Aba wala naman akong kasalanan don ha?bakit kasi gagawa ng kahalayan sa kusina pa?may kuwarto naman siya.
Marami namang mga silid sa bahay nila sa kusina pa talaga nila napiling gumawa ng milagro.
Simula noon mainit na ako sa mata ni senyorito.
Kinompronta din niya ako ng bonggang bongga hihi.Anong akala niya sa'kin tsismosa?Wala nga akong pinagsabihan ng mga nakita ko.Kung di lang mabait sa'kin ang pamilya niya at gusto kong makatapos ng pag-aaral aalis talaga ako dito.
Ewan ko ba super guwapo ni sir crush na crush ko kaya siya at isang lisensiyadong doktor pa pero ilag talaga ako sa kanya.
Pagtungtong ko pa lang noon sa bahay na to parang di ako nag-eexist sa paningin niya.Di ko alam kung bakit masungit siya sa'kin at lagi akong inaasar.
Wala kasi noon sina senyora at senyorita.
Nasa ibang bansa sila kung saan sumali si senyorita sa isang cooking contest kung saan siya ang nanalo.
Hay.....ano pa bang magagawa ko kailangan ko munang tiisin ang ugali ng isang to.Kailangan kong makatapos ng pag-aaral at kailangan ko ding tumulong sa mga magulang ko.
Bahala na si batman.....
Simone POV
Naging abala ako sa maghapon tulad ng dati.Ginugugol ko ang oras sa paggawa ng mga sweets and pastry.Aside sa personal na pagtulong sa mga chiefs at empleyado ko.
I want to end my days as usual.Napabuntong-hininga ako ng malalim.
Tumatanda na ako.Until now wala pa ring magustuhan ang patay kong puso ni isa mga suitors ko....aba taray fluent na ako mag-english haha.Oo patay na ang puso ko.
Kasalanan to ng mayabang na lalaking una at huli ko na atang mamahalin.I hate myself aminin ko man o hindi mahal ko pa rin siya.
Ho minahal mo naman kahit presko!kantiyaw ng isip ko.
Inabala ko ang sarili ko sa monitor ng laptop ko.
Erase!lumayas ka sa isip ko!I don't wanna see you anymore stay away from my life!
I scrolled until my eyes caught with some one in social media.
My heart beat fast when I see familiar figure.
Wedding of the year.Ang babae ay isang anak-mayaman.Isang retokadang socialite at ang pamilya at nag-mamay-ari ng malalaking plantasyon ng sugarcane sa bansa.
Pero mas natuon ang atensiyon ko sa magiging groom.
Napakunot ang noo ko at talagang rumagasa ang sari-saring emosyon.
After how many years bumalik na pala ito ng bansa at ikakasal na!
Lintik ka habang hirap akong mag-move on sa'yo ikakasal ka na pala.Sabagay sino nga ba naman ako sa'yo?I'm just a stupid poor woman who inlove with you since then and now.