CHAPTER 15 Hanggang ngayon ay shock pa rin si Maureen sa narinig na sinabi ng katulong ni Dux. Did they really think that they both got married?! Gosh! Ni sa hinagap niya ay hindi niya makita ang kanyang sarili na mahalin ang ibang lalaki maliban na lang kay Warren. And speaking of him... Kinuha niya ang kanyang telepono para tawagan ito ngunit un-attended ang phone nito. Marahas siyang nagbuga ng hangin, hindi siya ipokrita para hindi malaman kung ano talaga ang ginagawa nito ngayon, specially with a flirt b***h around him. But a promise is a promise! Pinangakuan siya nitong mamasyal silang dalawa pagkatapos lang ng mahalagang VIP Conference na iyon. Hindi naman siya siguro bibiguin nito sa pagkakataong iyon. Nakarinig siya ng tatlong sunod-sunod na katok sa pinto ng

