CHAPTER 58 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Nang umiyak ka sa kanta ni Regine, akala mo ba ikaw lang ang naluha noon? Ako, sobrang nadala at naluha sa linyang... "There was a time, that I just thought That I would lose my mind You came along and then the sun did shine" Hinawakan niya ang palad ko. Nagpaubaya na ako. Nagkatitigan kami. Si L-jay na ba ang dapat kong pagkatiwalaan? Pero hindi nga ba’t sa mga pelikula, kung sino yung mabait minsan, kung sino ang sa tingin nating nagsasabi ng totoo, sila pala ang tunay na impostor? Impostor na kapag nakuha ang tiwala mo, saka ka sasaksakin at papatayin ng walang kahirap-hirap? "Dumating ka sa buhay ko, Julia para bigyan muli ng liwanag at pag-asa iyon. Ano nga ba kasi ang alam kong ibang pagmamahal bukod sa pag

