CHAPTER 97 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Mabigat ang mga hininga ni Denver. Punum-puno ng poot ang kanyang puso. “Pati, si Angel, pinatay mo. Yung babaeng sinasabi mong nagmamahal sa’yo isinama mo. Hindi ba tama ako? Pinatay mo sila! Pinatay moa ng magkapatid na para ko naring pamilya!” "Oo." Sigaw niya "Kasi kukunin ka nila sa akin. Aagawin ka nila sa akin!" Umiyak siyang parang bata. Nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na awa kay Denver. Habang nasa ganoon siyang estado, kailangan kong gawan ng paraan. Kanina ko pa pinag-aaralan kung paano ko maagaw ang baril, masipa o kaya ay masuntok para maagaw ang baril at makatakas kami ni L-jay. Kailangan kong bilisan ang pag-iisip ng plano. "Papatayin mon a rin lang naman ako, hindi ba? Papatayin mo na rin lang naman kami. Sana, mala

