SPECIAL CHAPTER 1.2

1460 Words
 Napalunok siya at lihim na pinangunutan ng noo, gusto siya nitong kausapin?       “For what?” taas ang kilay na tanong ni Harvey.        Tinignan siya nito at Harvey pagkatapos ay huminga ng malalim at sinukay ang buhok gamit ang isa nitong kamay.        “None of your business,” simpleng tugon nito.        Napasinghal ng malakas si Harvey at matalim na tinignan ang kapatid. “None of my business, my ass, asawa ko kakausapin mo kaya it is my business!” mariing wika nito at pinagdiinan ang huling mga salitang binitiwan.        Umayos ako ng upo at bago pa magsalita ulit si Harvey ay sinensyasan niya na itong tumahimik.        “Ano iyon, Kuya? Don’t mind him hearing us, mas okay na iyong alam niya ang pinag-uusapan natin dahil ganoon din naman ang mangyayari. Sasabihin ko rin sa kanya kung ano ang napag-usapan natin. We’re married and that’s one of our promises.” Nakangiti niyang saad kay Dux.         Mataman siya nitong tiningnan bago nagsalita. “I want to know where is your best friend now.”         Biglang natahimik ang paligid, hindi lang siya ang nagulat sa sinabi nito, maging si Harvey ay parang natuklaw ng ahas sa narinig. Maya-maya lang ay napunit ang malakas na halakhak ni Harvey sa buong kabahayan nila.        “Dude, did I heard it right? Nagtatanong ka ng impormasyon tungkol sa isang babae?” tanong nito sa pagitan ng pagtawa.         Nalukot ang guwapong mukha ng Kuya ni Harvey. “I told you I don’t want to talk to you when this dork’s around,” baling nito sa kanya.        Tumigil sa pagtawa si Harvey at tumalim na naman ang tingin sa kapatid. “Hey!”       “Shut up, Harvey.” Saway niya nang makabawi sa pagkabigla.       “Puwede ko bang malaman ang rason kung bakit mo gustong malaman kung nasaan ang kaibigan ko?” tanong niya.       “I don’t know,” sagot nito na halata nga sa mukha ang pagkalito.       Nagkatinginan sila ni Harvey at kapwa sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi.       “She’s in the U.S with her Boss, go and follow her. Alamin mo kung bakit mo siya hinahanap,” sabi ni Harvey sa malumanay ng boses. Mukhang nabasa ng kanyang asawa ang nasa isip niya kaya naman tumigil na ito sa pang-aasar sa panganay nitong kapatid.       Nagdilim ang mukha ni Dux at walang paalam na namang tinalikuran sila at tinungo ang pinto. “Harvey, ikaw na muna ang bahala sa negosyong hawak ko. I’m going to U.S, bye!”       Hindi nakahuma si Harvey sa sinabi ng Kuya niya, napasabunot siya sa sobrang inis. ‘Bakit sa kanya pa inihabilin ang negosyo nito? Ang dami nilang magkakapatid!’       “Gago talaga, imbes na ako ang makikisuyong i-handle muna ang negosyo ko dahil bagong kasal ako, nabaliktad pa yata,” himutok ni Harvey.       Niyakap niya ito nang mahigpit. “Sa tingin mo bakit niya hinahanap ang kaibigan ko?” tanong niya.       “May nakita siguro siyang kakaiba sa kaibigan mo or something resemblances from his past,” anito.       “His past?”         Tumango ito. “Bago pa kita nakilala ay siya dapat ang unang ikakasal pero noong magpo-propse na siya doon sa girlfriend niya ay nalaman niyang ginagamit lang siya nito at pera lang ang habol sa kanya.”        Kumunot ang noo niya at naguluhan sa sinabi nito. “Anong konek niyon sa kaibigan ko? Hindi gold digger si Mau at mas lalong wala siyang pakialam sa Kuya mo, ni hindi nga sila totally na magkakilala, ‘di ba.” Nakahalukipkip niyang turan.        Kinintalan siya nito ng isang mabilis na halik sa labi bago nakangiting nagsalita ulit. “Ang tinutukoy ko ay ang nararamdaman niya. He’s starting to fall in love again, kilala ko ang kapatid kong iyon. Simula nang masaktan at mabigo ay hindi na iyon tumingin pa o nag-aksaya ng oras sa ibang babae. At kapag may gumugulo sa isip niyon, ako agad ang gagambalain. Hindi man iyan magsalita, mararamdaman mo na lang iyon at makikita sa mga aksyon niya,” paliwanag nito sa kanya.       “You mean he’s in love with my best friend?!” gulat na tanong niya rito.       Tumango ito at hinaplos ang mukha niya. “Yes, he is. Ang problema lang ay kung may pagtingin ba si Maureen sa kanya?”       Natahimik siya sa sinabi ng asawa, ngayon pa lang ay parang naawa na siya sa Kuya ni Harvey. In love sa iba ang kaibigan niya at nagawa pa nitong mag-apply bilang personal secretary ng taong iyon.Mahirap ibaling sa iba ang pagmamahal, lalo na kung nagiging bulag ka na at nagpapalamon sa kaisipang ang pagkakagusto at ang pagmamahal ay iisa lamang. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga mukhang ipapaubaya niya na lang sa tadhana ang ang magiging kapalaran ng dalawang naghahanap ng totoong pagmmamahal.       “Mukhang may aabangan tayong magandang palabas sa mga susunod na araw.” Nakangising turan ni Harvey. “Pero ngayon let me eat my morning breakfast first.”        