CHAPTER 54 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Ayaw ko kasing maguluhan ka. Ayaw kong matakot ka lalo pa’t hindi naman na nagpapakita sa’yo si Denver. Akala ko, okey na. Na pwede na tayo kasi matagal na rin namang hindi kami nag-uusap at noon pa man, sa airport pa lang ay gusto na kita. Kahit nang kayo, alam ko sa sarili kong kung magmamahal akong muli pagkatapos kay Angel, ikaw iyon. Ikaw ang babaeng gutso kong mahalin. Kaya lang nang nalaman ni Denver na gusto kita, na mahal rin kita kaya niya ako inuunahan. Gusto niyang mabawi kang muli at ako ang mawalan. Hindi na rin lang naman ako mapapasakanya kaya naisip niyang balikan ka at namnamin ko rin ang pagkabigo na ibinigay ko sa kanya. Hindi ko siya mamahalin, Julia. Hindi ko kailanman siya kayang mahalin, " pagpapaliwanag niya. Kalmado l

