CHAPTER 62 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “May bahid ba akong kabaklaan? Mula nang tayo, may nakita ka bang lalaking aking pinormahan? May mga actuations ba ako o kahit salita na kakikitaan ng kabalaan? Ikaw dapat ang nakakakilala sa akin Julia. Ikaw ang dapat makapagsabi kung bakla ba talaga ako o hindi. I knew it! Bago siya nakipagkita sa’yo, nagawan na niya ng mahusay na kuwento ang lahat. Yung kwentong kapani-paniwala. At ikaw naman itong basta na lang naniniwala sa maayos niyang kuwento.” “Para kasing totoo.” “Iyon na nga eh, PARANG totoo kasi hindi TALAGA totoo.” “So, siya ang nag-imbento ng kuwento? Hindi mo siya talaga mahal?” “NO! Nakakadiri ka naman! Ako magmamahal sa kapwa ko lalaki? Baka siya! Siya ang nang