Pagkasabi nito ay agad siya nitong inihiga sa mahabang sofa at dinaganan.        Ilang linggo ang lumipas simula nang bumisita si Dux sa bahay nila, ilang linggo na rin itong nasa ibang bansa kaya naman laging pagod na umuuwi sa Harvey galing sa opisina. Sino ba naman ang hindi? Dalawang malalaking kompanya ang kailangan nitong i-monitor araw-araw at wala itong maasahan sa ibang mga kapatid niya. Imbes na tulungan ito ay nagawa pa itong asarin ni Max.        Naghihiwa siya ng bawang nang bigla siyang nakaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Agad siyang tumakbo papunta sa lababo ngunit hindi pa siya nakakarating ay nakaramdam siya ng pagkahilo at tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.        Nagising siya sa mahinang boses ng mga taong nasa paligid niya, nang imulat niya ang mga mata ay tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Harvey.        “What happened?” tanong niya sa kanyang asawa. Inilibot niya ang paningin at doon niya lang napansing nasa loob siya ng isang hospital room kasama ang halos lahat ng Mondragon Clan.       “Nawalan ka ng malay kaya dinala agad kita sa hospital, you scared me to death Caryn,” sagot nito na nakabadha pa rin sa mukha ang matinding pag-aalala.       “I’m sorry, nakaamoy kasi ako ng bawang kaya nawalan ako ng malay. Nakalimutan kong ayaw ko pala ng amoy ng bawang,” nakatungong sabi niya.       Napansin niya ang pangungunot nito ng noo kaya naman napangiti siya at hinawakan ang pisngi nito. “Hindi pa ba sinabi ng doktor na buntis ako? I’m eight weeks pregnant.”       Halos lahat ng naroon sa loob ng kuwarto ay na-estatwa sa narinig, walang may gustong magsalita at parang gustong intindihin pang lalo ang sinabi niya. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng naka-puting uniporme at nakangiting lumapit sa kanila.       “Gising ka na pala Mrs. Mondragon, kalalabas lang ng magandang resulta and congratulations to the both of you, you’re having—” hindi nito naituloy ang sasabihin dahil inunahan na ito ni Harvey.      “We’re having a baby!” bulalas ni Harvey.       Nakangiting tumango ang doktor. “Mukhang nahuli na yata ako ng dating, kapag okay na si Misis ay puwede na kayong umuwi but make sure na aalagaan mo ang katawan mo specially your health,” baling ng doctor sa kanya.       Nakangiting tumango siya at nagpasalamat sa doctor. Nang umalis ito ay saka lang natauhan ang mga nakapaligid sa kanya at sabay-sabay na nagsilapitan sa kanya.       “Hep! Hep! Don’t touch her! Move away!” sigaw ni Harvey nang akmang yayakapin siya ng mga kapatid nito.       “Kuya OA ka na, yayakapin lang namin si Ate Caryn!” nakasimangot na wika ni Yaxmein.       “Ang sabi ng doctor ay kailangang ingatan ang katawan ni Caryn baka kung ano ang mangyari sa baby ko!” ani Harvey na niyakap pa siya para protektahan sa gagawing pagsugod ng pamilya nito sa kanya.       “Magkakaanak ka na nga, napaka-isip bata mo pa rin! Hindi kami baliw para saktan ang magiging pamangkin namin, now move!” matigas na saad naman ni Jazmyn na nagawang itulak si Harvey.       “Gumawa kaya kayo ng sarili niyong baby!” nakaingos na saad naman ni Harvey na hindi binitiwan si Caryn.       “Wala pa sa plano, bro,” nakangising sabad naman ni Max.       “Hindi ganoon kadaling makahanap ng magandang lahi, dude!” nakakalokong turan naman ni Cody.       “Bata pa ako para diyan, sa ngayon focus muna sa pag-aaral… kung paano gumawa ng bata,” saad naman ng pinakabatang Mondragon.        “Will you all guys stop talking shits! Maghanap muna kayo ng girlfriend bago niyo isipin mga iyan!” Nakasimangot na sabad naman ni Elio, ang pang anim sa magkakapatid na Mondragon.        “Bakit bubuntisin mo na ba ang girlfriend mo?” nakangising tanong naman ni Philix.        Umiling ito at napangisi, “Nah, I still enjoy the way I live now.”        “Jusmiyo! Hindi na kayo nahiya! Andito kaming mga magulang niyo pero ganyan kayo mag-usap? Respeto mga anak, asan? Baka gusto niyong tsinelasin ko kayong lahat? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na seryosohin niyo ang mga babae at huwag paglalaruan?!” nakapameywang na sita ng Mommy nila.       Tumahimik silang lahat at nagpalitan ng tingin saka isa-isang nilapitan ang kanilang ina at kinulong ng yakap.       “Pagpasensyahan mo na iyang mga kupal kong kapatid. Sakit talaga sa ulo ang mga iyan, hayaan mo at hinding-hindi ko papalapitin ang anak natin sa kanila. Mahirap na at baka magmana sa mga katarantaduhan nila sa hinaharap,” bulong ni Harvey sa kanya.         Nakatanggap ng sangkaterbang mura si Harvey mula sa mga kapatid nito, natawa lang siya lalo pa at pinagkaisahan nilang hilain si Harvey palayo sa kanya at isa-isa silang lumapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD