CHAPTER 6 Mabilis siyang tumayo at pikit ang matang lumapit kay Dux, kung kailangna niyang hilain ang lalaki papunta sa banyo ay gagawin niya, hindi lamang siya magkasala. Parang pagtataksil na ang gingawa niya kay Warren nan i minsan ay hindi pa niya nakita ang katawan. “Hindi mo dapat binabalndra iyang katawan mo sa harap ng kung sinu-sinong babae! Kung sanay ka na sa ganitong bagay, ako hindi. Conservative ako at may mga pinaniniwalaang tradisyon, kaya—” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siya nitong hinawakan at isinandal sa dinging na malapit sa pinto banyo. “Anong ginagawa mo?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa binatang na gasinulid ang layo sa pagitan niya. Ipinilig nito ang ulo nit at tiningnan siya sa mukha at bumaba sa katawan niya, pagkatapos ay bum

